Chapter 43

1311 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Sobrang ganda ng penthouse, modern theme pero elegant. Kapansin-pansin ang mga vase ng halaman sa bawat sulok at table. Mukhang naging malapit na si Jairus sa halaman makalipas ang ilang taon. "Sir, nandito po si Ms. Seira." Naunahan ako ni Philip na maglakad papunta sa isang silid na mukhang kwarto. Nakakahiya man na narito ako matapos ko siyang palayuin, kailangan ko kainin ang pride ko para sa anak ko. "Seira? Si Seira!?" sigaw ni Jairus mula sa kwarto. "Yes, sir. Naghihintay po siya--" "Lumabas ka na! Sabihin mo sandali lang!" sigaw niya. Nakita ko pa ang pagtulak ni Jairus kay Philip. Tila ba nabalisa ito nang malamang narito ako, hindi kaya natakot talaga siya sa akin sa mga salita ko? Nakangiting palapit sa akin si Philip. "Ms. Seira, lalabas din si Sir, magbibihis lang. I'll go out para magkaroon kayo ng private conversation," aniya sabay lakad pabalik sa elevator. Napabuntong hininga ako at nanatiling nakatayo kung saan ako naroon. Ilang sandali pa ay lumabas si Jairus, nagmamadali siyang ibutones ang kaniyang polo at hindi man lang ako napansin. Dumiretso siya sa stante kung saan nakakalat ang ilan niyang gamit. Kumuha siya ng body spray saka ipinaligo sa katawan niya. Nang magtama ang mga mata namin ay nagkatinginan kami. "S-Seira?" bulong niya. "Gusto ko humingi ng tawad kung nasaktan man kita sa mga nasabi ko. Alam ko, wala akong isang salita pero nandito ako ngayon dahil kay Wayne." Naglakad ako papalapit sa kaniya. Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya sa malapitan. Bigla siyang suminghot, tila ba may sipon ito. "A-Anong meron kay Wayne, hindi pa rin ba siya okay?" tanong niya. "May sakit ka ba?" tanong ko. "Wala. About sa sinabi mo sa akin, na-realize ko namang mali talaga ako. Hindi mo na kailangan humingi ng tawad, deserve ko naman 'yon, mali ako. Ako dapat ang mag-sorry." Binitawan niya ang body spray at napayuko. "Baka pwedeng maheram yung time mo, kahit thirty-minutes lang," ani ko. "H-Huh?" naguguluhan niyang tanong. "Si Wayne kasi... Actually, nagta-tantrums siya dahil ilang araw ka niyang hindi nakikita. I felt guilty, dahil ako ang reason kung bakit ka lumayo, because I told you so. I think he's also mad at me, dahil nagawa kong magsinungaling sa kaniya. I thought makakabuti na lumayo ka, pero mukhang hindi ako ang makakasuyo kay Wayne." Hinawakan ko ang balikat niya. "Can you please visit my son?" Bakas ang gulat sa mga mata niya nang malaman ang sitwasyon ni Wayne ngayon, mabait na bata si Wayne huwag mo lang gagalitin o magkakaroon ng tantrums. Huwag sana siyang tumanggi, sobrang hirap ng dinanas ko at nilunok ko pa ang pride ko para sa anak ko. "Ngayon na ba?" tanong niya. "Oo, kung pwede lang naman. Umiiyak kasi siya ngayon..." mahinahon kong sabi. Tumingin siya sa paligid. "Wait, let me get my car keys." Agad siyang lumakad pabalik sa kaniyang silid. Bigla namang bumukas ang elevator at niluwa nito si Philip. Mukha itong balisa at parang may masamang nangyare. Lumapit ito sa akin. "I'm so sorry for disturbing you, Ma'am. Nakausap niyo na po ba si sir?" "Oo, nag-usap na kami, Philip." Lumabas ng kwarto si Jairus at hinagis ang susi ng kotse kay Philip. "Sir, Jairus. Tumawag ang Papa ninyo dahil hinahanap niya ang forms ng sale last month, ibinigay daw sa inyo ng employee para pirmahan ninyo. Ako po mismo ang naglagay sa desk ninyo kahapon pero wala doon ngayon." "Tell my father to wait. Hintayin mo rin ako, Seira. Kailangan ko mag-toothbrush!" ani Jairus. Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Philip. "I actually thought that my boss would do well this week. Isang araw lang siya sinipag gawin lahat ng trabaho, after that, wala na. He even ordered alcohol than food. Wala pa siyang kinakain mula kahapon---pasensya na, Ma'am. Sana lang matulungan niyo ang boss ko." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Philip, tila ba may malalim na problema si Jairus. "Anong nangyare kay Jairus?" tanong ko. "Palagi siyang pinapagalitan ng Papa niya, but he never listened. Maybe he listened, pero kahit kailan hindi siya sumunod. Saksi ako sa lahat ng pagtatalo nila ng Papa niya. Hindi ko rin maintindihan si Sir, kung bakit parang hindi siya masaya sa mayroon siya. It looks like he's still seeking for more," kwento ni Philip. "Kailan pa 'to---" "Tara na, Seira. Ipag-drive mo kami, Philip." Natikom ang bibig namin nang dumating si Jairus. Sumakay kami ng elevator, dahil nasa harapan ko siya ay napatitig ako sa kaniya. Mukha ngang sa kabila ng mga saya niyang ipinapakita ay mapait ang sinasapit niya sa poder ng pamilya niya. Noon pa naman, after niyang maging girlfriend si Vinalyn, wala na siyang naku-kwento sa akin. ************** Pagdating namin sa bahay, hinatid lang kami ni Philip at umalis na ito. Dire-diretso kong pinapasok si Jairus sa bahay. "Wayne!" sigaw ko. "Where are you? Nandito na si Ninong!" sigaw ni Jairus. Napatingin ako sa kaniya, muling gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi na para bang wala siyang problema. "NINONG!" narinig ko na ang maligalig na boses ni Wayne. Lumabas ito mula sa kwarto ni Mama at agad na sinalubong si Jairus ng isang mahigpit ni Yakap. Kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha. Napalunok ako ng ilang beses, tila ba maiiyak ako sa nangyayare ngayon, ang mga hindi ko inaasahan. "Umiyak ka ba? Namumula ang mga mata mo pati ilong mo," ani Jairus. "Yes, but I am happy now because Mama fulfill her promise," ani Wayne. Tumingin sa akin si Wayne nang nakangiti. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makitang masaya na si Wayne. Salamat at mukhang hindi na siya galit sa akin. Naupo ang mag-ama sa sofa at kinuha ang mga laruan ni Wayne. Nagtungo naman ako sa ref para kuhanin ang natirang ulam na inihaw na tilapia at tortang talong. Naghain ako sa lamesa, baka sakaling kumain si Jairus. Naawa ako sa kaniya sa sinabi ni Philip na hindi pa siya kumakain buong araw. Mukha namang wala siyang balak magsabi sa mga nangyayare sa kaniyang problema, na-guilty tuloy ako na nasaktan ko pa siya ng mga salita kong binitawan. "Jairus?" tawag ko at tumayo sa gilid ng sofa. "Bakit?" "Kumain ka muna, naglabas ako ng pagkain sa lamesa." Ngumiti ako ng tipid. "Luto mo?" tanong niya. "Oo." Agad siyang tumayo dahil sa sagot ko. Nilagpasan niya ako at naupo agad siya sa harapan ng hapag. Nakangiti itong sumenyas kay Wayne na tumabi sa kaniya. "Ikaw ba, Wayne? Did you already eat?" tanong ni Jairus. "Yes, Ninong. My Mama helped me removing the bones or the tinik of that fish." Tinuro ni Wayne ang isda. "I bet this is yummy, luto kasi ng Mama mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jairus. "Nandyan ba si Jairus!? Bakit naririnig ko siya!?" sigaw ni Mama mula sa kwarto. Napatigil si Jairus sa pagsubo. Tila ba nagulat siya nang malamang narito si Mama. "Nakalabas na si Mama, kanina lang." "Teka, magmamano ako," ani Jairus at binitawan ang kutsara na hawak. Sumunod ako sa kaniya nang magtungo ito sa silid ni Mama. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok. Nakangiti itong kinuha ang kamay ni Mama. "Magandang gabi po." "Hinahanap ka ng apo ko, Jairus. Mabuti nakapunta ka dito kahit gabi na." "Tita Sonya, syempre hindi po ako tatanggi kapag si Wayne na. Inaanak ko 'yan," mayabang na sabi ni Jairus. "Nakakatuwa naman, pasensya ka na rin sa mga pagtataboy ko sa 'yo noon. Mukhang ngayon alam mo na ang tunay na dahilan bakit nawala si Seira. Pinagalitan ko pa ang batang 'yan, pero ngayon masaya ako at successful na sila ng kuya niya," kwento ni Mama. "Si Seira pa ba, Tita? Lahat naman kinakaya niya." Tumingin si Jairus sa akin. Sa hiya ay napaiwas ako ng titig. Hindi ko maintindihan bakit ang tatamis ng mga salita niya ngayon... *****************

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD