Chapter 2
(SURPRESANG PANANAKIT)
ANGIE's POV:
ITINUON ko ang tatlong oras ko sa pagtatrabaho para sa gano'n ay makalimutan ko ang sinabi ni Lesly tungkol sa paratang niya sa boyfriend ko. Talagang narinig ko ang sinabi nito kanina kung kaya naman nagsimula na akong mag-overthink dahil hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam sa akin si Mark.
Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. Yung tipong nasa oras ka ng trabaho pero yung isip mo hindi mapakali.
Nang magkaroon ng break time sa aming trabaho ay agad kong nilapitan si Lesly just to clear everything. Hindi mapapanatag ang loob ko hangga't hindi niya sa akin napapaliwanag ang tungkol sa nabanggit niya kanina.
"Lesly, can we talk?" bigkas ko rito nang madatnan kong umiinom siya ng juice.
"Gusto mo akong makausap? Tungkol saan?" direktang tanong din nito sa akin.
"About what you said earlier. Tungkol sa boyfriend ko," mahinang tugon ko naman sa kanya.
Napaiwas tuloy siya nang tingin at muling ibinaling ang kanyang atensyon sa pagkain na hawak niya. Kung kanina ay umiinom siya ng juice, ngayon naman ay tinapay ang kanyang pinagkaabalahan.
"Lesly, tinatanong kita... Ano bang alam mo sa boyfriend ko? Paano mo nagawang sabihin na palihim na nambababae si Mark? D-do you have any proof?" nauutal kong sambit.
"Kung nambabae man ang boyfriend mo, Angie... Magagawa mo ba siyang iwan? Hindi diba? Because you are deeply in love with your cheater boyfriend. Kaya ano pang saysay kung sasabihin ko sa'yong may ibang babaeng dinidiligan ang nobyo mo," litanya nito hudyat upang kumalabog nang husto ang dibdib ko.
"Sandali, anong ibig mong sabihin?" pagtatanong ko na puno ng katanungan at kaguluhan sa isipan ko.
Hindi naman ako pwedeng humusga agad kay Mark hangga't walang matibay na ebidensya na ipapakita sa akin si Lesly. Ayokong maniwala sa sabi-sabi ng ibang tao, dahil baka ito pa ang maging dahilan ng malabo naming relasyon ni Mark.
"Gaga ka talaga kahit kailan Angie. Saan ba nakalagay yang utak mo? Nasa bilbil mo ba kaya hindi mo magamit ng tama?" usal niya na sobrang sakit na nito kung magsalita.
"Lesly naman. Can you please say it to me directly? Hindi ko kayang makipagbiruan sa'yo ngayon. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang alam mo kay Mark. May babae ba ang boyfriend ko?" ani ko nang bahagya kong kinalampag ang mesang nasa tapat niya para mapilitan itong umamin.
"Huwag mo akong pilitin Angie na umamin dahil tiyak na kapag sinabi ko kung sino ang babae ng boyfriend mo ay baka gumuho ang mundo mo," she said as she stand up.
The way she answered my question, she's hundred percent sure na may babae nga ang nobyo ko.
Nang akmang babalik na siya sa trabaho ay mabilis kong hinawakan ang braso nito upang tanungin ulit ito. Hindi kasi ako makakampante hangga't hindi kompleto ang impormasyon na sinasabi niya.
"Sino? Sino ang babae ng boyfriend ko?" litanya ko para alamin ang sagot mula kay Lesly. But she just looked at me with a pity reaction on her face na tila awang-awa siya sa kalagayan ko.
"I feel so pity for you my dear Angelie. Masyado ka kasing proud sa boyfriend mo kaya hindi mo namamalayan, unti-unti siyang inaahas ng iba," nakangising turan niya.
"Lesly..." tanging pangalan na lamang niya ang naisasambit ko ngayon dahil hindi ko na alam kung ano pa bang salita ang pwede kong sabihin para lang itapat nito sa akin ang katotohanan.
"Tomorrow is your first anniversary, right? So why don't you ask your boyfriend kung sino ang babaeng kinahihibangan niya ngayon? Or maybe, you can ask your cousin kung sinong lalaki ang kinikita niya ng patago? Or much better, si tita Marisa mo na lang kaya ang tanungin mo ng ganyan, baka kilala niya kung sino ang lalaking iniibig ng one and only daughter niya," wika ni Lesly na tila binigyan niya ako ng clue kung sino ang babae ng nobyo ko.
Naiwan tuloy akong nakanganga at gulantang na ekspresyon ang nasa mukha ko ngayon dahil sa sinabi nito.
Kung totoo man ang paratang ni Lesly tungkol kay Mark, hindi yata kakayanin ng puso ko na tanggapin ang ginawa niya lalo pa't pinsan ko lang pala ang ipinalit niya sa akin.
Si Andrea... She's a gorgeous and sexy woman. Malayong-malayo nga ako kung ikukumpara sa kanya. Itong gasul kong katawan ay ligwak na agad kapag itinabi ako sa pinsan ko. Kaya nga minsan kinahihiya nila na naging kamag-anak nila ang kagaya namin ni inay.
Para akong nanlalambot ngayon habang iniisip ang mga salitang narinig ko kay Lesly. Mukhang hindi ko yata kayang harapin ang katotohanan. At lalong ayokong tanggapin dahil mahal ko si Mark. Mahal na mahal ko siya. Siya lang naman ang lalaking tumanggap sa pagkatao ko. Pinaramdam niya sa akin na kamahal-mahal ang isang tulad ko. Kaya mahirap para sa akin na paniwalaan ang mga sinabi ng ka-trabaho ko.
"Oh-- saan ka pupunta Angie? Hindi pa tapos ang work mo ha? Look oh, there's so many customers. Tapos aalis ka at iiwan mo akong mag-isa dito sa milk-teahan?" bigkas ni Lesly nang hubarin ko ang apron na suot ko.
Sa milk-teahan kaming dalawa nagtatrabaho ni Lesly. At itong milk-teahan na ito ang bumuhay sa amin ni inay para makaraos sa pang-araw araw.
"May pupuntahan lang ako Lesly... Pupuntahan ko si Mark sa condo niya. I want to confront him about his cheating issue," matamlay na tugon ko bilang kasagutan sa tanong niya.
"Pambihira ka naman Angie, uunahin mo pa talaga 'yang cheater mong boyfriend kaysa sa trabaho mo? Nag-aaksaya ka lang ng oras. Hindi mo makikita ang boyfriend mo sa condo dahil busy na 'yon sa bago niya," inis na tugon nito pero hindi ko na lamang ito pinansin pa dahil dire-diretso lang ako sa paglabas ng shop.
Kung hindi ko magawang ma-contact si Mark, ako na mismo ang pupunta sa condo na inuuwian niya.
Hindi ko na pwedeng paabutin pa ito bukas dahil tiyak na sasabog na ang utak ko sa daming gumugulo sa loob nito.
Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa address kung saan tumutuloy ang nobyo ko. Pagkarating ko roon ay hindi ko man lang siya naabutan dahil nakalock ang pinto sa labas.
Hindi ako sanay na ganitong oras ay wala siya sa condo. Sa tuwing pinupuntahan ko kasi ang binata ay lagi ko siyang naaabutan na tulog mantika sa kama. But now, it seems so different. Wala siya sa condo, and I don't even know kung saan siya pumunta.
Unti-unti na tuloy akong kinukutuban sapagkat unti-unti na ring kumokonekta ang mga sinasabi ni Lesly tungkol kay Mark at sa pinsan ko.
Kaya kahit ayokong pumunta sa bahay nila Tita Marisa ay tila may umuudyok sa paa ko na pumunta roon. So yes, I ended up going to my cousin's house.
Ayoko sanang tumapak sa lugar nila dahil talagang mainit ang dugo ko sa kanila. Pero para masagot na ang mga tanong ko ay pinili kong tumuntong doon.
Pagkarating ko roon ay halos masasaya ang mga tao sa loob. Lahat sila ay tila naghihiyawan. Rinig ko ang boses ni tita Marisa na nangingibabaw at pinasegundahan naman ito ng nanay ni Celine na panganay na kapatid ni inay. And her name is Marieta. All of them were really happy inside the house. Kaya yung paa ko ay parang nanginginig na lumalapit patungo sa pintuan. Gusto kong alamin ang dahilan ng kasiyahan nila. And I also want to see if my boyfriend was there.
So dahan-dahan na akong sumilip para makita ang nasa loob. Ang una kong nakita, sila tita Marisa at tita Marieta na magkatabi habang nagkikwentuhan. Pero sa kabilang sofa ay nasilayan ko si Andrea na siyang katabi rin ni Celine, ang pinsan ko na kinasal kahapon. Nandito rin siya at animo'y nag-eenjoy siya sa mga usapan ng magulang nila. Pero pandalian naman akong nakahinga dahil hindi ko nahagilap ang mukha ni Mark, kaya kahit papaano ay medyo gumaan ang dibdib ko sa mga oras na ito. But the conversation with my relatives hits me a lot. Ako ang topic nila sa usapan. Ako pala ang dahilan kung bakit ang sasaya nila dahil pinagtatawanan nila ang katawan ko.
"Mabuti na lang talaga at natauhan ang boyfriend ni Angie, noh? Sino ba kasing matinong lalaki ang papatol sa gasul na babaeng 'yon? Baka nga hindi na siya mabuntis dahil natabunan na ng taba ang matres niya," rinig ko turan ni Marisa habang binabanggit ang pangalan ko. Until now, katawan ko pa rin ang nadidiskitahan niyang punain.
"Mom stop that... It's better nga na hindi na siya mabuntis pa, para naman hindi na dumami ang lahi nila... Kasi kung madadagdagan pa sila ng nanay niya, tiyak na magkakaroon ulit tayo ng kamag-anak na merong disability in body. Nakakahiya kaya 'yon sa part natin. Maging tayo ay nadadamay dahil sa kanila," saad ni Andrea na maging ang nanay ko ay nagawa na nilang laitin at pagkatuwaan.
Nandidilim tuloy ang paningin ko sa kanila, maging ang angry issue ko ay tumataas dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko mawari na pati ang panganay na kapatid ni inay ay magagawa rin kaming iback-stab. Ang buong akala ko pa naman ay iba siya kay tita Marisa. Pero pareho lang pala silang dalawa na may sungay. But still, sa kabila ng mga narinig ng tenga ko, I chose to remain calm. At pinili kong huwag magpakita sa kanila dahil ayokong mag-eskandalo.
"Kung sabagay, tama ka dyan Andrea. Tama lang na hindi na dumami ang lahi nila. Kaya kung ako sa'yo, ikaw na lang ang magparami ng lahi ng natin kay Mark," muling sambit ni tita.
Because of the name that she mentioned ay muntikan naman akong matumba dahil tila hindi ako nakapaghanda na madadawit bigla ang pangalan ng boyfriend ko sa usapin nila.
"Speaking of Mark, I received a text message coming from him Mo'm, he's on the way na raw papunta dito," tumitiling bigkas ni Andrea hudyat para mataranta ako sa kanyang sinabi.
Awtomatikong napalingon ako sa likod dahil baka makita ako ng lalaking hinihintay niyang pumunta rito. Kaya mabilis akong kumilos upang tumago. Sa may left side ako pumwesto kung saan ito ay tambakan ng labahan nila.
Maya-maya nga ay meron na ngang dumating na kotse. The car is really the same as the car that I saw last night. Pagkababa ng lalaki mula sa kotse ay parang tinusok ng ilang kutsilyo ang puso ko nang masilayan ko ang mukha nito. Si Mark... Ang boyfriend ko nga mismo ang lalaking kinababaliwan ng pinsan ko.
They had a secret relationship while we were also together. Talagang ginago nga ako ng boyfriend ko at pinaglaruan nang husto.
"Hi sweetie, buti naman at dumating ka na. Kanina pa sa'yo naghihintay si mama at ang tita ko sa loob," saad ni Andrea nang salubungin niya si Mark. She also did a quick smack to my man at agad nitong pinulupot ang kanyang braso sa bewang ni ng nobyo ko.
"I'm sorry sweetie kung natagalan. Dumaan pa kasi ako sa flower shop just to give you this," malambing na tugon ni Mark sa dalaga habang binibigay ang isang bouquet of roses.
"Ohh how sweet... Thanks for the flowers sweetie, nag-abala ka pa talaga just to surprise me," ani ni Andrea kaakibat nang pagpasok nilang dalawa sa loob ng bahay.
Yung inaasam kong bulaklak para bukas at para sa anibersaryo namin ay ginawa niya hindi para sa akin, kundi para sa pinsan ko.
Masyadong masakit ang nasaksihan at nalaman ko ngayon. Para akong pinatay sa inggit, selos at kirot sa puso ko. Hindi ko mawari na lahat nang sinabi ni Lesly ay totoo.
My boyfriend cheated on me. And worst, alam ito mismo ng mga kamag-anak ko. Pinagkaisahan nila akong lahat at pinaglaruan. Para akong tanga na ginagago na pala ako pero hindi ko man lang ito nahalata.
Kahit kailan talaga ay tatanga-tanga ako.
Naging bulag ako sa katotohanan. At naging kampante sa pangako ni Mark sa akin na hindi niya ako ipagpapalit sa kahit sino. Pero sa huli ay kinain niya rin ang pinangako niya.