Chapter 40

1546 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Pagdating ko sa bahay nina Jairus ay nadatnan ko silang kumakain ni Wayne, habang tumatawa at nagkukwentuhan. Nakaramdam ako ng masamang kutob, na nakikita ko silang napapalapit sa isa't isa. "Wayne, let's go. Kailangan na nating pumalit sa Tito Benjie mo doon," ani ko habang dire-diretsong naglalakad patungo sa dining table. Muli kong naalala ang masakit na nakaraan ko sa hapagkainan na ito. Ang meryenda kasama si Vinalyn, habang sila ay nagsasaya, umiiyak naman ako sa banyo ng kusina. Sobrang sakit, ayoko nang maalala ang mga 'yon. "Teka, Seira. Kumain ka muna," hinawakan ni Jairus ang braso ko. "Sa susunod, hintayin mo naman na mag-agree muna ako. Napaka-paladesisyon mo!" irita kong sabi kay Jairus at tinabig ang kamay niya. Napaawang ang labi niya sa ginawa ko. Tila ba nagulat pa siya sa inaasta ko sa kaniya, anong tingin niya sa sarili niya? Palagi siyang tama? Na okay lang kahit magdesisyon siya dahil kaibigan ko siya noon? "Mama, we are just eating," malambing na sambit ni Wayne. "Napakadami namang chocolate syrup niyan. Mag-toothbrush ka mamaya, ha?" ani ko kay Wayne. "Seira, hayaan mo na yung bata---" "Anak ko si Wayne. Nasa akin ang huling desisyon, huwag ka nang mangealam!" napataas ang tono ng boses ko dahilan para mapayuko siya. Hinawakan ko ang kamay ni Wayne at pinababa siya sa upuan. "Mama, stop fighting." "We're not fighting, sinasabi ko lang ang tama sa kaniya. Like what I'm doing to you. Let's go---" "But, I'm not yet done eating." "Anong sabi ko?" "Can I drink a milk before going?" napanguso si Wayne. Kinuha ko ang baso ng gatas at binigay sa kaniya. Nang makalahati niya iyon ay binalik na niya sa lamesa. "Gusto niyo bang ihatid ko kayo sa hospital?" tanong ni Jairus. Umiling ako. Dire-diretso akong naglakad, habang hila-hila si Wayne palabas ng bahay nina Jairus. Pinunasan ko ang gilid ng labi ni Wayne. "Mama, don't be mad na," hinawakan ni Wayne ang beywang ko saka yumakap. "I'm not mad anymore. Tara na, sasakay tayo ng trycicle," ani ko. Naglakad na kami patungo sa sakayan ng trycicle at saka pumunta sa hospital kung nasaan si Mama. Habang nasa byahe kami ay tumunog ang cellphone ko, mensahe mula kay Kuya. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang malamang gumising na si Mama. Gusto kong maiyak sa tuwa. "What happened, Mama?" tanong ni Wayne. "Your Lola is awake. Thank God!" napatakip ako sa mukha ko nang kusang tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko ang maliit na braso ng anak ko ang yumapos sa aking balikat at gamit ang maliit niyang kamay ay tinapik-tapik nito ang ulo ko. "Don't cry, Mama. We will go to my Lola and tell her that we love her," bulong niya. Dahan-dahan akong napangiti. Sobrang saya ko na dumating si Wayne sa buhay ko, nagkaroon ako ng lakas, sandalan at dahilan para magpatuloy sa buhay. Matapos akong magdusa mula sa sinapit ko kay Jairus, at kay Mama. Ngayon, binigyan ni Wayne ng direksyon ang buhay ko. Sobrang lugmok ko man noong nalaman kong buntis ako, sobrang hirap at halos mabaliw ako kakaisip paano ako makaka-survive. Wayne gave me a purpose on continuing my life. "I love you, anak." Hinalikan ko ang noo ni Wayne. "I love you more, Mama." Napapikit ako nang madama ang labi nito sa aking pisngi. Hindi ko man naramdaman ang pagmamahal na ito mula sa ama niya, napunan naman ni Wayne ng pagmamahal ang puso ko. Hindi ko na kailangan ng ibang magmamahal sa akin, pagmamahal lang ng anak ko ay sapat na. Nang makarating kami sa hospital ay nagmamadali kaming nagtungo sa kwarto kung nasaan si Mama. Pagdating doon ay nakita kong umiiyak si Kuya Benjie habang hawak ang kamay ni Mama, habang si Mama ay nakahawak sa balikat ni Kuya. Kita ko ang luha sa gilid ng mata ni Mama. "Mama!" sigaw ko at tumakbo sa kaniyang kama para yakapin siya. "A-Ang mga anak ko..." nanghihinang sambit ni Mama. Pinunasan ko ang luha ni Mama at ngumiti. "Ma, patawarin niyo po ako. Naging suwail akong anak, hindi ako nakinig sa inyo. Nagpabuntis lang ako at gumawa ng pamilya agad, patawarin mo 'ko, Ma..." "Ma, mahal na mahal ka naming lahat. Patawarin mo kami sa lahat ng nagawa naming mali, na dahilan kung bakit lumayo ang loob mo sa 'min ni Seira. Nagbago na ako, Ma." Lumuluhang sambit ni Kuya. "N-Nagkasama-sama n-na tayo ulit. M-Mga anak ko," bulong ni Mama. Napahiga ako sa dibdib ni Mama habang kusang tumutulo ang luha ko. "Hello, my Lola!" ani Wayne. Napatayo ako nang lumapit si Wayne kay Mama. Hindi ito nagdalawang isip na yakapin si Mama. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mama saka inabot ang pisngi ni Wayne. "I-Ito na ba ang anak mo, Seira?" tanong ni Mama. "Opo, Ma," sagot ko. "K-Kay gwapong bata..." bulong niya. "Is gwapo, handsome?" tanong ni Wayne sa akin. "Yes, anak." "Thank you, Lola." Abot langit ang ngiti ni Wayne. Hinawakan ni Kuya Benjie ang braso ko at hinila ako sa couch habang ang mag-lola ay nagkukwentuhan. "Sabi ng Doktor, nagiging stable na ang lagay ni Mama. Pero hindi pa maayos ang paa niya, five months pa bago tanggalin yung simento." "Paano yung bills? Magkano na ba lahat?" "Actually, nadagdagan. 100k na ngayon, ang laki ng bayad kada araw. Kaya sana gumaling na si Mama para makalabas na siya dito," aniya. "Ilalabas ko na yung ipon ko. Lahat na ibibigay ko kay Mama." "Pasensya na, bunso. Lahat ng sobra kong sahod naibigay ko na rin. Ayoko na umutang, natatakot na ako sa mga pwede mangyare," aniya at hinawakan ang braso ko. "Mabuti nga natapos mo na lahat ng utang mo, huwag ka na talaga umulit." "Bakit nga pala kayo nagkita ni Jairus, akala ko ba hindi mo sasabihin na anak niya si Wayne?" Kinurot ko ang tagiliran ni Kuya. Natatakot akong baka marinig pa siya ni Mama at ni Wayne. "Ano ka ba? Ikaw lang, si Dorothy at si Iverson ang nakakaalam noon. Hangga't maaari huwag ka magulo." "Huh? Hindi pa rin ba niya alam? Bakit magkasama na sila?" Napakamot ako sa aking batok. "Iyon na nga, Kuya. Biglaan lang, nawala sa kamay ko si Wayne tapos nagulat ako kasama na ni Wayne si Jairus. Sobrang liit ng mundo, hindi ko akalain na magkikita silang mag-ama. Hindi ko plano na magkaharap pa sila dahil ayoko ngang malaman nila yung totoo. Matapos ang lahat ng katarantaduhan na ginawa sa akin ni Jairus, ayoko na." Napayuko ako. Hinawakan ni Kuya ang beywang ko. Napasandal ako sa balikat niya. "Bunso, hindi naman sa kinakampihan ko si Jairus. Naaawa ako sa kaniya na hindi niya alam na kasama na pala niya yung anak niya. Kawawa din itong pamangkin ko kung lalaking walang ama." Humiwalay ako kay Kuya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit? Sa tingin mo ba gusto niya anak niya?" "Obvious naman, the way na itrato niya si Wayne. Wala pa rin ba kayong closure?" tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin kay Kuya. Sa totoo lang, wala na akong balak humingi pa ng closure. Tanggap ko na lahat at naka-move on na ako. "Hindi na kailangan no'n." "Mama, tawag ka po ni Lola. She said you raised me so well," ani Wayne. Napangiti ako. Lumapit ako kay Mama at hinawakan ang kamay niya. "P-Patawarin niyo ako, mga anak. Sobrang nasaktan lang ako, bilang ina ninyo. N-Nagsisisi akong tinaboy ko kayo." Napangiti kami ni Kuya at sabay na yumakap sa kaniya. Sobrang gaan sa pakiramdam na nagkapatawaran na kami, at sobrang saya na muli kaming nagsama-sama. ************* Jairus Gael's P. O. V. Dala ko ang isang plastik na may mga chocolate, nagdala din ako ng basket ng prutas para kay Tita Sonya. Nabanggit ni Wayne na palaging binibigyan ni Iver si Seira ng chocolate sa trabaho nila tapos binibigay daw ni Seira kay Wayne. Ang lalakeng 'yon, oldies manligaw. May pa-chocolate pa. Kayang-kaya ko ibili ng factory ng chocolate 'tong si Seira. "Good afternoon, sir!" bati ng security guard ng hospital. Tumango lang ako. Dumiretso ako sa kwarto kung saan naka-confine ang Mama ni Seira. Pagka-out ko sa trabaho ay dito na ako dumiretso. "Seira?" Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong tulog pa rin si Tita Sonya habang si Wayne ay nakahiga sa couch habang may hawak na cellphone. "Ninong!" pasigaw na bati ni Wayne ata agad na tumayo. Sinara ko ang pinto at nilapag sa stante ang mga prutas. "Where's your Mama?" tanong ko. "She go out po, sabi niya sandali lang po siya but she took so long na po. My Lola woke up earlier and now she's sleeping again to rest," ani Wayne. "Really? Nagising na si Tita Sonya?" "Yes po, Ninong. What is that? Chocolate?" tanong ni Wayne at hinawakan ang plastik na dala ko. "Yes, do you want some?" "Yes po, Ninong!" Naupo kami sa couch. Naglabas ako ng cadbury at agad na binuksan iyon. Sobrang saya naman ng mukha ni Wayne, dali-dali niya iyong kinain. "Masarap ba?" "Opo!" Nang maka-kalahati na niya ang tsokolate ay napansin ko ang pamumula ng balat niya. "N-Ninong." Binitawan niya ang chocolate. "W-Wayne, what happened!?" Lumakas ang t***k ng puso ko at hindi ako mapakali nang mas namula pa ang balat niya. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib. "The f*ck! Are you choking!?" ***********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD