Seira Anthonette's P. O. V.
Pagpasok ko ng kwarto kung saan naka-confine si Mama ay laking gulat ko nang makita si Jairus. Nakaluhod ito sa harapan ng couch kung saan nakaupo si Wayne. Mas lalo akong nagulantang nang makitang namumula ang balat ng anak ko.
"WAYNE!" nabitawan ko ang dala kong pouch at agad na hinawakan si Wayne.
"M-Mama--" napapikit si Wayne.
Bigla kong nakita ang chocolate na nasa tabi nila. Kalahati na ito. Kinuha ko iyon at tinignan ang wrapper. Nadiin ko ang aking mga ngipin nang makitang may nuts ang chocolate.
"Seira, s-sorry. Ano bang nangyayare? Kumain lang siya ng---"
"I told you to ask permission to me first! Hindi mo ginawa at pinakain mo siya ng ganito!" hinagis ko sa kaniya ang tsokolate.
Napuno ang damit niya. Wala akong pakialam. Kailangan ng anak ko ng nebulizer ngayon din.
"Is he allergic to---"
"Nuts!"
Dali-dali kong kinarga si Wayne at patakbong nilabas ng silid para humanap ng nurse o 'di kaya doktor sa paligid. Saktong nakita ko ang isang nurse na may dalang medical materials.
"Nurse! Tulungan niyo po siya, may allergy siya sa nuts tapos nakakain ng nuts! Namumula yung balat niya!" nagpa-panic na sigaw ni Jairus na nasa likod ko.
"Nurse, kailangan ng nebulizer. Nahihirapan siya huminga dahil sa nuts. Kailangan din ng cetirizine. Please, naghihingalo yung anak ko!" naluluha kong sambit.
Lumapit ang nurse at agad na hinawakan si Wayne. Inalalayan niya ako.
"Tara po sa E.R, Ma'am!"
Tumakbo kami papunta doon. Agad na sumalubong ang ilang nurse, nang sabihin naman ng nurse na kasama namin ang lagay ni Wayne ay agad silang umaksyon.
"Temperature, oxymeter. Nebulizer ready," ani ng nurse.
"Ma'am, ito na po yung cetirizine for kids," ani ng isa pang lalakeng nurse.
Agad ko itong binuksan at naglagay sa maliit na cup na kasama nito. Si Jairus pa ang nagbukas ng nakasaradong takip ng bote ng gamot saka ko isinalin sa tamang ml.
"Anak, inumin mo 'to." Sumunod si Wayne sa akin at ininom ang binigay ko.
Nahiga si Wayne sa hospital bed at agad na nag-nebulizer habang chine-check ng mga nurse ang kaniyang temperature at oxygen.
Napabuntong hininga ako nang makitang unti-unti nang nawawala ang pamumula ng balat niya.
"S-Seira... I'm so sorry."
Naramdaman ko ang paghawak ni Jairus sa aking siko. Lumapit ako kay Wayne para halikan ang noo nito.
"Anak, babalik ako. Tell the nurse if you're okay, huh?" ani ko at ginulo ang buhok niya.
Napatingin ako kay Jairus. Malungkot ang mga mata nito. I can see that he is really guilty on what he did, yet he never learned. Hinawakan ko ang braso ni Jairus at hinila palabas ng hospital.
"Seira..."
Hindi ko siya pinansin at nagtungo kami sa pababa ng hagdanan dahil nakita ko mula sa malayo pa lang na paakyat ang elevator. Hindi pa kami nakakababa ng hagdanan ay agad niya akong isinandal sa pader.
"Seira, I'm sorry."
Tinulak ko siya. Tumingin ako sa nakasaradong pinto ng hagdanan dahil ito ang fire exit.
"Tangina, Jairus..." singhal ko.
"I-I am wrong, patawarin mo 'ko." Napayuko siya.
Humalukipkip ako at tumingin sa kaniya. Hindi ko akalain na sariling ama ng anak ko, dadalhin siya sa kapahamakan. Nakapa-careless talaga ng lalakeng 'to kahit kailan.
"Kahit anong sabihin ko, hindi ka nakikinig. Ano bang akala mo?"
"Kaibigan kita, nagkamali lang ako, Seira. Hindi ko naman alam na allergic siya sa nuts. Wala akong kaalam-alam. Ang dami na ngang nagbago, nag-a-adjust din ako, Seira--"
"Wow, sinabi ko bang mag-adjust ka!?" sarcastic kong sambit.
"No, pero I insist. Kasi gusto ko mabalik yung dati nating pagkakaibigan. We aren't like this before, we're best friends, we're buddies." Akmang hahawakan niya ako pero umatras akong muli.
"Jairus, I'm not your buddy anymore. Hindi na ako yung Seira na 'yon, dahil isa na akong ina. You may not know how it feels, pero sana respetuhin mo 'ko. Kahit hindi bilang Seira. Kahit bilang ina na lang ni Wayne..." naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. "Mahal na mahal ko 'yong anak ko, Jairus. Parang awa mo na, kung wala kang magandang maidudulot sa kaniya, nakikiusap ako na layuan mo na lang siya."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Tila ba naninikip ang dibdib ko sa mga nangyayare. Noong una hinahayaan ko, na makasama niya si Wayne dahil masaya din naman si Wayne sa kaniya kaya wala akong magawa pero ngayong nakikita kong wala na siyang magandang dulot sa anak ko, mas tamang komprontahin ko na siya.
"S-Seira... Huwag naman sana ganiyan--"
Hinawakan niya ang braso ko pero tinulak ko siyang muli.
"Ilang beses ko sinabi na magpaalam ka muna sa akin bago ka gumawa ng bagay para kay Wayne! Hindi ka nakinig!" sigaw ko.
"Hindi ko na uulitin, I'm so sorry. Seira!"
"Jairus, please. Ako na yung nakikiusap sa 'yo, hindi ka nakakatulong sa anak ko. Nakakaperwisyo ka lang. Tama na, please lang. Anak ko yung nagne-nebulizer pero dama ko yung sakit at hirap na nararamdaman niya." Dumuro ako. "Kasi ina ako!"
Sa pagpunas ko ng luha ko ay nakita ko naman ang pagtulo ng luha ni Jairus, mabilis siyang yumuko para hindi ko iyon makita.
"Umalis ka na, Jairus. Ayoko nang makita ka pa. Huwag ka na ring magpapakita sa anak ko." Tumalikod ako.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Lumabas ako habang nagpupunas ng luha. Nagmamadali akong bumalik sa E.R para i-check si Wayne.
*****************
Jairus Gael's P. O. V.
Nakatulala lamang ako sa limang in can ng beer na naubos ko. Nandito ako ngayon sa balcony ng penthouse. Kanina ko pa hinihintay si Raiko, sinabi kong samahan niya ako uminom.
"Tsk, tangina..." bulong ko at muling kumuha ng beer sa cooler na katabi ng upuan ko.
Nang buksan ko iyon ay narinig ko ang pagtunog ng elevator, patungo rito sa penthouse.
"Jairus, pare!" sigaw ni Raiko.
"Aga mo, sarap mo itulak dito," ani ko sabay turo sa ibaba. Nasa ikasampung palapag kami at kung may tumalon man mula dito ay paniguradong patay.
"Ganito talaga buhay may anak, hindi ka na laging on time. Nag-tantrums kasi yung anak ko, 'yon lang masama pakiramdam ni Misis kaya ako nagpatahan." Kwento niya sabay upo sa harapan ko.
Inabot ko sa kaniya ang beer na hawak ko.
"Buti ka pa, settled na. May pamilya na, may malaki pang income. Samantalang ako, palpak sa lahat," ani ko at mahinang tumawa dahil pakiramdam ko maiiyak na naman ako.
"Bakit? Ano problema?" tanong niya at ininom ang beer.
"Si Seira, nakita ko na ulit. May anak na."
"G*go? Legit ba, pre?" Halos maibuga niya ang kaniyang beer.
"Yup, she said that she went to U.S para sa trabaho. Sobrang labo, sinabi ko five years ago na dito siya sa company magtatrabaho but she chose to work in U.S, dahil daw malaki ang sahod. The f*ck, she got pregnant by an American man and it was a one night stand so..."
"Walang ama yung bata?"
"Exactly."
"Umamin ka na ba? Hindi ba kaya ka lang naman hindi nag-aasawa kasi si Seira hinihintay mo? O ayaw mo na kasi may anak na." Tumitig siya sa mga mata ko.
"Nakakatuwa nga, nababaliw na ata ako," ngumisi ako habang kumukuha ng bagong beer.
"What do you mean, pre?"
"I'm f*cking crazy in love with her, kahit may anak pa siya sa kano. Kahit hindi ko anak 'yon? Tangina gustong-gusto ko siya makasama. I want to spoil that kid. I want to be his father, kahit step-father lang, pre."
Hindi ko napigilan ang luha ko.
"Pre... Ano bang hadlang?"
"Wala kasi akong nagagawang tama para sa anak niya, pre. Lahat ng gawin ko, lahat ng ibigay ko mali. Tangina, pakiramdam ko wala nang direksyon 'tong buhay ko..."
*************