Chapter 14 ANGELIE's POV: TUMAGAL ako sa loob ng c.r. Ni hindi ako lumabas at hindi ko rin inaksya ang aking oras na makinig sa usapan ng mag-ama. Ayokong ilagay sa alanganin ang sitwasyon ko. Kagaya nang paulit-ulit kong sinasabi, hindi pa ito ang tamang oras at panahon na magtagpo kami ni Mark. Hindi niya pwedeng malaman na magiging boss ko na ang daddy niya. Alam ko kasi ang pwede nitong gawin para lang pigilan ako sa aking binabalak. Takot siya sa sarili niyang multo. Takot siya na gawin ko rin ang ginawa niya sa akin. Kaya 'yung takot na ayaw niyang maranasan ang siyang gagawin ko. Almost half an hour akong nasa loob nitong comfort room. Nang maging kampante na ang puso ko ay saka ako lumabas. Dito ay nasilayan ko si Mr. Arthur na malayo ang iniisip. Tulala at parang mahirap para