Chapter 18

1672 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Kinabukasan, habang nagsusuklay ako ng aking buhok ay narinig ko ang pagsipol ni Jairus. Nagawa pa nitong kumanta, pumasok agad sa isip ko ang sinabi ni Vinalyn sa akin patungkol sa relasyon namin ni Jairus. Dapat ko na siyang iwasan, kahit ba labag ito sa loob ko. "Seira, anak! Nandito na si Jairus. Pumasok na kayo at matutulog na ako," ani Mama sabay katok sa pintuan ng aking kwarto. Napabuntong hininga ako. Lumabas ako ng kwarto nakita ko si Jairus na nakangiti habang nakaupo sa aming sofa na tila ba at home ito. "J-Jairus, p-pwede bang mauna ka na?" pilit kong sambit. "Oh, bakit?" "Basta... Ano kasi." "Ano? Sabay na tayo, bubuksan ko ulit bintana ng kotse ko--" "Natatae pa ako, Jairus." Wala na akong maisip na ibang dahilan sa kaniya. "Hihintayin kita, hindi pa naman tayo late--" "Feeling ko may LBM ako kaya mauna ka na pumasok, okay lang ako ma-late, para hindi ka na madamay--" "May gamot ako sa LBM, anak. Sandali." Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Mama. "Ayan pala, may gamot si Tita Sonya," aniya. "Ah... Ano kasi, nahihiya ako sa 'yo, tatae muna sana ako kaya mauna ka na pumasok." "Sa akin ka pa talaga nahiya?" tumawa ito. Bigla namang bumalik si Mama dala ang isang banig ng gamot sa pagtatae. Napalunok ako ng sarili kong laway, kailangan ko ba inumin ito? Hindi naman talaga ako nagtatae! "Oh, Seira. Uminom ka, dalhin mo na sa school para kapag humilab ulit ang tyan mo uminom ka lang," aniya sabay abot nito sa akin. "Ma, bakit ang dami niyong gamot?" tanong ko. "Anak, call center agent ako," aniya at pinanlakihan ako ng mata. "Ano, tara na?" tanong ni Jairus. "Banyo muna ako," ani ko at lumabas ng aking kwarto. Kahit hindi ako nababanyo ay nanatili ako sa banyo hanggang sa lumipas ang oras. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang pagkatok ni Jairus sa pinto ng banyo. "Time na, Seira!" sigaw nito. "Please, mauna ka na!" sigaw ko. "Sige, hinahanap na rin ako ni Vinalyn. Una na ako, ha? Mamayang uwian na lang tayo magsabay." Hindi ako nakasagot, nalulungkot ako ngayong hindi ko siya kasabay, wala akong magawa. Kaysa naman mag-away pa kami ng girlfriend niya. *********************** Lunch break, nagkaroon ako ng warning sa record ko dahil late ako ng pasok. Sobrang nakakainis, perwisyo ang pag-iwas ko kay Jairus. Dahil sa babaeng 'yon! "Seira, yung boyfriend mo hinihintay ka na," ani Althea. Napataas ang kilay ko, alam ko na kaagad kung sinong tinutukoy nila. Walang iba kundi si Jairus. Nang lingunin ko ito sa pinto ng room namin ay nakangiti pa ito. "Hindi ko siya boyfriend." Kinuha ko ang wallet ko at binulsa. "Lalakeng kaibigan kasi. Ano bang naiisip mo?" pang-aasar nito. Inirapan ko siya, rinig ko pa ang pagtawa niya habang papalabas ako ng classroom. Hindi ko pinansin si Jairus at dumiretso ng lakad. "Huy, Buddy! Bakit hindi mo 'ko pinapansin? Hindi ko naman ipagkakalat na may LBM ka!" Nanlaki ang mga mata ko, napatingin sa akin ang mga estudyante dahil sa lakas ng boses ni Jairus. Nilingon ko siya, abot langit ang ngiti niya. Hindi ako nakapagpigil, lumapit ako para hilahin ang tenga niya. "Aray! Huwag mo 'ko pingutin--aray!" sigaw ni Jairus. Binitawan ko ang tenga niya sabay irap. Naglakad na ako ng mabilis dahil nakakahiya na sa mga estudyante na nakatingin, malamang ay iba na ang naiisip nila sa akin. Walang hiya talaga si Jairus. Ang hilig akong ipahamak! "Seira!" habol sa akin ni Jairus. Pagdating ko sa cafeteria, naroon sina Sammy, Gil at Raiko. Sa hindi kalayuan ay nakita ko kaagad si Vinalyn kasama ang mga kaibigan niya. Umiwas ako kay Jairus bago niya pa kami makita na magkasama na naman. "Bayad sa pagkain!" ani Sammy at nilahad ang kamay niya. Nilabas ko ang wallet ko. Nagulat ako nang hawakan ni Jairus ang kamay ko, napatingin ako sa kaniya. "Sagot ko na," aniya at ngumiti. "Ehem!" pineke ni Sammy ang ubo niya. "Nandito kami, baka naman gusto mong idamay kami sa libre!" "Parang hindi kaibigan 'tong si Jairus, oh!" reklamo ni Raiko. "T*ngina! Babawi ako, sige sa sabado mag-inom tayo!" ani Jairus. "Sabado na bukas, pre," ani Gil. "Huh? Talaga ba? Sige, bukas mag-bar tayo. Game ba kayo?" mayabang na sabi ni Jairus. Tuwang-tuwa naman sina Gil, lalo na si Sammy na isa ring party girl. Mukhang masusuot ko na ang sexy dress na regalo sa akin ng Mama ni Jairus. "Sagot mo alak, kahit mamahalin?" tanong ni Gil. "Oo ba, mag-enjoy tayo." "Oo nga, I also suggest na i-enjoy mo na natitira mong araw bago ka maging CEO. Jairus Gael Alvarez, CEO!" ani Raiko with action. "Ang yabang!" "Parang hindi kapani-paniwala!" "Kadiri pakinggan, pre." Napailing na lang ako sa kanila. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng lunch habang sila ay nagtatawanan at nagbabatuhan ng mga salita. ***************** Pagsapit ng sabado ng gabi, wala na si Mama at nakabihis na ako. Naglagay ako ng mapulang lipstick sa aking labi. Sinubukan ko ring maglagay ng kolorete sa mukha, para maging maganda ako sa paningin ni Jairus. Bago pa man ako sunduin ni Jairus dito sa bahay, agad akong umalis. Sumakay lang ako ng trycicle since ayoko ng taxi dahil sa aircon. Pagdating ko sa bar na aming pinagkasunduang puntahan ay nakita ko kaagad si Sammy kasama ang boyfriend niyang si Luis sa parking lot. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naghahalikan sila. Lumapit ako para bulabugin ang dalawa. "Ang kalat niyo naman." Bakas ang gulat sa kanilang mukha, mabilis silang naghiwalay. Tumingin ako sa paligid, walang masyadong tao. "Get a room, bago pa kayo ma-post sa social media. Mga PDA." Napairap ako. "Inggit ka lang, wala ka kasing kalaplapan!" Akmang aangal ako, mayroon akong nahalikan. Ang problema, hindi ko pwede itong ipagmalaki. Si Jairus lang naman ang lalakeng nahalikan ko sa buong buhay ko. "O-Oo na, ikaw na. Sana all na lang ako," ani ko. Bigla namang dumating si Raiko at Gil. Sunod na dumating si Jairus, naka-kotse ito. Hindi ko naman inaasahang lumabas ng kotse ni Jairus si Vinalyn. Sinundo niya ito, ano pa nga ba? Girlfriend niya si Vinalyn. "Seira, tinatawagan kita kanina. Umalis ka na pala?" salubong sa akin ni Jairus. Pinanood ko si Vinalyn na ipalupot ang kamay nito sa braso ni Jairus. Masyado niyang idinidikit ang katawan niya kay Jairus. Napansin ko rin ang sexy na damit ni Vinalyn. Kitang-kita ang dibdib nito at ang hubog ng kaniyang katawan, flex na flex rin ang legs niyang maputi at makinis. "A-Ano, nauna na kasi ako. Nakalimutan ko sabihin sa 'yo," alibay ko kay Jairus. Kita ko ang pagngiti ni Vinalyn habang nakatingin sa akin. Sana naman ay kampante na siya, nilalayuan ko na si Jairus para sa kaniya, pero hindi niya mapipigilan ang nararamdaman ko para kay Jairus. "Pasok na tayo sa loob," ani Gil. Pumasok kami sa loob ng bar, rinig mula pa lang sa labas ang lakas ng sound system. Nagsasaya ang mga tao sa ground floor habang nagsasayawan. Marami ring umiinom lang. Kaniya-kaniya kami ng order ng aming inumin. "Bloody Mary," nakangiti kong sabi sa bartender. "Wow, kakaibang drinks," bati ni Sammy. "Gusto ko i-try lahat, tutal si Jairus ang magbabayad." Napangiti ako. Nang ibigay sa akin ang cocktail ko ay agad ko itong tinikman. Nasarapan naman ako sa lasa nito kaya mabilis ko itong naubos habang pinapanood ko ang mga tropa kong magsaya. Napatingin ako kay Jairus at Vinalyn na nasa tabi ko lang. Naglalandian sila, rinig ko na naman ang pag-ipit ni Vinalyn sa kaniyang boses. "Seira, okay lang ba maiwan ka dito? Nagyayaya kasi si Vinalyn sa dance floor," ani Jairus sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya, kakaiba ang mga tingin niya. Wala akong choice kundi ang tumango sa kaniya. "O-Okay lang. Go lang!" Kahit masakit ay tinanggap ko na sila talaga ang dapat na magkasama, magkatabi, magkahawak. Magkarelasyon sila, samantalang kami? Sobrang labo. "I would like to drink, Margarita cocktail!" ani ko sa bartender. Gusto ko na lang uminom. Napatingin sa akin si Sammy, bakas ang pagkagulat sa mukha niya. "Huy, seryoso ka sa pag-iinom?" puna ni Sammy. Tumango ako. "Hayaan mo na si Seira, Love. Let's dance sa gitna," ani Luis sa kaniyang nobya. Nakaramdam ako ng inggit, sana ay ganoon rin kami ni Jairus ka-sweet pero kahit anong sweetness na maramdaman ko ay pakiramdam ko kaibigan lang lahat ng 'yon. "Here's your drink, Ma'am." "Thank you!" kinuha ko ang glass at lumakad patungo sa mga nagsasayaw. Habang umiinom ako ay naki-indak ako sa mga nagsasayawan. Bigla akong nakaramdam ng may humawak sa beywang ko. Akala ko ay kaibigan ko o sina Jairus ngunit isang hindi pamilyar na lalake ang nakikisayaw sa tabi ko. "Don't touch me," ani ko at lumayo. Nagulat naman ako nang sumunod ito sa akin. Hinawakan niya na naman ang beywang ko na para bang close kami. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Ano ba? Huwag mo 'ko hawakan--" "Shh! Miss, huwag ka na magpakipot. Just come with me tonight," aniya at hinawakan ang kamay ko. Halos matapon ang hawak kong drinks sa pagpupumiglas ko. "No, thank you. Iba na lang, hindi ako pick me girl." "Sige na, Miss---" Biglang may sumuntok sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jairus, namumula ang kaniyang mukha. Napatigil ang mga nasa paligid namin na sumasayaw. "Jairus!" sigaw ko. Napahiga ang lalake sa sahig, mabilis namang umibabaw si Jairus sa kaniya at pinagsusuntok ang mukha nito. "HAYOP KANG BASTOS KA! TARANTADO KA! P*TANGINA MO!" "BABE! STOP IT!" sigaw ni Vinalyn. Tumingin ito sa akin ng masama. Tila ba nakagawa na naman ako ng matinding kasalanan sa kaniya. Nabaliw naman ako nang pati si Gil at Raiko ay nakisuntok. Dumating ang bouncers at agad na inawat ang apat. Napasapo ako sa noo ko, gumawa pa ng gulo ang mga tropa ko. "HUWAG MONG BABASTUSIN YUNG KAIBIGAN NAMIN!" sigaw ni Raiko. "P*TANGINA MO! HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw ni Jairus habang hinihila siya ng bouncer palabas. Sumunod naman kami sa kanila. *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD