Chapter 42

1659 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Kinagabihan, bumalik ako sa room ni Mama, bit-bit ko ang take out na pagkain mula sa fast food chain. Nag-request kasi ang bata, since nagka-allergy siya kanina, gusto ko siyang maging okay. "Wayne?" ani ko pagpasok ng room. "Seira, pahinga na kayo. Ako na dito." Hindi ko inaasahang makita si Kuya. Ang huli niyang text ay male-late siya ng bantay rito dahil sa trabaho niya. Mukhang maaga siya ngayon. "Anak, Seira. Magpahinga na kayo ng apo ko. Hayaan niyo at gagaling din ako." Napatingin ako kay Mama na nakaupo sa kaniyang kama habang may table in bed at pagkain na bigay ng hospital. "Okay lang kami, Ma. Nagdala ako ng dinner. Kumain ka na ba, Kuya?" Nilapag ko sa lamesa ang pagkain. Nakangiti si Wayne na lumapit sa akin at pinanood akong ilabas sa plastik ang mga tupperware. Napansin ko naman ang paninitig ni Kuya kay Wayne. "Kumain na ako. Nga pala, Seira." Nilapit ni Kuya ang kaniyang mukha sa aking tenga. "Kamukha ni Jairus anak niyo--" Agad ko siyang siniko. Pinanlakihan ko siya ng mata habang si Kuya ay tumawa na parang nang-aasar pa. Alam naman niyang iniyakan ko 'yon, tapos lolokohin pa ako. "Nakakatuwa namang makita na magkasundo kayo ng Kuya mo. Nagsisisi pa rin ako na napaglayo ko kayong dalawa. Kasalanan ko..." Napatingin kami kay Mama, bakas ang lungkot sa mukha niya. "Ma, okay na 'yon. Ang mahalaga ay yung ngayon. Mag-focus ka lang sa pagpapagaling mo, kainin mo lahat 'yang bigay ng nurse. Sakto, puro gulay para lumakas ka, Ma." Lumapit ako kay Mama at niyakap siya. "Gumastos ba kayo sa hospital na 'to? Hindi ko nasabi sa inyong may PhilHealth ako. Hayaan niyo, mababalik ko ang mga nagastos niyo," ani Mama. "Naku, huwag na, Ma." "Hindi na kailangan, Mama." Sabay kaming nagsalita ni Kuya. "Oh siya, kumain na kayo. Seira, tulungan mo nga si Wayne maghimay ng manok, nahihirapan ang apo ko." Napatingin si Mama kay Wayne. Agad akong lumapit sa anak ko para tulungan siya sa kaniyang pagkain. Kinuha ko naman ang pagkain ko saka nagsimulang kumain. Habang si Kuya ay kausap si Mama. "Mama, where is Ninong? Bakit po hindi siya bumalik?" Napatigil ako sa pagnguya nang hanapin na ni Wayne si Jairus. Heto na ang kinaka-kaba ko. Na mapalapit siya sa kaniyang ama at hindi na niya kayang layuan ito. "Babalik na lang daw siya bukas, anak. He has things to do in his work." Ngumiti ako. "Okay, Mama. We will go home after we eat?" "Yes, anak." "Great, I already feel sleepy, Mama." "Finish your food, then uuwi na tayo," ani ko. ****************** Kinabukasan, pagdating namin kay Mama ay kakatapos lang siyang i-check ng nurse. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang lagay ni Mama. Sinabi na sa susunod na araw pwede nang ilabas si Mama ng ospital para sa bahay na magpahinga. "Anak, Seira. Pwede mo ba ako linisan sa katawan? Gusto ko maligo pero bawal pa raw," ani Mama. "Opo, Ma. Punta tayo sa banyo?" tanong ko. Tumango si Mama. Hinanda ko ang mga damit ni Mama. Habang naggagayak ako ay tumunog ang cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Iverson. "Sagutin ko lang 'to, Ma," ani ko kay Mama. Tumango ito. Pinindot ko ang accept video call. Nakita kong nakasuot ng pantulog si Iverson habang may hawak na kape. "Hey, Seira. How's your mother?" tanong niya. "Nandito si Mama. Okay na siya, makakalabas ma daw sa susunod na araw." Ipinakita ko si Mama sa video call. "Hello, Auntie. I'm happy to see you recovering so fast." Ngumiti lamang si Mama sa screen marahil ay naguguluhan siya kung sino ang kausap ko. "Is that Dada!?" sigaw ni Wayne. "Yes, anak." "Dada!" "I heard Wayne, can I talk to him?" tanong ni Iver. "Sure!" Binigay ko kay Wayne ang cellphone ko. Tuwang-tuwa naman si Wayne na kinausap si Iverson habang ako ay ipinasok na si Mama sa banyo. Naglagay muna ako ng maligamgam na tubig sa timba gamit ang heater. "Sino 'yon? Ama ba ni Wayne?" "Hindi, Ma. Nililigawan niya po ako, matagal na. Kaso hindi ko siya sinasagot." "Bakit naman, amerikano 'yon. Mukhang mabait." "Ma, may anak na ako. Hindi siya bagay sa akin. Ayoko na mag-asawa lang siya ng may anak na. Kahit tanggap niya pa si Wayne, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya, Ma." "Malaki ka na talaga, kaya mo na magdesisyon sa buhay mo, anak." ******************** Sumapit ang hapon. Usapan ay uuwi na kami ngunit parang ayaw na umuwi ni Wayne. "Anak, why aren't you wearing your shoes?" tanong ko. "Mama, sabi mo po pupunta dito si Ninong. Why is he aren't coming, when it's almost night?" tanong nito. Napaiwas ako ng tingin. Akala ko naman ay makakalimutan na niya ang sinabi ko, nakatatak pa rin pala sa utak niyang pupunta si Jairus. Nakakakaba, hindi na niya dapat pa nakilala ang ama niya. "Anak, maybe he's busy at his work." "Can you call him instead?" "Wala akong number niya. We shall not disturb him, because he will come here if he's not busy," ani ko. "He's already rich, why po nagwo-work pa rin siya?" "Anak, that's what makes him rich. Working..." Diyos ko, sana lang ay lumipas na ito. Ayoko na magsinungaling ako palagi sa anak ko, dahil ang totoo... Pinalayo ko na si Jairus kay Wayne. ************* Kinabukasan... Inaayos namin ang gamit ni Mama dahil bukas lang ay makakalabas na kami rito. Unti-unti na naming inuuwi sa bahay ang mga damit ni Mama. "Kay talino naman ng apo 'kong 'to. Kiss mo nga si Lola." Napatingin ako kay Mama na katabi si Wayne sa hospital bed habang hawak ang cellphone ko. Pinanood kong halikan ni Wayne ang pisngi ni Mama. Tila ba gigil na gigil si Mama kay Wayne sa pagkakayakap nito rito. "My Mama taught me about the different kinds of dinasour. Baryonyx is one of the deadly dinasour, this is the photo of it." Ipinakita ni Wayne ang cellphone ko. Napangiti naman ako. Mabuti na lang lumalaking marunong ang anak ko. Interesado sa pag-aaral. Hindi kagaya ng ama niya. "Ma, lalabas muna ako. Aayusin ko yung papeles dito sa hospital." "Sige anak, salamat." Lumabas ako ng silid at naglakad patungo sa elevator. Nakita kong pasara na ang pinto ng elevator at isang pamilyar na lalake ang naroon habang nakayuko. "Jairus?" Nagmamadali akong habulin ang elevator pero nagsara na ang pinto nito. Napaatras ako at pinindot ang open button. "Si Jairus kaya 'yon?" bulong ko. Kung siya nga, bakit pa siya narito at anong ginagawa niya? ******************* Kinabukasan, kasama ko si Mama na umuwi si bahay habang si Kuya ay umuwi na sa kaniyang pamilya. Nakahiga lang si Mama sa kwarto niya. Habang ako ay nasa kusina. Pagkatapos kong magwalis ay binuksan ko ang washing machine. Naglalagay ako ng tubig, pagabi na at balak kong maglaba para bukas makatuyo ako. "Mama," tawag ni Wayne. "I thought you're already asleep. Bakit, anak?" tanong ko. "Mama, I can't sleep." "Why? Listen to your lullaby on my phone---" "I want to hear about Ninong. Why isn't he coming for me?" bakas ang lungkot sa boses niya. Napalunok ako ng ilang beses, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko pwede sabihin na pinalayo ko ang Ninong niya sa kaniya. Siguradong magagalit ito. "Anak, he's just busy---" "He's not busy before! He promised that he'll make pancakes for me every morning and he broke his promises!" Lumakas ang t***k ng puso ko nang magsimula siyang umiyak. Lumapit ako sa kaniya para aluin ito ngunit hindi siya tumigil sa pag-iyak. "Seira? Bakit umiiyak ang apo ko!?" sigaw ni Mama mula sa kwarto. "A-Ano po, Ma--" "I want to see my Ninong! I can't sleep! I want to know where he is!" sigaw ni Wayne. "Go to your Lola. I will talk to your Ninong, ha?" Nilabas ko ang cellphone ko at kunwaring nag-dial. "You're lying... Mama. You said you don't know his number..." Napaawang ang labi ko sa kaniyang sinabi. Nanghina ako bigla, nabuko ako ng anak ko. "Anak--" Bigla siyang tumalikod at pumasok sa kwarto ng kaniyang Lola. Hindi ko akalain na magta-tantrums siya dahil sa lalakeng 'yon. Napapikit ako ng mariin. Baka hindi tumigil kakaiyak ang batang 'yon. Dali-dali akong lumabas ng bahay dala ang wallet ko. Hindi ko pinansin ang suot kong simpleng t-shirt at leggings. Sumakay ako sa trycicle. Nabanggit na may penthouse sila sa building kaya alam kong naroon lang siya, panigurado. "Diyos ko, bakit ba inilalapit niyo si Jairus sa anak ko?" bulong ko habang nasa byahe. Pagdating sa building ay halos lahat ng empleyado ay naglalabasan na. Dahil siguro pagabi na. Pumasok ako sa building kahit na ganito lamang ang suot ko. Pumunta ako sa information desk. "Miss, nandito ba si Jairus Alvarez?" tanong ko. "Yes, do you have an appointment, Ma'am?" "W-Wala, pero gusto ko sana siya makausap--" "Ma'am, I'm sorry. Our CEO doesn't entertain walk in clients. You can set an appointment thru online or fill out this form." Inilapag niya ang isang papel. Umiling ako sa kaniya. Akmang aatras na ako dahil nawawalan na ako ng pag-asa pero isang lalake ang lumapit sa babae. "Sinong hanap ni Ma'am?" tanong nito. "Boss mo raw, Philip." Tumingin sa akin ang lalake. "Are you Ms. Seira Nerona?" "Yes." Siniko niya ang babae sa information desk at marahas na binulungan ito. Nanlaki ang mga mata ng babae at tumayo. "Miss, kindly follow Mr. Philip, the personal assistant of Mr. Jairus Alvarez." Nagulat ako nang nagbago bigla ang ihip ng hangin. Ngumiti sila sa akin at tumuro ang lalake na P.A ni Jairus sa elevator. "Ladies first," aniya nang bumukas ang elevator. "Nandyan ba ang boss mo, office or penthouse niya? Busy ba siya?" tanong ko. "Nasa penthouse, he didn't go to work today." Napataas ang kilay ko, parang siya lang ang CEO na hindi busy. Tamad pa rin ba si Jairus hanggang ngayon? Tumunog ang elevator. Nakaramdam ako ng kaba dahil unti-unti itong bumukas. **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD