Chapter 3
ANGIE's POV:
NANGHIHINA akong naglalakad ngayon sa sa kalsada. Para akong nawawala sa aking katinuan ngayon habang humahakbang pauwi sa bahay. Hindi ko na nagawang sumakay pa ng taxi dahil kulang na rin ang pamasahe na nasa wallet ko. Kaya minabuti kong lakarin na lamang ito dahil hindi naman ito gaanong kalayuan.
Halos napapatingin naman sa akin ang mga taong nakakasalubong ko dahil siguro nakikita nila akong umiiyak.
Hindi ko kasi mapigilan ang pagpatak ng luha ko sa tuwing sumasagi sa ala-ala ko ang mga pinagsamahan namin ni Mark.
Hindi ko napaghandaan ang ganitong sitwasyon. Hindi ko kasi lubos maisip na magagawa akong lokohin ng boyfriend ko. He's my first love, my first boyfriend but at the same time, he's also the first person who broke me and gave me so much pain. Kaya hindi madali sa akin na pigilan ang emosyon ko. Talagang nasasaktan ako nang husto.
Hindi ko na tuloy mabilang kung ilang luha na ang bumuhos mula sa mata ko. Pero kahit anong iyak ang gawin ko ay hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko. Ang bigat pa rin at ang sakit.
"Miss, tingnan mo ang dinadaanan mo! Kung magpapakamatay ka, huwag mo kaming idamay dyan sa problema mo!" Malakas na sigaw naman sa akin Mamang tsuper na siyang nagmamaneho ng jeep. Dahil sa malakas na boses niya ay saka lang ako nagising sa aking diwa. Agad kong pinunasan ang aking luha sa pisngi nang mapagtanto ko na ako ang dahilan ngayon ng traffic sa kalsada. Halos pana'y na silang busina tapos ako ay nasa gitna mismo ng daanan dahilan para mahinto ang mga nagmamaneho.
Mabilis naman akong nakaramdam ng hiya at agad na humingi ng pasensya sa kanila. Pero dahil sa pagmamadali ko ay bigla akong nahagip ng isang kotse dahilan para mapahiga ako sa kalsada.
Masyadong malakas ang pagkakalampag ko kaya agad akong nawalan ng malay.
I thought this would be my last day. Kaso hindi eh. Dahil nagising pa rin ako. Napamulat pa rin ang mata ko. But at this moment, wala na ako sa kalsada dahil nasa mismong magandang bahay na ako. Hindi nga ito masasabing bahay, kundi isang mansion dahil sa ganda at aliwalas ng paligid. Masyadong malaki at magaganda ang disenyo ng bawat sulok.
"O-ouch..." impit na sambit ko nang maramdaman ko ang hapdi mula sa aking ulo.
"Huwag ka munang gumalaw. Kailangan mo raw muna magpahinga at magpalakas sabi ng Doctor na siyang tinawagan ko para gamutin ka," saad ng lalaking may malalim na boses. His voice is like an old man. Parang hindi na siya nasa 20's. I think he's already fourthy plus years old.
Hindi ko pa maaninag ang mukha niya dahil natatakpan ito ng dyaryo na hawak niya. Nakaupo siya sa gilid kung saan ay merong malaking sofa roon.
"Ah-- n-nasaan pala ako?" nauutal na tanong ko. I don't know how to have a good conversation with him. Feeling ko kasi ay galit siya sa akin dahil mukhang naabala ko ito sa trabaho. He's wearing a black suit na sigurado akong opisina ang pinagtatrabahuhan ng lalaki.
"You are inside my house," tipid na sagot nito at dahan-dahan na nitong binaba ang dyaryong hawak niya.
Halos mahulog naman ako sa kamang hinihigaan ko nang makilala ko ang lalaking kausap ko ngayon.
Hindi nga ako nagkamali na medyo may edad na yung taong nagsasalita dahil ang lalaking ito ay ang ama ng boyfriend kong si Mark. Siya nga... Siya nga ang tatay ni Mark dahil ilang beses ko itong nakikita sa albums ng binata.
Pero kahit sino ay mapapamangha sa postura at itsura ng lalaki. Hindi halata sa kanya na may edad na siya. Kung hindi ko lang siguro nakilala na anak niya si Mark ay hindi ko iisipin na matanda na ito. Parang batak na batak kasi siya sa gym dahil sa laki ng katawan niya. He's just matured only at his age but not on his face.
Para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ko maigalaw ang kamay ko. Maging ang labi ko ay hindi ko magawang itikom dahil sa unexpected na pagkikita naming dalawa ng tatay ng nobyo ko.
"Na-cancelled ang meeting ko today with Mr. Xao dahil sa insidenteng ito. Kaya dito na lang kita dinala sa bahay ko para dito ka na lang gamutin. Ayokong ipaalam sa publiko na meron akong nasagasaan na tao sa kalsada dahil makakasira iyon sa pangalan ko. So I bring you here, Miss-- what's your name?" pagtatanong niya sa pangalan ko.
Hindi tuloy ako makasagot agad, dahil hindi ko talaga alam kung paano ako makikipag-usap sa kanya. It's very awkward for me to approach him, gayong si Mark ang dahilan kung bakit nawala ako sa katinuan kanina.
"Anyway, hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa'yo Miss. Hinintay lang talaga kita na magising para makausap kita, just to settle this problem... Kapag maayos na ang pakiramdam mo, you can go home. Pero kung hindi pa, you will stay here until you feel okay. And of course, I'll give you money for your medicines, para masiguro ko na gagaling ka agad," wika niya para hindi na humaba pa ang aming usapan.
Inilahad niya naman ang envelope na maliit na tiyak kong pera ang laman. Pero nagdadalawang-isip ako kung kukunin ko ba ito o hindi.
Huminga naman ako nang malalim bago ako nagsalita. Talagang tumipon ako ng aking lakas bago ako magbitaw ng salita.
"I'm okay Sir... Hindi ko naman kailangan ng pera. Pasensya na sa naging abala ko sa'yo. Hindi lang talaga maayos ang pakiramdam ko kanina kaya nasagasaan mo ako. Kaya kasalanan ko naman talaga. So you don't need to feel guilty about it," ani ko at maluwag kong inako ang aking pagkakamali.
Ayoko rin namang magkaroon ako ng utang na loob sa kanya dahil ayokong may masabi siya tungkol sa akin pagdating ng panahon.
But honestly, he doesn't know about me. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hindi niya ako kilala. Dahil sa isang taon naming relasyon ni Mark, never niya pa akong pinakilala sa tatay niya. Maybe because he's not proud of me. Or maybe because I'm not suited to his standard. Hindi naman kasi ako ka-sexyhan na babae para ipagmalaki. Kaya siguro eto ang rason kung bakit ayaw niya akong iharap sa parents niya.
NAGKATAGPO naman ang mata naming dalawa ng daddy ni Mark. He looks so worried. At hindi maalis sa tingin niya ang magduda sa sinabi ko, na tila hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
"Just accept this money, Miss... Hindi ako sanay na tinatanggihan ng isang dalaga ang perang inaalok ko lalo pa't nasa ganyan kang sitwasyon," ani nito.
"I'm not asking for money Sir... Sapat na sa akin yung nagmagandang loob ka na gamutin ako sa kabila ng katangahan ko kanina. So thank you Sir," I said again as I smiled.
Nang bumangon naman ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo na naging rason para ma-out of balance ako. Pero sa hindi sinasadyang pangyayari ay bigla akong napasanday at napayakap sa bewang ng lalaki. Kaya yung puso ko ay parang nasa karera dahil sa bilis ng pintig nito.
"See? You're not totally fine, Miss. So don't force yourself kung hindi pa kaya ng katawan mo. Take a rest para magkaroon ka ng lakas," mahinahon na turan niya.
Agad naman akong napabitaw sa kanya at lumayo nang bahagya.
"Sa bahay na lang ako magpapahinga. I don't want to stay here," pagtuturan ko na lamang bilang desisyon.
Ayokong tumagal dito sa mansion dahil ayokong maabutan ako ni Mark. Hindi pa naman ako handa na harapin siya, matapos ng panlolokong ginawa niya sa akin.
"Masyadong matigas ang ulo mo, babae... Pero sige, para sa ikakapanatag ng loob mo, ako na mismo ang hahatid sa'yo sa bahay niyo," seryosong wika niya bilang pagpayag sa naging pasya ko.
"Pero--"
"I insist. So stop giving me a reason," bigkas niya para hindi na ako tumanggi pa.
Hindi ko na tuloy natapos pa ang sasabihin ko dahil sa pagiging bossy nitong tatay ng boyfriend ko.
Ang awra niya at tono ng pananalita niya ay talagang hindi ka makakatanggi pa.