Chapter 19

1281 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Nakatayo kaming lahat sa parking lot ng bar. Kita ko ang pamumula ng kamo ni Jairus, hawak ngayon ni Vinalyn ang kamay nito at alalang-alala sa kaniyang nobyo. Mas nag-alala pa siya kay Jairus kaysa sa akin na hinawakan ng lalakeng hindi ko naman kilala. "Lipat na tayo ng bar," ani Gil. "Sorry, pinalabas pa kayo dahil sa akin--" "Hindi mo kasalanan, Seira. Dapat nga sila pa mag-sorry sa 'yo kasi binastos ka. P*tangina!" bulalas ni Jairus. "Babe, calm down," ani Vinalyn sabay himas sa braso ni Jairus. Napayuko ako. Muli akong nakaramdam ng selos. Noon ay ako pa ang nagco-comfort sa kaniya, samantalang ngayon ay may Vinalyn na sa tabi niya. "Hindi talaga kakalma 'yang boyfriend mo. Binastos best friend niya, maski kami naiinis rin. Hayop na lalakeng 'yon," ani Raiko. Napatingin ako kay Vinalyn, bakas ang pagkainis sa mukha nito. "Sorry, uuwi na lang siguro muna ako. Kayo, try niyo sa ibang bar naman. Magpapahinga na ako," ani ko at inayos ang pagkakasakbit ng aking sling bag. "Ihahatid na kita!" ani Jairus. Akmang lalapitan niya ako pero hinila siya ni Vinalyn, nagkatinginan ang dalawa. "Babe, babalik ako. Ihahatid ko muna si---" "Si Raiko na lang maghahatid sa akin," ani ko at lumapit kay Raiko. "Ayon pala, may maghahatid na kay Vinalyn. Raiko will send her home, you don't have to worry, Babe." Ramdam ko ang inis sa tono ng boses ni Vinalyn. Napabuntong hininga ako. Kailangan ko tiisin ang lahat ng selos at sakit na nararamdaman ko, papanindigan ko ang sinabi ko kay Dorothy na hindi ako susuko. "Sige, ako na maghahatid kay Seira." Hinawakan ni Raiko ang balikat ko. Ngumiti ako sa kaniya, mabuti na lang at wala pang girlfriend ang mga ito. "Pre, naka-motor ka kasi. Si Seira baka--" nagsalita na naman si Jairus. "We can also send her home, naka-kotse naman kami ni Sammy," sabat ni Luis. "Hindi na, Luis. Mag-enjoy na lang kayo ng baby mo. Ako na maghahatid kay Seira," ani Raiko. "Oo, okay na ako. Enjoy kayo, ha? Uuwi na ako." "Ihahatid ko muna 'to. Babalik ako!" ani Raiko. Naglakad na kami patungo sa kaniyang motor. Bago ako magsuot ng helmet ay muli akong sumulyap kay Jairus, parang linta pa rin si Vinalyn na nakadikit kay Jairus. Mapapasa-akin pa kaya si Jairus? Parang ang labo na... ********************** Ilang linggo ang lumipas, tila ba pinapatay ako sa lungkot. Gabi-gabi ay iniisip ko kung susuko na ba ako, gayong ramdam ko ang alitan sa pagitan namin ni Vinalyn. "Seira, pass na raw yung paper," ani Brian na katabi ko. "H-Huh?" Nagising ako sa reyalidad. Agad na kinuha ni Althea ang papel kong nasa lamesa ko. Napatingin ako sa paligid, naghahanda na pala ang mga kaklase ko para sa susunod na subject. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang una naming subject at kanina pa pala ako nakatulala. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking palad saka sumandal sa kinauupuan ko. Napahikab ako at tinakpan ang aking bibig, ilang araw na akong inaantok, sakto naman ang tulog ko. "Baka makatulog ka, strict ang susunod nating prof," bulong ni Jasmine sa akin. "Hindi ako matutulog. Inaantok lang," ani ko. Tumango siya. Ilang sandali pa ay pumasok ang professor namin. Si Mrs. Dimla, ang kilala na teacher na isang byuda. Bali-balita na simula raw nang mamatay ang asawa nito ay naging mainitin na ang ulo. Lahat ng galit sa estudyante raw binubuntong. "Open your books, let's check our activity," salubong ni Ma'am. Wala man lang siyang pagbati na good morning, o kahit hello class. Hindi siya kagaya ng iba naming professor. "Gumising ka na sa katotohanan, Seira." Siniko ko si Jasmine. Pinanood namin si Prof. na magsulat ng problems sa white board, iyon ang mga tanong na nasa activity namin. "Number 1, answer this. Mr. Bernal." Agad na tumayo ang tinawag ni Ma'am para magsagot sa whiteboard. "Kung ito ang sagot niyo, check it." Kumuha ako ng red ballpen saka nilagyan ng check ang libro ko. Napayuko ako nang biglang kumirot ang ulo ko ko, para bang may ugat na naipit, hindi ko maipaliwanag. "Next number. Ms. Nerona." Agad akong napatingin kay Ma'am nang banggitin niya ang apilido ko. Wala akong choice, tumayo ako dala ang aking libro para isulat ang sagot. "Go, Seira." Inabot sa akin ni Ma'am ang pen saka ako nagsimulang magsulat sa board. Naramdaman ko ang pag-ikot ng mundo ko. Pumikit ako ng mariin, muli ay sinubukan kong magsulat ngunit hindi ko makita ng maayos ang aking ginagawa sapagkat umiikot ang paningin ko. Nanghina ang buong katawan ko. Biglang dumilim ang paningin, lumakas ang pintig ng puso ko kasabay ng ingay sa aking paligid. Sinubukan kong dumilat ngunit tuluyan na akong nawalan ng malay. *************** Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. "G*go ka talaga!" boses iyon ni Jairus. "Shh! Gising na si Seira!" saway ni Sammy. Nang tuluyan kong idilat ang mga mata ko ay nakita ko si Jairus na nakaupo sa tabi ko habang katabi nito si Sammy. Napagtanto kong nasa loob kami ng clinic ng school. "Seira, okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Jairus. Bigla kong naalala ang huling nangyare. Nahimatay ako habang nagsasagot sa klase? Dahan-dahan akong bumangon, inalalayan naman ako ni Jairus at Sammy. "A-Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. "Binabantayan ka, sabi ng nurse may fatigue ka raw. Hindi ka ba nakakatulog ng maayos? Sobrang stress ka ba? Pwede ka naman humingi ng tulong sa akin," nag-aalalang sabi ni Jairus. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko habang patuloy ako sa pagtitig sa kaniya, hindi dapat malaman ni Vinalyn na binantayan niya pa ako. "Girl, kung may problema ka, pwede ka magsabi sa amin. May nangyare na naman ba sa bahay niyo?" tanong ni Sammy. "W-Wala naman. Napupuyat lang ako," bulong ko. Kahit sa totoo lang ay maaga na akong nakakatulog. Hindi na ako kagaya noon na nakakapagpuyat, these days sobrang inaantok ako at mabilis akong makatulog. Bakit naman ako magkaka-fatigue nito? "Seira, may masakit pa ba sa 'yo?" Hinawakan ni Jairus ang kamay ko. Tila ba may kuryente na dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang aming balat. Umiling ako sa kaniya. "Gaano ako katagal nandito? May klase pa ako--" "Uwian na. Kanina ka pa natutulog diyan, ayaw ka gisingin ng nurse, masama raw 'yon." Napaawang ang labi ko. Biglang kumalam ang sikmura ko. Hindi man lang ako nakakain ng lunch. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. "Kain tayo, Seira. Anong gusto mo?" tanong ni Jairus. "Gusto ko na lang umuwi, magpahinga," ani ko. Tumayo ako. Inabot sa akin ni Sammy ang aking bag, napabuntong hininga naman ako sa dami ng klase na hindi ko napasukan. Kung kailan malapit na ang graduation. Kailangan ko bumawi. "Jairus, since gising na si Seira. Pwede bang ikaw na maghatid sa kaniya? Magkapitbahay naman kayo. Kailangan ko na rin umuwi," ani Sammy. Hindi niya ako pwede iwanan kasama si Jairus, baka kung ano pang mangyare. "Sammy---" "Bye na, girl. Pagaling ka," ani Sammy at bineso ako. Wala akong nagawa nang lumakad na siya palabas ng clinic. Inagaw ni Jairus ang bag ko at hinawakan ang braso ko. "Tara, bubuhatin ba kita?" seryoso niyang tanong. "Hindi, kaya ko maglakad. Bakit hindi mo kasama si Vinalyn--" "Please lang, Seira. Huwag mo na tanggihan 'to. Ilang araw ka nang hindi sumasama sa akin, akala mo ba hindi ko napapansin 'yon?" aniya. Napayuko ako. Mabuti pa 'yon napansin niya, ang pag-ibig ko, hindi. "Baka kung anong isipin ni Vinalyn--" "Ako nang bahala sa kaniya." Bigla niyang inakay ang braso ko. Sumama na lang ako sa kaniya, tutal nanghihina pa rin ako at hindi ko kaya umuwi mag-isa. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD