Chapter 17

1497 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Tila ba nakalimutan na namin ni Jairus ang lahat ng tampuhan sa isa't isa, akala ko hindi na kami babalik sa dati. Heto kami ngayon at magkasama pa rin. "Bubuksan ko yung bintana, sayang lisensya ko hindi naman nagagamit," ani Jairus. Pinipilit niya akong sumakay sa kotse niya. Dadalhin na daw niya sa school ito simula ngayon at gagamitin panghatid at sundo sa akin pati na rin kay Vinalyn. "Baka masuka kasi ako--" "Hindi nga bubuksan yung aircon." "Pero mainit." "Bukas naman bintana, dali na." Hinawakan ni Jairus ang kamay ko. "Bahala ka kapag ako, nasuka." "Ako pa maglilinis ng suka mo," natatawa niyang sabi. "Bwisit ka talaga!" ani ko at inirapan siya. Sumakay ako sa kaniyang sasakyan. Pinagsara niya pa ako ng pinto. Ikinabit ko ang seatbelt at tumabi naman siya sa akin, napangiti na lamang ako. Sana hanggang sa pagtanda namin ay makakaupo pa rin ako sa passenger seat ng sasakyan niya. Ramdam ko ang kilig at saya ngayong para kaming mag-asawa. Nangangarap pa rin ako, mangangarap ako nang mangangarap. Siya lang ang minahal ko ng ganito, si Jairus lang habambuhay. "Dahan-dahan ka lang mag-drive, ha?" "Seira, paano kapag pinaharurot ko 'to?" "Gusto mo sampal?" "Biro lang!" Nang makarating kami sa school, nag-park na si Jairus at madaming estudyante sa parking lot. Pansin ko ang tinginan nila nang bumaba ako sa sasakyan. Hindi ko naman inaasahang makasalubong sina Vinalyn kasama ang barkada niya. Bakas ang gulat sa mukha nito. "H-Hello," bati ko at tipid na ngumiti. "Where's Jairus?" tanong niya kaagad. "Pababa na ng sasakyan--" "Babe!" agad na tumakbo si Jairus papunta kay Vinalyn at niyakap ito. "Dinala mo pala kotse mo. Sabay ulit kayo pumasok?" "Oo, Babe. Sabay na rin kami uuwi." "Ow... Okay, papasok ka na ba? Papasok na kasi kami, sabay ka sa amin?" tanong ni Vinalyn. Tumango si Jairus. Napatingin siya sa akin, sumenyas ako na sumama na siya kay Vinalyn. Naiwan ako sa parking lot habang sila ay sabay-sabay na naglalakad. "Seira, bakit hindi ka sumabay sa kanila?" nagulat ako nang biglang marinig ang boses ni Gil sa aking likuran. "Nandyan ka pala. Ginulat mo 'ko!" daing ko. Tinanggal nito ang kaniyang helmet saka ipinatong sa motor nitong nakaparada sa likod ko. "Tara, pasok na tayo. Hindi ka man lang nila sinabay, ang attitude naman nung mga 'yon." Hinila niya ang manggas ng blouse ko para lumakad ako. "Syempre, bebe time--" "Kasama niya kaibigan niya, tapos kaibigan ka ni Jairus dapat sinama ka rin," ani Gil. Napabuntong hininga na lamang ako, sabay kaming naglakad papunta sa kani-kaniya naming building. ******************** Pagdating ng uwian, naghihintay ako sa parking lot. Hindi pa tapos ang klase nina Jairus dahil may business proposal silang kailangan i-present. Kanina pa ako naghihintay sa kaniya, gusto ko nang magpahinga sa bahay. Nakaupo ako sa bench katabi ng malaking puno dito. Kinuha ko ang cellphone ko para libangin ang sarili ko sa social media habang naghihintay kay Jairus. Napansin ko naman na mayroon akong message request. Chineck ko iyon. {Hi, pwede ba makipagkaibigan?} Napataas ang kilay ko, lalake itong nag-message at mukhang landi ang habol sa akin. Agad kong dinelete ang pangalan niya sa conversation. Una sa lahat, wala akong balak mag-entertain ng mga lalake. Ayoko na sa kanila. Desidido na akong si Jairus lang ang gusto ko. "Seira." Napalingon ako sa boses ng babae na tumawag sa akin. Nakita ko si Vinalyn, napatingin ako sa paligid namin, wala nang estudyante dahil anong oras na rin. "Vinalyn, bakit? Hinihintay mo ba si Jairus? Hindi pa tapos yung business proposal nila--" She cuts me off. "I'm here for you, let's talk." Sumeryoso ang mukha nito at lumakad papalapit sa akin. Ibinulsa ko ang aking cellphone at tumayo para makaharap siya. "A-Anong pag-uusapan?" tanong ko. Nakaramdam agad ako ng kaba. Iba ang mga tingin sa akin ni Vinalyn, tila ba nawala ang dating malambing na pagkatao niya. "Can you stay away? I understand na you're his childhood friend. Pero anong tawag niyo sa akin? I am his girlfriend, right?" aniya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko akalain na sasabihin niya ito. Hindi ako makapalag sa kaniya, pakiramdam ko ay wala akong laban. "Wala naman sigurong masama kasi kaibigan lang naman tingin namin sa isa't isa---" "But can't you respect me as his girlfriend? Alam mo bang ang daming nagsasabi sa akin na may relasyon kayo ni Jairus. Sinasabi nilang palagi kayong magkasama not just because magkapitbahay kayo, ako ang nagmumukhang kawawa kahit ako ang girlfriend." Tumaas ang tono ng kaniyang boses bakas na ang galit sa mukha nito. "Vinalyn, calm down. Hindi mo 'ko kailangan awayin dahil diyan." "Hindi ako nang-aaway, I am saying my rights as his girlfriend. I respect you, kaya nga hinahayaan ko kayo noong una na palaging magkasama. Now, it's enough. Nagtiis ako ng matagal." Napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay na-corner ako dahil wala akong magagawa, sino nga ba ako? Kaibigan lang. "Tumingin ka sa akin!" Nagulat ako nang hawakan niti ang kwelyo ng blouse ko. "Vinalyn!" saway ko sa kaniya. "Layuan mo ang boyfriend ko, you're already getting into my nerves." Tinulak ko siya. Hindi ko na natiis ang galit ko. Ganito pala ang ugali niya, may tinatago pala siyang sama ng loob sa akin all this time. "Oo na! Lalayuan ko siya, sana maging masaya ka na!" inis kong sabi. "Seira! Vinalyn!" Napatigil kami pareho nang marinig ang boses ni Jairus. Napalingon kami sa kaniya na naglalakad sa pathwalk kasama si Gil. Napabuntong hininga ako, inayos ko ang bag ko sa aking likuran. Hindi ko na pwede sabayan si Jairus, ayokong magsabi pa si Vinalyn kay Jairus about sa nangyare. "Babe!" biglang lumamya ang boses ni Vinalyn. Lumapit ito kay Jairus. Nakaramdam ako ng matinding selos, ngayong nakikita ko kung paano yumapos si Vinalyn kay Jairus. "Pauwi ka na ba, Babe?" rinig kong tanong ni Jairus kay Vinalyn. "Oo, hinihintay kita." "Huh? Sasabay ka ba sa akin? Wala ba yung service mo?" tanong ni Jairus. "Wala." "Ihahatid ko sana si Seira, kanina pa niya ako hinihintay--" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ko. "Ano! Hindi na, Jairus!" sigaw ko at ngumiti. "Sasabay ako kay Gil, naka-motor naman 'to, mas mabilis. Hindi ba, Gil?" Tumingin ako kay Gil. "Luh! Bakit--oo na nga, sige na sa akin na sasabay si Seira. Ikaw magsuot ng helmet, oh!" ani Gil at ibinigay sa akin ang helmet niya. "Salamat, Gil!" ani ko. "Si Raiko ba, umuwi na?" tanong ni Jairus kay Gil. "Oo, pre. Ihahatid ko na 'tong reyna natin. Kailangan ko na rin umuwi," ani Gil at binuksan ang makina ng motor. Napatitig ako sa motor niya, hindi ako sanay sumakay sa ganito pero wala akong choice, kailangan ko panindigan ang sinabi ko. Sinuot ko ang helmet. "Una na kami, Jairus at Vinalyn," ani ko. Ngumiti sa akin si Jairus habang si Vinalyn ay halata ang pagka-inis sa mukha nito. "Ingat kayo, buddy," pahabol ni Jairus. Kumaway ako. Naupo ako sa motor ni Gil patagilid, napayakap ako sa beywang nito dahil natatakot akong baka mahulog ako. Ang tagal ko na kasing hindi nasasakay sa motor. Naka-skirt pa naman ako ngayon. "Pre, ingatan mo si Seira, baka mahulog 'yan. Medyo b*bo 'yan minsan!" sigaw ni Jairus bago umandar ang motor. Ramdam ko ang sakit sa aking puso, kailangan ko nang dumistansya kay Jairus, magbabago na ang lahat. Kung pwede lang na maghiwalay na sila ni Vinalyn, para kami na lang... ***************** Pagdating ko sa bahay ay wala na si Mama, agad kong tinawagan si Dorothy. Hindi naman siya busy kaya sinagot niya ang tawag ko. Biglang bumuhos ang luha ko nang makita ko si Dorothy sa screen ng cellphone ko. "Dorothy..." bulong ko sa pagitan ng bawat paghikbi ko. "Oh! Anong nangyare sa 'yo? Bakit ka umiiyak." Agad niyang tinanggal ang headset sa kaniyang tenga at nag-focus sa akin. "Wala na lahat... Si Vinalyn pala ang tatapos," bulong ko. "A-Ano? Can you give me a further explanation?" aniya. "P-Pinuntahan ako ni Vinalyn para sabihin na layuan ko si Jairus. Ayoko siya layuan, hindi ko kaya pero dahil kay Vinalyn. S-Sobrang galit siya kanina na tipong mananakit na siya. S-Sinampal niya sa akin na kaibigan lang ako at wala akong karapatan sa buhay ni Jairus!" hagulgol ko. Kinuha ko ang unan ko at dinukdok doon ang aking mukha saka nilabas lahat ng luha ko. "Sh*t, sabi na nga ba... Feel ko talaga magseselos 'yon sa closeness niyo. Seira, sorry pero hindi ko siya masisisi. Totoo naman kasi, girlfriend siya. Kung gusto mo, hintayin mo na lang mag-break sila." "P-Paano kapag hindi sila nag-break!?" "Layuan mo na talaga siya, totally wala nang connection. Kahit mahirap, alam kong makakaya mo 'yan," aniya. "Hindi ko kaya---" "Seira, tama na! Si Vinalyn na 'tong nagkompronta sa 'yo, hindi ka pa rin ba titigil? Gusto mong magmukha kang desperadang kabit!?" sigaw nito. Mas lalo akong naiyak, paano ko makakalimutan na mahal ko siya, kung sa bawat minuto siya lang ang pumapasok sa isipan ko? ***********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD