Seira Anthonette's P. O. V.
Kasalukuyan kong ipinapakita kay Dorothy ang bigay sa akin na bulaklak ni Jairus, unti-unti na itong nalalanta pero patuloy ko pa ring pinipisikan ng spray ni Mama sa halaman niya, baka sakali tumagal.
"Huwag mo na lagyan ng spray ni Tita Sonya, hindi magtatagal 'yan."
"Alam ko, pero kahit sandali lang yung kagandahan nito, na-appreciate ko pa rin," ani ko kay Dorothy na ngayon ay ka-video call ko.
"Malalanta rin 'yan, parang si Jairus. Sweet ngayon, bukas, pero sa susunod wala na," aniya at umirap pa.
"Huwag ka nga maging negative, tingin mo ba bibigyan niya ako nito kung hindi ako mahalaga sa kaniya?" Pagmamayabang ko.
Muli kong inamoy ang bulaklak, nauubos ko na ata ang amoy nito kakalanghap ko.
"You're so obsessed with Jairus, I wonder kung anong mayroon sa lalakeng 'yon na wala ang ibang guy," singhal ni Dorothy.
Bigla kong naalala ang mga sweet moments namin, lalo na ang sexy moments sa kama, tandang-tanda ko kung gaano kasarap sa tenga ang mga ungol niya.
"Aminado ka naman na baliw ka kay Jairus, 'di ba?" aniya.
"Oo, bakit?"
"I think magfe-fade din ang love mo. Kapag na-realize mong wala ka talagang pag-asa. Hindi mo kasi ma-gets na kaya niya lang ginagawa 'yan dahil kaibigan ka niya, not because he is seeing you more than friends..."
Hindi ko masabi sa kaniya, we are more than friends. Hindi lang kaibigan ang tingin ko kay Jairus at mukhang ganoon rin siya, dahil sa mga ginagawa namin na tanging magkarelasyon lang ang gumagawa. He is not seeing me as a friend lang. I can feel that.
"Hihintayin ko siya," ani ko.
"Gosh, sumasakit na naman ang ulo ko sa 'yo. I can't imagine, may pinsan akong tanga."
"Tanga nga ako, pero huwag mo naman ipaalala araw-araw, medyo nakaka-hurt na," ani ko at ngumiti ng pilit.
Bigla namang pinatay ni Dorothy ang call. Mukhang naiinis na nga siya sa akin. Napasimangot ako at tumayo, nilagay ko sa vase ang bulaklak na malapit nang maging brown lahat ng dahon ng sunflower.
Kinuha ko ang aking printed lectures at nilagay ko sa aking bag dahil may pasok na bukas. Malapit na rin ang Valentine's, iniisip ko kung anong pwede ko ibigay kay Jairus na wala pa siya.
"SEIRA!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iisang tao lang naman ang gumagawa nito, si Jairus.
"A-Ano?" tanong ko.
Bakas sa kaniyang mukha ang pagkapagod, mukhang tumakbo siya ng matagal.
"May cotton candy na ulit! G*go, natatakam ako kanina pa!" sigaw niya.
"T*ngina, hindi ka na lang bumili agad. Paglalakarin mo na naman ba ako sa kanto?" inis kong sabi.
"Oo, tara na kasi at--uy!" Napatigil siya nang makita ang vase na nasa vanity mirror ko. "Na-save mo pala talaga yung flower, nalalanta na oh! Ibibili na lang kita ng bago."
Napangiti ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya, inakbayan niya ako. Muli ay nakaramdam ako ng kilig, sabay kaming naglakad palabas ng bahay.
"Ililibre mo ba ulit ako?"
"Oo, hindi ba favorite mo yung cotton candy sa kanto? Akala ko nga hindi na sila magbubukas, tanong nga natin kung bakit nagsara sila ng ilang linggo."
"Chismoso ka talaga," natatawa kong sabi.
"Gusto ko lang mapatawa ka, enjoy lang tayo," aniya at ngumiti.
Napansin ko namang nagseryoso ang mukha niya. Napakunot ang noo ko, parang may mali.
"May problema ba?" tanong ko.
"Si Papa, binanggit na niya yung about sa negosyo. Magtatrabaho raw ako sa company namin ng ilang taon para maging employee lang, hanggang sa matutunan ko raw lahat, tapos gagawin niya akong CEO."
"Talaga? Ang galing naman, secured na agad yung future mo--"
"Seira... Ayoko nga."
"Ang laking opportunity noon, bakit ayaw mo tanggapin? Magiging CEO ka, Jairus. Big name, big industry, big opportunity---"
"Seira, gusto ko lang maging masaya sa buhay. Ayoko ng business na 'yan. Sakit lang sa ulo," aniya.
Akmang magsasalita pa ako, pero hindi ko na nasabi ang sasabihin ko dahil naglakad na siya. Mukhang nawala siya sa mood, nakabusangot na ito at halatang bad trip. Hinabol ko siya sa paglalakad, mahirap talaga magalit itong si Jairus.
"Jairus, huwag ka na mainis."
"Gusto mo ba maging accountant ng company namin? Para magkasama pa rin tayo sa building, sa magiging office ko, sa work."
Napatigil ako sa sinabi niya. Gusto niya akong makasama? Anong ibig niyang sabihin noon? Sine-settle niya ang future nito nang kasama ako... Pero paano si Vinalyn?
"P-Pwede naman," sagot ko.
"Sasabihin ko kay Papa, gawin kang accountant ng business namin. Boring kasi kapag wala ka."
Napayuko ako at tinago ang kilig na nararamdaman ko. Hanggang sa nakarating kami sa kanto kung saan nabibili ang cotton candy. Dito kami palagi bumibili mula pagkabata hanggang sa aming pagtanda.
*****************
Lumipas ang ilang araw, ngayon ay valentine's day. Natapat naman na sabado, walang pasok. Narito lang tuloy ako sa bahay dahil wala ring message si Jairus, ayoko naman na ako pa ang mangulit sa kaniya, baka kasi busy siya kay Vinalyn. Girlfriend 'yon...
"Seira, hindi ka pa ba tapos magluto?" tanong ni Mama.
"Tapos na po, nakahanda na po yung pagkain, Ma."
Lumapit ako sa hapag para maghain ng kanin, lumabas naman ng kwarto si Mama. Mukhang inaantok pa ito.
"Valentine's ngayon, hindi ba kayo gagala ni Jairus?"
Nagulat ako nang banggitin ni Mama si Jairus, kabisado na rin ni Mama ang mga lakad namin. Kung noon, tuwing Valentine's ay kami ang nagde-date, ngayon ay sila na ni Vinalyn.
"Kasama po ni Jairus yung girlfriend niya," malungkot kong sabi.
"Ganoon ba... Gusto mong tayo na lang ang umalis? Mamili ka ng gamit mo, sasahod naman na ako," ani Mama.
"O-Okay lang po ba, Ma?"
"Oo naman, anak."
Napangiti ako, wala man si Jairus. Ngayon ay magkakaroon naman kami ng bonding time ni Mama.
"Aalis na po ba tayo? Hindi po ba may pasok pa kayo mamayang gabi?" tanong ko.
"Oo, pagkakain gumayak na. Bago mag alas-sais kailangan maka-uwi tayo at may pasok ako."
"Opo, Ma! Salamat po!"
********************
Namili kami ni Mama ng groceries, binilhan niya rin ako ng bagong damit at ilang school supplies. Nag-ice cream din kami ni Mama sa Mall. Hindi ko man mabilhan ng kahit ano si Mama ngayong Valentine's Day at wala akong pera. Sana lang kapag naka-graduate ako ay makabawi ako sa kaniya.
Pag-uwi namin ni Mama sa bahay ay nagbihis na agad siya ng kaniyang uniporme. Ako ay nag-ayos ng mga pinamili namin.
"Anak, mauuna na ako, ha? Ikaw na munang bahala dito sa bahay."
"Opo, Ma."
Nang tuluyang lumabas si Mama ng bahay ay pinagpatuloy ko ang paglalagay ng frozen foods sa ref. Nilagay ko rin sa cabinet ang mga delata at ilang stock ng ingredients.
Nang matapos ako ay nagtungo ako sa banyo para mag-half bath. Nagsuot na rin ako ng pajama pantulog. Pumunta ako sa kwarto ko at nahiga para makapagpahinga na. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng aking social security media account.
"Wala pa ring message si Jairus? Gabi na..." bulong ko.
Habang nag-i-scroll ako sa social media ay napaawang ang labi ko nang makita ang surprise at regalo ni Jairus kay Vinalyn. Post ito ni Vinalyn sa kaniyang account at umani ng libo-libong likes. Litrato ito ng likod ng kotse ni Jairus na puno ng lobo, may malaking bouquet, may rubber shoes na pareho pa sila ni Vinalyn ng disenyo, mayroon ding human sized teddy bear.
Ang caption pa ni Vinalyn ay... So blessed to have you in my life.
Napabuntong hininga ako, ramdam kong muli ang kirot sa puso ko. Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang surpresa na iyon mula kay Jairus. Mukhang binibigay niya lahat kay Vinalyn.
"Sino ba naman ako? Kaibigan lang ako..." bulong ko.
Hinila ko ang kumot ko, ramdam ko nang tutulo ang mga luha ko ngunit tumunog ang aking cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Jairus sa notification.
"Jairus..." Tila ba nabuhay ang dugo ko.
Agad kong binasa ang kaniyang mensahe.
"Punta ka dito sa bahay, may ibibigay ako sa 'yo..." Napakunot ang noo ko. "Ano naman kaya 'yon?" bulong ko at tumayo.
Nagmamadali akong lumabas ng bahay namin para magtungo sa bahay nila Jairus. Hindi naka-lock ang gate kaya mabilis akong nakapasok. Dahan-dahan pa akong pumasok sa kanilang bahay dahil baka narito sila Tita Jennifer.
"Jairus?" tawag ko.
Wala ito, wala ring tao. Mukhang nasa kwarto siya. Siya lang kaya mag-isa?
Hindi na ako nagdalawang-isip na umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang kuwarto. Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin si Jairus na nakatayo sa tabi ng kaniyang kama. Mayroon siyang hawak na malaking bouquet ng roses. Napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ito.
"Happy Valentine's Day!" masigla niyang bati.
"H-Happy Valentine's Day..." pilit kong pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at inabot ang bulaklak. Tinanggap ko ito at inamoy pa. Ang sarap sa pakiramdam na makatanggap ng kahit anong regalo mula sa kaniya.
"Sabi ko naman sa 'yo, papalitan ko yung bulaklak. Ayan na, natupad ko promise ko," aniya habang nakangiti.
"Oo nga, akala ko hindi mo na ako babatiin." Napabuntong hininga pa ako.
"Sus, huwag ka nga magpa-cute. Mayroon pa akong regalo, hindi lang 'yan."
Parang nanintig ang tenga ko sa narinig ko. Pinanood ko siyang may kuhanin sa kaniyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kahon iyon, umaasa pa naman akong luluhod siya pero hindi naman ata sing-sing ang laman noon. Medyo assuming lang ako.
"A-Ano 'yan?"
Inabot niya ang hawak niya.
"See for yourself."
Kinuha ko iyon at dahan-dahang binuksan. Napaawang ang labi ko sa ganda ng kwintas, ang pendant nitong bulaklak ang disenyo, mukhang mamahalin dahil kumikinang ang mga diamonds nito.
"J-Jairus, ang ganda," bulong ko.
"Akin na, isusuot ko sa 'yo."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sa kaniya. Kinuha niya ang kwintas, dahan-dahan niya akong itinalikod para mailagay sa leeg ko ang kwintas. Hindi naman maalis sa labi ko ang ngiti dala ng saya na aking nararamdaman.
"Ang ganda talaga, thank you!" ani ko.
"It feels like, this necklace is made just for you. Bagay na bagay mo kasi," pambobola niya.
"Bwisit, pero salamat, na-appreciate ko. Kamusta nga pala kayo ni Vinalyn, bakit ngayon ka lang nag-message?" tanong ko.
"Hhmmm..." He paused and looked into my eyes. "Nag-dinner kami, tapos hinatid ko sa kanila, then bumili ako ng ibibigay sa 'yo at heto na."
Ngumiti ako at tumango,
"Ayos pala, nakapag-date kayo."
"Oo, kaya ngayon, tayo naman..." Kinuha niya ang bulaklak na hawak ko at ipinatong sa study table niya.
Hinawakan niya ang kamay ko. I didn't expect that this would happen. He grabbed my waist against him. Nakaramdam agad ako ng init ng katawan gayong ganito kami kalapit sa isa't isa.
"Jairus..."
Hinawakan niya ang pisngi ko. He kissed my lips passionately, hindi ako nakatanggi because I liked it too. I kissed him back. Napahawak ako sa kaniyang leeg habang sinisiil niya ako ng halik.
It feels illegal, nang sabihin niyang kami naman ang mag-date. Now we're here again, doing this thing because he feels lust, but I feel love.
"Seira... I can't resist you. Pwede ba ulit? Ngayon lang... Last na talaga," bulong niya sa aking tenga.
Tila ba may kiliti akong naramdaman at mga kuryenteng dumaloy sa aking katawan.
"Yes, Jairus..." sagot ko at tumango.
Mabilis niya akong tinulak sa kaniyang kama. Pinanood ko siyang hubarin ang kaniyang damit at suot pang-ibaba. Ramdam ko ang malakas at mabilis na t***k ng puso ko. I know what I'm doing, susugal ako.
Umibabaw siya sa akin at pinagpatuloy ang paghalik sa labi ko. Naramdaman ko ang kamay niyang naglalakbay sa katawan ko. Hanggang sa tuluyan na niyang matanggal ang saplot ko. Napatigil siya sa paghalik dahil inaabot niya ang drower.
"P*ta," mura niya nang buksan ang drower.
"Bakit?" tanong ko.
"Wala nang condom, hindi ako nakabili. F*ck!" He looks frustrated.
"Just do it, mag-withdrawal ka. Kaya mo naman siguro, 'di ba?" ani ko at hinawakan ang pisngi niya.
"R-Right, ipapasok ko na..." aniya.
Tumango ako. Hinalikan niyang muli ang labi ko habang nararamdaman ko ang matigas niyang pagkalalake sa tapat ng aking p********e. Mas ibinuka ko pa ang mga hita ko upang malaya itong makapasok.
Nang maramdaman ko na ito sa aking butas ay napaawang ang labi ko.
"Ugh... Ang sarap," ungol ni Jairus nang tuluyang mapasok ang kahabaan niya sa akin.
Damang-dama ko ang init sa pagitan naming dalawa. Nang magsimula siyang gumalaw ay ramdam ko ang malalim na paghinga ni Jairus.
"Ugh..."
"G-Ganito pala kapag walang condom, ang init, ang sarap..." bulong nito sa tenga ko.
Napatitig ako sa kaniya, kung nasasarapan siya sa ganito. Handa akong magpagamit sa kaniya. Baka matutunan niya akong mahalin dahil gusto niya ng ganito.
Napapikit ako at dinama ang bawat galaw nito. Mas lalo niyang binilisan ang pagbayo dahilan para tuluyang kumawala ang mga ungol na kanina ko pa pinipigilan.
"Ugh... Jairus..."
"Sh*t, ugh..."
Napahawak ako sa unan na nasa ulo ko. Hinalikang muli ni Jairus ang labi ko habang patuloy sa pag-urong sulong sa aking ibabaw. Bumaba ang halik nito sa leeg ko hanggang sa aking dibdib. Hinawakan niya ito at marahang minasahe.
"Ugh..."
"S-Seira, I'm about to cum... Ugh..."
"R-Remove it!" bulalas ko.
Agad siyang tumigil at mabilis na tinanggal ang kaniyang pagkalalake sa akin, ramdam ko ang mainit na likidong tumalsik sa aking p********e at hita.
"Sh*t, hindi ko napigilan. I-I'm sorry," aniya habang hinahabol ang kaniyang hininga.
Napatingin ako sa hita ko na napuno ng puting likido. Napabuntong hininga naman ako, ang importante ay hindi niya naiputok sa loob ko.
"Punasan mo," utos ko.
Hawak niya ang kaniyang pagkalalake habang hingal na hingal.
"W-Wait, nakakapagod."
Napairap ako at kumuha ng tissue. Tinulungan naman ako ni Jairus na punasan ang katawan kong natalsikan ng kaniyang nilabas.
***********************