CHAPTER 42 MARK's POV: MALAKAS na suntok ang aking natamo mula kay papa na nagdulot ng pagkadugo ng aking labi. Ngayon ko lang nakita ang galit sa mata niya na tila'y nagtitimpi lang ito ng kanyang emosyon. Napaawat tuloy nang wala sa oras si Andrea at pumagitna ito sa amin ng aking ama para lang hindi na masundan pa ang suntok na ginawa sa akin ni papa. "Tito, ano pong nangyayari? Bakit ka galit kay Mark? Ano bang problema, tito?" naguguluhan na sambit ni Andrea. Napapunas naman ako ng dugo sa gilid ng aking labi at napatingin na lamang kay papa. "Buong akala ko ay tanggap mo na ang mapapangasawa ko. Pero tangina Mark, bakit mo nagawang bastusin ang babaeng iniibig ko?!" giit na usal ni papa na buong-buo ang kanyang boses. Nagsumbong na yata sa kanya si Angie tungkol sa mga sina