CHAPTER 56 ANGIE's POV: "Manong, itabi niyo na lang po dyan. Huwag niyong babanggitin kay Arthur na dito tayo pumunta. I want to surprise him kasi," pakiusap ko sa driver na siyang kasama ko ngayon. Sa halip kasi na pumunta kami ng bahay ay dito ko pinadiretso si Manong. Hindi naman talaga ako pupunta sa bahay para kausapin si inay. Ito lang talaga ang ginawa kong rason para magawa ko nang maayos ang surpresa. Para saan pa kasi ang pagsusurpresa ko sa kanya kung isasama ko siya rito diba? "Sige po ma'am. Makakaasa po kayo," magalang na sagot ni Manong bilang pagsasang-ayon sa aking plano. Napangiti naman akong bumaba ng kotse at agad na pumasok sa isang pet shop. Balak ko kasi bumili ng aso. Alam kong ayaw ni Arthur ang magkaroon ng puppy sa loob ng mansion. He hates animals. At is