Chapter 14

1125 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Malapit ma mag-Alas-dose ng madaling araw, may pasok pa bukas pero hindi pa rin ako makatulog. Hinila ko ang kumot ko para matakpan ang katawan ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng unan ko, napabuntong hininga pa ako at binuksan ang aking inbox. Nakita kong may message si Dorothy, binasa ko iyon. As usual, nagbibigay siya ng advice na alam kong tama pero hindi ko kaya gawin. Magta-type na sana ako ng reply pero bigla itong tumawag. Agad ko namang sinagot ang video call niya. "Oh? Gabi na diyan, bakit gising ka pa?" salubong sa akin ni Dorothy. "T*nga, tumawag ka--" "Bugok ka ba? Na-seen mo message ko kaya ako tumawag. Baka kasi hindi mo pa ako reply-an. Feeling famous ka rin, 'no?" aniya at umirap. Nakahiga siya sa kaniyang kama, nakasuot pa ito ng make up. Normal naman sa Amerika ang ganoon, kahit mag-ayos ka sa bahay o magpaganda. "Alam mo namang hindi ako makikinig sa advice mo..." malungkot kong sambit. "May sasabihin ako, baka nandyan si Tita Sonya." "Wala, nasa call center. Ano ba sasabihin mo?" tanong ko. "Tanungin mo nga si Vinalyn, may balak ba siyang iwanan pa si Jairus. Kung oo, umamin ka na--" "Ano bang suggestion 'yan? Nakakaputang*na." Napakamot ako sa ulo ko. "Girl, ikaw na nagsabi, all of his attention is on Vinalyn na. Of course, logic, siya ang girlfriend at girl best friend ka lang," aniya. "Pero, ako yung nakasama ni Jairus sa loob ng sampung taon." "Sira talaga utak mo, Seira. Kahit makasama ka niya ng twenty years, kapag nag-asawa si Jairus, tingin mo isasama ka niya sa bahay nila? Minsan ikaw talaga cause ng stress ko," aniya. Nanikip naman ang dibdib ko, naiisip kong baka gusto na pakasalan ni Jairus si Vinalyn. "Umaasa pa rin ako, baka mabigyan ako ng chance ni Jairus..." bulong ko. "Kailan pa, Seira? Kapag puti na ang uwak? O kapag kinasal na sila?" "Hindi sila ikakasal---" "'Di mo sure, beh. Natanong mo na ba si Jairus kung balak niya pakasalan si Vinalyn?" "Iyan na nga iniisip ko, ang sabi niya noon, perfect na raw. Hindi ba parang ang lalim noon?" ani ko. Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Dorothy. "Girl, my opinion, you should move on. Hindi mag-eeffort ang isang guy kung hindi siya seryoso. Base sa kwento mo, mukhang sure na siya kay Vinalyn. He even celebrate new year's eve with her." "Pati pasko..." "Yeah, you definitely need to move forward and forget him." "Tingin mo ba madali 'yon, Dorothy?" "Madali kapag nasimulan mo, iniisip mo lang na mahirap ang isang bagay at hindi mo kaya dahil iniisip mong hindi nga madali. Pero kapag nasa proseso ka na, maiisip mong kaya mo pala." Naupo ako sa aking kama at tumitig sa bintana ng aking kwarto. Pakiramdam ko ay tutulo na naman ang luha ko. "Ang sakit talaga," bulong ko. "Hanggang kailan mo ba kakayanin tiisin lahat, Seira? Minsan hanga ako sa 'yo, pero minsan ang sarap mo na lang itapon." "Hindi kasi ako kagaya mo, maganda ka, matalino. Ang daming kano na nagkakagusto sa 'yo, marami kang choices." "Marami ka ring choices, Seira. Pero pumili ka na kasi, at si Jairus 'yon." "Tama ka, naniniwala naman ako. Tanga nga ako. Handa ako magpakatanga sa kaniya, umaasa akong balang araw mapapasa-akin din siya." "Dream on, girl." *************** Kinabukasan, matapos kong gumayak ay inabutan ako ni Mama ng pera pambaon ko. Habang nilalagay ko iyon sa wallet ay hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit, Ma?" "Anak, binayaran ko yung sampung libo na utang ng kuya mo. Sa katapusan ko na ibibigay yung pambili ng laptop mo, mangheram ka muna kay Jairus pansamantala." Nanlaki naman ang mga mata ko. Buong akala ko ay talagang wala nang pakialam si Mama kay Kuya, pero heto at nagawa niyang bayaran ang utang ni Kuya. "Huwag niyo po ako alalahanin, ayos lang po ako. Kahit sa susunod na po yung laptop." "Mabuti na nga lang nandyan si Jairus, makakalapit ka sa kaniya kapag may kailangan ka," ani Mama. "Opo." Ngumiti ako. "TITA SONYA!" sabay kaming napalingon ni Mama sa pinto. Nakita ko si Jairus na bagong gupit, para bang tumigil ang mundo ko nang makita ko na naman ang kagwapuhan niya. Nakasuot siya ng uniform namin at sakbit-sakbit ang bag sa kaniyang balikat. "Oh, Jairus. Sinusundo mo na ba si Seira?" "Mano po, Tita. Medyo maaga nga po ngayon si Seira. Nakagayak na agad," tumatawang sabi ni Jairus sabay mano kay Mama. "Diyos ko, ako na nga nahihiya sa 'yo palagi ka naghihintay ng matagal." "Okay lang po, Tita. Worth the wait naman. Nagmumukhang tao si Seira paglabas ng kwarto niya--Aray!" hinampas ko ang kaniyang braso. Wala talagang tigil ang bibig niya kahit si Mama na ang kaharap. Parang tropa niya lang kausapin si Mama. "Aalis na po kami, Ma." "Mag-iingat kayo, matutulog na muna ako." Sabay kami ni Jairus na lumabas ng bahay, pinagbuksan at pinagsara naman niya ako ng gate. Nauna akong naglakad, ramdam ko naman ang kamay niya sa likod ko, akmang aakbay na naman siya. "Bitaw," ani ko. "Oh, bakit?" "Wala lang..." Hindi ko siya tinitignan at nag-focus lamang sa daan. Ilang sandali pa ay hinila niya ang braso ko. "Nagtatampo ka na ba?" Napakunot ang noo ko. "Bakit mo naman nasasabi 'yan? Anong ikakatampo ko? Yung paglihim mo sa akin ng mga gimik mo kasama si Vinalyn?" "Umamin ka rin." Napaiwas ako ng tingin, medyo pasmado rin ang bibig ko minsan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Seira..." Umatras ako. Tinitigan ko siya, bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. Heto na naman siya sa pagbibigay sa akin ng motibo na dapat akong maghintay. "Kaibigan mo 'ko, sabi mo pa na buddies tayo. Hindi ko na maramdaman 'yon, Jairus. Sobrang outcast na ako sa buhay mo." Napayuko siya, mukhang wala siyang balak na magsalita pa. Nalulungkot na naman ako, nararamdaman ko na parang tinutusok ang puso ko kaya agad akong naglakad at iniwanan siyang nakatayo roon. "Manong, trycicle po," ani ko sa driver. Bago ako sumakay ay napatingin ako kay Jairus. Nanatili siyang nakatayo kung saan ko siya iniwanan. Gusto kong bumalik, pero matapos ng mga sinabi ko? Bahala na siya muna diyan. "Yung kasama mo, ine?" ani ng Driver. "Mamaya na 'yan, Manong. Tara na po." Sumakay ako sa trycicle. Nagtama ang mga mata namin ni Jairus bago pa man umandar ang trycicle. Hindi ko maintindihan, pero parang ang lungkot ng mga mata niya. Simula nang maging sila ni Vinalyn, nagbago na lahat sa pagitan namin. Gusto ko malaman kung bakit ang lungkot niya ngayon, pero kailangan ba ako na naman ang magtatanong? Kaibigan niya ako, bakit hindi siya magsabi sa akin? Patuloy niya na lang ba akong sasaktan? ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD