CHAPTER 34 ANGIE's POV: "BABALIK NA TAYO NG MANILA?" sambit ko nang magbook na agad si Sir Arthur ng flight. Ito kasi ang siyang naabutan ko habang may kausap siya na isang tao na animo'y inuutusan nito na asikasuhin ang aming pag-alis. It's another day again. At wala akong nagawa rito sa resort kundi ang kumain, tumulog at makipagharutan lang sa boss ko. Ni hindi ko nga gaanong nalibot itong kabuuan ng resort dahil ang lagi nitong sinasabi— parang magnet si Matthew na kung saan daw kami papunta, laging naroon ang lalaki. Halata ko na masyado ng mainitin ang ulo niya kay Matthew. Kung makapagsalita ito sa tao ay akala mo, hindi niya naging kaibigan ang lalaking 'yon. "Yes Miss Gie. Uuwi na tayo at babalik na tayo ng Manila. There's no reason to stay here," pagbibigkas niya na halat