Chapter 15 ANDREA's POV: LITERAL NA MANSION NGA. Ito ang siyang nasambit ng utak ko nang bumaba ako sa kotse ni Mark. Agad niya akong sinundo sa bahay nang ibalita nito sa akin na pumayag na ang kanyang papa na dito na muna ako tumira. Kaya pagkarating ko rito sa mansion ay halos nakanganga lang ang aking bunganga at hindi makapaniwala sa aking nasisilayan ngayon. Parang kailan lang ay pinapangarap kong makarating at makatunton sa mansion nila, tapos ngayon, talagang nandirito na ako. Malapit ko nang maabot ang pinapangarap ni mommy sa akin, ang makapangasawa ng bilyonaryong lalaki. That's why, I am forcing Mark to marry me. Kailangan na ikasal kaming dalawa para meron na akong hati sa yaman na meron ang papa niya. Alam ko naman kasi na malaki ang mana na mapupunta kay Mark dahil nag