Chapter 60 ANGIE's POV: PITONG TAON NA PALA. Pitong taon na simula mangyari ang pangalawang beses na nasaktan ako sa pag-ibig. Parehong mag-ama ang naging karelasyon ko. At pareho rin sila ang dahilan kung bakit nadurog nang husto ang aking puso. Pinagkaiba nga lang, si Arthur — may iniwan siya sa akin na isang ala-ala na hindi ko kayang talikuran. "Mama, kumusta na ho ang pakiramdam niyo? Gusto niyo po ba ng mansanas mama?" tanong sa akin ni Iza. Ang batang babae na paulit-ulit na pinipigi ang maliit na towel sa tubig para palang ilagay ito sa noo ko. Si Iza ang anak ko — ang anak namin ni Arthur na siyang naiwan na ala-ala sa akin ng lalaki. Simula nung pinagtabuyan ako ni Arthur, isang buwan makalipas ay nalaman kong nagdadalang-tao na rin ako. Binalak ko ngang ipaalam ito sa