CHAPTER 6

1131 Words
Chapter 6 Angie's POV: "Angie, may problema ba kayong dalawa ni Mark? Bakit umalis agad ang boyfriend mo? Pinaalis mo ba siya?" tanong ni nanay nang sumilip mismo siya sa kwarto. Dahil sa boses niya ay kaagad kong pinunasan ang aking luha para hindi ito makita ni mama. "Maliit na problema lang mama. Pero hayaan niyo na, magkakaayos din naman kami. Tinotopak lang ako ngayon... Nga pala, nag-almusal ka na ba? Gusto mo bang paglutuan kita nay?" saad ko rito at pilit kong binabalik sa normal na boses ang aking pananalita para hindi mahalata ni inay na galing ako sa pag-iyak. "Anak, kahit hindi mo sabihin, alam kong mabigat ang dinadala mong problema ngayon... Hindi naman masamang magsabi sa akin ng totoo. Maiintindihan ko kung nagkakalabuan na kayo ng boyfriend mo. Pero gusto kong malaman ang totoong rason kung bakit kayo humantong sa ganyan... May naging third party ba sa relasyon niyo, anak?" ani ni inay na tila maging siya ay nais niya nang makialam sa pinagdaraanan ko. Unti-unti naman akong humarap kay inay pero sa halip na ikwento ko sa kanya ang lahat ng dinaramdam ko ay lumapit lang ako rito para yakapin siya. Gusto ko lang maramdaman na meron akong kakampi at masasandalan sa mga problemang kinakaharap ko ngayon. "You are a strong woman, Angie. Isa ako sa nagpapatunay na malakas kang dalaga. Kaya alam ko at natitiyak kong malalagpasan mo rin ang pinagdaraanan mo. Basta lagi mong tandaan na hindi ka nag-iisa anak. Lagi akong nandito para sa'yo," wika ni inay na puno ng pagmamahal ang bawat salitang binibigkas ng dila niya. Kaya kahit papaano, unti-unti namang gumagaan ang pakiramdam ko dahil alam kong hindi ako nag-iisa. NATAPOS ang buong araw ko na halos iyak lang ang aking nagawa. Sa halip na masayang celebration ang matanggap ko ngayong anniversary namin, isang hiwalayan ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Mark. Nakipaghiwalay siya sa akin dahil mas pinili niyang panagutan si Andrea. Kaya wala na rin akong habol pa dahil kasama na mismo rito ang batang nasa sinapupunan ng pinsan ko. That baby is now involved in our break up. Wala tuloy akong nagawa kundi ang iiyak na lamang ang lahat ng sakit at sama nang loob na bitbit ng dibdib ko, para sa gano'n ay wala ng luha pa ang lalabas sa mga mata ko. Pero sa kabila ng pinagdaraanan ko, minabuti ko pa ring pumasok sa trabaho. Mas mababaliw kasi ako kung ikukulong ko ang sarili ko sa kwarto. Kaya pinili kong tumungo sa Milk-tea shop para doon ko ibuhos ang aking atensyon at oras. Hindi naman nakaligtaan na mapansin ni Lesly ang pamumugto ng mata ko. It's another day, but still, my face remains sad. Kahit na nakangiti ako ay halata sa aking mata na hindi ako okay. "Mukhang ang tamlay mo yata Angie... Dalawang araw ka ring nag-absent sa trabaho. Ano bang nangyari sa'yo? Don't tell me, naging tama ang hinala ko tungkol sa boyfriend mo?" wika ni Lesly na kasalukuyang nagwawalis siya ngayon sa loob ng milk-tea shop. Nahalata niya sigurong tulala ako at tila walang sigla sa aking ginagawa. "He's not my boyfriend anymore, Lesly... He's already my ex," walang ganang saad ko upang palitan ang term na ginamit niya tungkol kay Mark. And because of what I've said, napahinto siya sa kanyang ginagawa at agad na lumapit sa akin. "OMG! So true nga? Totoo ang hinala ko tungkol kay Mark? Did you see him, together with your cousin?" sunod-sunod na bigkas niya. "Yeah... At hindi lang silang dalawa ang nang-gago sa akin. Lahat ng kamag-anak ko, alam ang tungkol sa relasyon nila," ani ko naman para ibahagi sa kanya ang mga nalaman ko. Kahit papaano, si Lesly ang naging tulay para mahuli ko ang kagaguhan ni Mark. Siya ang nagtulak sa akin para matuklasan ko ang mga kahayupan ng kamag-anak ko. All of them, ruined my relationship. "Kung gano'n, hindi pala ako nagkamali sa nakita ko. Yung araw na kinasal ang pinsan mo, talagang nakita ko si Mark kasama si Andrea, yung tita mo pa nga mismo ang naghatid kay Andrea para makipagtagpuan sa boyfriend mo. Kaya doon pa lang, alam kong may mali na. So I already told you about it. Kasi kahit naman masyado akong mataray sa'yo, babae pa rin ako. I know the girl's code. At ayokong hayaan ka na lang na lokohin ni Mark... And I'm happy because you believe and trust me. Naniwala at nakinig ka sa sinabi ko," litanya nito. "Kaya nga malaki rin ang naitulong mo sa akin Lesly. I am really thankful dahil tinulungan mo akong makalayo sa mga taong pinagkaisahan ako," pahayag ko naman habang nakatingin ng diretsa sa kanyang mata. "It's the right thing to do, Angie... Hindi naman kakayanin ng konsensya ko na hayaan kang niloloko ni Mark.. Pero ang saklap pala ng dinanas mo. Halos lahat pala ng kamag-anak mo, suportado ang panloloko ni Mark para lang mapunta ang boyfriend mo sa pinsan mo... Hayyy, I can't believe that it happens in real life. Akala ko sa movie lang nangyayari ang cheating na ganyan," wika niya habang umiiling-iling. Maging siya ay nasasaktan dahil sa sinapit ko mula sa mga taong akala ko ay mapagkakatiwalaan ko. "Kaya nga hindi gano'n kadali ang magmove-on, Lesly. Hindi gano'n kadali na kalimutan ang lahat ng ginawa nila sa akin. Kung alam mo lang, gusto kong gumanti. Gusto ko ring iparanas sa kanila ang nararamdaman ko. Pero-- paano? Paano ko sila magagawang gantihan kung sarili ko ngang katawan ay hindi ko magawang baguhin," nanghihinang sambit ko. "And that's the spirit Angie! You need to take revenge. Hindi na uso ngayon ang pagpapatawad. Tandaan mo, walang rewind sa totoong buhay, kaya piliin mong gumanti sa mga taong ginago ka," madiin na turan ng dalaga na akala mo ay siya itong nadehado sa aming dalawa. "Kahit naman nga gustuhin ko, wala akong naiisip na paraan. Bukod sa wala akong pera, hindi rin kagandahan ang katawan ko," saad ko sa aking katrabaho. "Problema ba 'yan? Then start a proper diet. Mag-gym ka at iwasan mo na ring kumain ng marami," usal nito na animo'y siya pa ang nag-isip ng paraan para lang ipursige ko ang pag-ganti. "But how can I take revenge, Lesly? Eh wala na akong habol kay Mark. Nabuntis niya na ang pinsan ko. And I know, sooner, they will get married," I said again. "Angie, gaganti ka lang naman. Hindi ko naman sinabi na hahabulin mo si Mark at kukunin mo ulit siya sa pinsan mo. Gaga ka ba? Sinaktan ka na nga, gusto mo pang magkabalikan kayo... What I mean is, take another revenge. Kung pinagpalit ka ni Mark sa pinsan mo, edi ipagpalit mo rin siya sa taong kadugo niya rin," pagkaklaro nito sa akin hudyat para mag-iba ang takbo ng utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD