CHAPTER 35 ANGIE's POV: KALABOG ng aking dibdib ang siyang nangingibabaw sa damdamin ko ngayon. As I enter the mansion, para akong nanghihina habang humahakbang ako papasok sa loob. Kung pwede lang sana na huwag tumuloy ay kanina ko pa ginawa. Pero wala na akong choice kundi ang panindigan ito. Ang kailangan ko lang ay maging matapang na harapin ang dalawang tao na sumira at nanakit sa akin. Gabi na pala kami nang makarating sa Manila. Kaya pagkapasok namin ng mansion ay hindi ko agad nakita sila Mark. Panigurado ako na nagpapahinga na sila ni Andrea. "Can I go first to the restroom? Magreretouch lang ako, Sir Arthur," paalam ko sa lalaking kasama ko ngayon. "Sige Miss Gie. — Pero kung maaari lang sana ay huwag mo na akong tatawagin na Sir." "Po?" bigkas ko naman na tila may gusto