CHAPTER 36 MARK's POV: WALA na yata akong mailalarawan sa babaeng nasa harapan namin. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na siya ang babaeng pakakasalan ng aking ama. Para akong minulto ng sarili kong kasalanan habang tinitingnan ko si Angie na ngayon ay nasa piling na ng tatay ko. Siya ang ex-girlfriend ko na pinagsisihan kong lokohin. At siya rin ang babaeng gusto ko sanang balikan pero hindi na maaari dahil nga't nabuntis ko ang pinsan niya. Habang pinagmamasdan ko ang pagiging malambing niya kay papa ay para akong nanlulumo. "Punta lang ako ng c.r," bigkas ko na lamang nang tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. Hindi kaya ng puso ko ang aking nasaksihan ngayong gabi. Pakiramdam ko ay tumiklop ang p*********i ko dahil sa pagsisising umaapaw sa damdamin ko. Hindi ko man lang nai