CHAPTER 1
ANGIE's POV:
"Ang taba mo na Angie ha? Ang laki ng pinagbago ng katawan mo. Tingnan mo ang bilbil mo, halos tatlong layers na... Dapat magkaroon ka ng proper diet. Para naman hindi ka ipagpalit ng boyfriend mo sa sexing babae," bigkas ni tita sa akin nang madaanan niya ang table ko kung saan ako nakapwestong kumakain.
Siya ang tita ko na prangka kung magsalita. Kung ano ang makita niya ay talagang binibigkas nito at hindi man lang uso rito ang magpigil ng dila.
Nasa wedding reception kasi ako ngayon dahil nabigyan din ako ng invitation card ng pinsan ko na siyang kinasal sa asawa niyang Amerikano.
Pero etong si tita, ako agad ang napuntirya niyang pagsabihan dahil sa aking katawan na halos ay naging doble na nga buhat ng pagiging mataba ko.
"Anong magagawa ko tita? Masarap kayang kumain. Saka, hindi naman siguro ako ipagpapalit ng boyfriend ko... I'm sure naman na mahal ako ni Mark. Kilala ko ang boyfriend ko tita. He's not the type of man na cheater at madaling magsawa," turan ko naman sa aking tiyahin para ipagtanggol ko ang aking nobyo.
Iba kasi ang dating ng mensahe niya sa akin. Pinaparating nito na madali akong palitan dahil lang sa katawan na meron ako.
Kaya hindi ko rin maiwasan na sagutin si tita para lang tumigil na siya sa kaka-komento tungkol sa buhay ko.
"Pinapayuhan lang naman kita Angie. Iba na kasi ang mga lalaki ngayon. Gusto nila yung may alindog sa katawan ang babae. Pero sa lagay ng katawan mo, nawala na yung kurba dahil napuno na ng taba," muling hirit nito at tinuloy niya pa talaga ang pagba-body shame sa akin.
Napatigil naman ako sa aking kinakain at mapaklang ngumiti kasabay nang pagbitaw ko ng tinidor na siyang hawak ko. Senyales ito na nawalan na ako ng gana para ubusin ang pagkain na siyang nasa plato.
Sino ba naman ang gaganahan kumain kung katulad ni tita ang kaharap mo.
"Sabi ko nga po tita. Tama ka... You really have a point. Panget nga sa isang babae ang mataba. So excuse me, uuwi na lang ako. I think, I do not belong in this kind of occasion," sakrastikong tugon ko nang tumayo ako para magpaalam sa kanya.
Sa halip na mag-enjoy ako sa wedding reception at ma-enjoy sa foods na nakahain ay mabilis itong napalitan ng pagkainis.
Hindi ko na nagawang lingunin pa si tita bagkus ay lumabas na nga ako ng venue.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Malayo pa naman ang naging venue ng reception nila kaya kakailanganin ko ang sumakay ng jeep o bus para makauwi sa bahay.
Pero dahil gabi na ay medyo marami akong nakikitang mga pasahero na naghihintay din ng sasakyan.
So I ended up calling my boyfriend para lang magpasundo sa kanya.
May kotse kasi si Mark. Hindi naman sa pagmamayabang, pero mayaman ang boyfriend ko. Sa pananamit niya pa lang at sa mga kwento niya, alam kong nanggaling siya sa maginhawang pamilya.
Nang i-dialed ko ang number ni Mark sa phone ay ilang beses lang ito na tumunog pero hindi niya ito sinasagot. Kaya naman, napilitan ako na huwag na lamang ito kulitin dahil baka busy pa rin hanggang ngayon ang aking nobyo. Bigla kasing sumagi sa isipan ko na baka may kinalaman sa darating na anniversary namin ang ginagawa niya.
Yes, mag-iisang taon na ang relasyon namin ni Mark. Sa susunod na araw, first anniversary na namin. Kaya nga hindi siya sumama sa akin dito sa wedding reception ng pinsan ko dahil nabanggit nito na marami siyang pinagkakaabalahan. And I guess, isa sa ginagawa niya ay ang planong isurpresa ako.
Kaya heto, wala akong choice kundi ang maki-pila na rin para lang maghintay ng sasakyan. Pinili ko na huwag na lamang kulitin ang aking boyfriend dahil tiyak akong pagod din ito sa kanyang pinagkaka-busyhan.
Sa pagsakay ko ng jeep ay pumwesto agad ako sa unahan kung saan ay katabi ko ang driver. Dahil nga't mataba ako ay nagawa kong masakop ang upuan kaya walang nagtangkang tumabi sa akin. But I paid for two people para naman hindi malugi ang jeepney driver.
Habang nasa biyahe ako ay hindi ko mapigilan ang aking leeg na lumingon-lingon sa mga sasakyan para lang hindi ako dalawin ng antok.
At sa kalagitnaan ng pag-drive ni Manong ay napukaw ang atensyon ko sa pulang kotse na naka-park sa gilid na animo'y may kahalikan ang lalaking nasa loob ng sasakyan.
Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko dahil kilala ko ang kotse ni Mark. Gano'n ang kulay ng sasakyan niya at meron din itong rosaryong nakasabit.
Akma sana akong baba ng jeep kaya lang mabilis ang pagmaneho ni Manong dahilan para makalayo na ang sinasakyan ko sa pulang kotseng nadaanan namin.
Napahugot na lamang ako nang malalim na hininga at pinili kong tapikin nang bahagya ang aking mukha. Pinipilit ko sa aking sarili na namalikmata lang ako sa aking nakita.
Imposible naman na si Mark ang lalaking nasa loob ng pulang kotse at nakikipaghalikan sa babae. Malabo naman na lokohin ako ni Mark dahil ramdam ko ang tunay na pagmamahal nito sa akin.
"Hindi siya 'yon Angie... Huwag mong pag-isipan ng masama ang boyfriend mo. He's loyal, remember? Tsaka, hindi lang naman ang boyfriend mo ang merong kotse na gano'n," mahinang bigkas ng isipan ko na animo'y kinakausap ko ang aking sarili upang hindi na ako mag-overthink pa.
Pagkababa ko ng jeep ay agad na akong naglakad papunta sa tapat ng aming bahay. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumasok dahil masyadong nagugulo ang utak ko sa gabing ito.
Puno ng inis, pagdududa at pagkalito ang siyang naghahalo sa aking utak dahil sa mga naranasan ko ngayong araw.
"Akala ko ba ay bukas ka na uuwi, anak? Tapos na ba yung ganap sa kasal ni Celine? Kumusta nga pala yung venue? Engrande ba?" Sunod-sunod na tanong kaagad ni mama nang makita niya ang presensya ko.
Hindi rin kasi nag-attend sa kasal si inay sa dahilan na hindi na siya nakakalakad pa. Tanging wheelchair na lamang ang gamit nito para lang makakilos siya sa loob ng bahay.
"Maganda yung venue nay. Sosyal na sosyal. Talagang ginastusan si Celine ng asawa niyang kano... Kaya ayon, maraming pagkain. Kaso hindi ako naka-takeout dahil yung magaling niyong kapatid, pinuna na naman ang katawan ko," saad ko rito upang ikwento sa kanya ang ganap kanina sa venue.
"Sinong kapatid ko si Marisa ba?" tanong ni inay upang hulaan kung sino sa kapatid niya ang tinutukoy ko.
Tatlo lang naman sila na magkakapatid. Lahat sila ay babae. Yung nanay ni Celine ang matanda, tapos ang pangalawa ay si tita Marisa. At si mama naman ang bunso. Pero sa kanilang tatlo, si mama lang ang hindi pinalad na magkaroon ng marangyang buhay dahil sa maagang namatay si tatay.
"Sino pa ba Ma? Hindi naman nakakagulat ang pangalan ni tita Marisa pagdating sa pangingialam ng katawan. Siya lang naman ang kapatid mo na mahilig manlait," sambit ko kay inay na may kasabay na pag-iling ng aking ulo.
"Hay nako anak... Masanay ka na. Kilala mo naman si ate Marisa, walang preno ang bibig no'n. Kaya pakinggan mo na lang sa kaliwang tenga at ilabas mo na lang sa kanang tenga," wika na lamang ni mama upang pakalmahin ako.
As usual, gano'n na nga ang ginawa ko. Pinalampas ko na lamang ang negatibong komento ni tita sa katawan ko at binaon ko na lamang ito sa limot.
Kaya pagkauwi ko ng bahay ay humiga na lamang ako at pinili kong magpahinga.
Pero hindi maalis sa isipan ko ang lalaking nahagip ng mata ko kanina. Sigurado ang mata ko na yung boyfriend ko yung nasa loob ng kotse. But my heart and brain are not sure about it. Hindi ko kayang pag-isipan ng masama si Mark dahil malaki ang tiwala ko sa kanya.
Sa lalim nang iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
When I opened my eyes, it was already six in the morning. Meron kasi akong alarm clock kaya nagigising ako ng alas-sais ng umaga.
At dala na rin ng sobrang pagod ko kagabi ay hindi na ako nakapagpalit pa ng damit.
Agad ko namang kinapa ang aking phone para tingnan kung nag-message ba sa akin si Mark. But sadly, I don't receive any calls or messages coming from him. Kaya yung umaga ko ay hindi kompleto dahil wala man lang akong natanggap na good morning galing sa nobyo ko.
Pero kahit gano'n ay bumangon pa rin ako dahil kailangan ko pang pumasok sa trabaho.
Napasulyap na lamang ako sa kalendaryong nakasabit sa pader at nang makita ko ang January 27 na date bukas ay muli akong kinilig sa expectation na iniisip ng utak ko. I am expecting na may pasabog si Mark para sa first anniversary namin for tomorrow. Kaya yung ngiti ko ngayon ay abot langit dahil tiyak na kikiligin ako sa pasabog na magaganap para sa isang taon naming magkasintahan. Para tuloy akong tanga dahil sa paiba-iba ng emosyon ko.
TUMULOY na nga ako sa aking trabaho matapos kong maligo at mag-almusal. Good mood ako ngayon dahil ayokong kumlubot ang aking noo.
"Gandang morning, Lesly! Late na ba ako?" masiglang pagbati ko sa aking katrabaho. I wear my pretty smile while I'm asking her, nang sa gano'n ay hindi siya maging masungit sa akin.
Palagi kasi akong late sa trabaho kaya madalas naiinis na ito sa akin. But at this point, mukhang hindi ako umabot sa pagiging late.
"Himala yata ang pagdating mo ngayon ng ganitong oras Angelie. Ano bang almusal ang kinain mo?" pagtatanong nito sa akin.
"Ikaw naman, ang harsh mong magsalita. Hindi ba pwedeng motivated lang pumasok?" hirit kong saad na hindi pa rin mawala ang kilig sa boses ko.
"Jusko Angelie ha, alam ko ang ganyang galawan mo. Asang-asa ka na naman sa boyfriend mong susunduin ka mamaya. As if naman susunduin ka no'n," turan nito sa mapait na pananalita.
"Ikaw napaka-bitter mo. Palibhasa, walang nagsusundo sa'yo. Wala ka kasing boyfriend kaya ganyan kapait ang mga salitang lumalabas sa bibig mo," ani ko naman at pasimple kong kinurot ang kanyang tagiliran.
"Well, ayos lang sa akin na hindi ako magka-nobyo. Kaysa naman sa isang kagaya mo na may boyfriend nga, pero palihim namang nambababae," saad niya dahilan para kumunot ang aking noo at napawi ang ngiti sa labi ko.
"T-teka, anong sabi mo?" tanong ko muli sa kanya upang ulitin nito ang kanyang sinabi.
"Wala... Ang sabi ko, kumilos ka na dyan dahil may mga customer na tayo," pagtuturan niya at pinili nitong talikuran na ako.
Naiwan tuloy akong tulala at iniisip kung anong mensahe ba ang gusto niyang iparating. Ang weirdo kasi nang pagkakadeliver nito ng salita. Para bang may gusto siyang ipagtapat sa akin na hindi niya magawang diretsahin.
Pero siguro ay haka-haka ko lang ito kaya pinili kong isantabi na lamang ang pagiging bitter nitong katrabaho ko.