CHAPTER 40

1144 Words

CHAPTER 40 MARK's POV: "CONGRATULATIONS Sir Arthur and Ma'am Gie!" Pagbati ng mga empleyado sa kanila matapos ang anunsyong ginawa ni papa sa kompanya. Ito pala ang dahilan kung bakit pinatawag niya kami ni Andrea para maging saksi sa kanyang paghingi ng kamay kay Angie. Hindi na talaga nagbago ang isip ni papa. Talagang desidido na itong pakasalan ang dalaga. Sa totoo lang, nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Parang harap-harapan akong sinasaksak nang makita ko mismo ang paghahalikan nila. Hindi ko naman magawang sisihin si Angie, dahil simula't sapul— ako ang naging rason kung bakit siya nagkaganito ngayon. Kung hindi ko sana siya niloko at nagawang pagtaksilan, siguro kami pa sanang dalawa ang magkarelasyon. Tama nga ang kasabihan ng matatanda, laging nasa huli ang pagsisisi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD