CHAPTER 41 MR. ARTHUR's POV: "SAAN KA BA GALING, HONEY? KANINA PA KITA HINAHANAP," pagtatanong ko kay Angie nang makita ko ito sa labas ng kompanya. Bigla kasi itong nawala sa paningin ko habang kausap ko ang ibang mga empleyado. Kaya naisipan kong hanapin ang dalaga. Hindi ko naman inaasahan na dito ko siya matatagpuan at makikita. Ewan ko rin ba. Malingat lang na sandali si Angie sa paningin ko ay hindi na agad ako mapakali. Ibang panama na yata ang tumama sa akin pagdating sa kanya. "Honey, are you okay?" I asked again. Hindi kasi siya umimik at hindi ito sumagot sa tanong ko. Sa puntong ito ay tuluyan na nga siyang lumingon sa aking gawi. Pero gano'n na lamang ang aking pagtataka na masilayan ko ang kanyang mukha na halos ay hindi ko maintindihan kung anong sumasagabal sa isipan