Chapter 13

1296 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Nagising ako nang maramdaman ang mainit na palad sa aking pisngi. Dahan-dahan akong dumilat, nakita ko si Jairus na nakatitig sa aking mukha. "J-Jairus!" ani ko at napa-upo sa gulat. Hindi ko inaasahang makita siya, dito sa loob ng kwarto ko. Nakasarado ang pinto at nakaupo pa siya sa gilid ng kama ko. "T*nginang laway 'yan, tumutulo," aniya at umasim ang mukha. Napahawak ako sa gilid ng labi ko, nakakahiya kung totoo mang tumulo ang laway ko habang tulog. "A-Ano bang ginagawa mo dito? Aga-aga, nanggugulo ka," ani ko at hinila ang kumot. Wala akong suot na bra, kahit ba nakita na niya lahat, baka makita pa kami ni Mama. Pumayag naman si Mama na pumasok si Jairus sa kwarto ko? "Sabi ni Mama puntahan kita, galing ka pala sa bahay kagabi. Hindi ko na nasabi sa 'yo, masyado akong na-excite. Ininvite kasi ako ni Vinalyn, I can't imagine na siya mismo ang mag-aaya kaya sumama agad ako sa bahay nila." Tumayo ako at nagtungo sa drower ko, kinuha ko ang regalo ko kay Jairus. "Kamusta naman sa kanila, masaya ba?" ani ko. "Oo, ang laki ng bahay nila, sobrang dami ring handa. Nabalitaan ko ring pinapamigay nila yung pagkain dahil sobra-sobra. They are kind," aniya. Ngumiti ako at inabot sa kaniya ang regalo ko. Masaya na akong makita na masaya siya sa poder ni Vinalyn, mukhang kahit kailan hindi ko matatapatan ang ligaya na naibibigay ni Vinalyn sa kaniya. "Ano 'to? Nag-abala ka pa. Ang daya, ako hindi ready, wala akong dala para sa 'yo," aniya at kinuha sa kamay ko ang regalo. "Hindi naman ako naghihintay ng kapalit na materyal na bagay, ang dami mo naman nang naibibigay sa akin, libre dito, libre diyan." Pilit akong ngumiti, napaiwas ako ng tingin. Pagmamahal lang naman ang hindi niya maibigay sa akin. Kahit anong gawin ko hindi ko matanggap sa kaniya. "Ang cute naman nito," kumento niya nang mabuksan ang regalo ko. Nakangiti siyang isuot ang bracelet na ginawa ko sabay tingin sa burda ng panyo na ako mismo ang nagtahi. "Pasensya ka na diyan," ani ko. "Luh, parang g*go. Natutuwa nga ako, naalala mo akong bigyan." "Oo, tapos ikaw hindi mo 'ko naalala," ani ko. "T*ngina, guilty na ako. Babawi ako, promise." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ayos lang, sa ganiyan na lang ako bumabawi sa 'yo. Ako gumawa niyan," ani ko. "Oo, magaling ka sa mga DIY. Talented ka kasi, sana all na lang." Napabuntong hininga siya. "Ang talent ko lang kasi ay maging gwapo." Tumayo ako at inirapan siya, totoo namang gwapo siya. "Maghihilamos muna ako, bahala ka na diyan," ani ko. "Huwag na, dito ka na lang tutal maganda ka naman kahit bagong gising." "Kadiri ka walang personal hygiene. Hindi pa nga ako nagmumumog." Tumawa siya. Iniwan ko siya sa aking kwarto at nagtungo ako sa kusina, naghilamos ako sa sink at nagsipilyo. Bumalik ako sa kwarto ko, nahuli kong hawak ni Jairus ang aking cellphone. "Hoy!" sita ko sa kaniya. "Ano? Nagse-selfie lang ako, para may saysay 'tong cellphone mo--" "Anong saysay, pinagsasasabi mo!" "Kailangan nito ng bahid ng kagwapuhan ko," aniya. "Ewan ko sa 'yo, abnormal." Lumapit ako sa closet at kumuha ng bra. Nagulat ako nang makitang nakatayo na sa likod ko si Jairus. "Huwag ka na magganyan, ganda na nga ng view ko," aniya at ngumiti ng nakakaloko. "Jairus naman..." bulong ko. "Joke lang, salamat dito, ah? Gagamitin ko 'to palagi," aniya. Napangiti naman. Worth it naman ang pagod ko sa paggawa noon. Sigurado akong nagustuhan niya at susuotin niya pa. Masaya na ako sa ganoon lang. "Ano nga pa lang plano sa bagong taon? Magpapaputok ka ba?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok. "Anong klaseng paputok ba?" "Bumili ka noon ng kwitis---" na-realize kong kabastusan pala ang naiisip niya. Napabuntong hininga ako at sinamaan ko siya ng tingin. "Biro lang. Baka kasi hindi ako dito magbagong taon." Nawala ang saya ko, napayuko naman ako. Alam ko na agad ang dahilan. "G-Ganoon ba? Bibili sana ako ng luces, hindi ba palagi tayo nagga-ganoon, taon-taon..." malungkot kong bulong. "Kaya nga, baka hindi muna ako maki-luces sa 'yo. Sabi kasi ng Mama ni Vinalyn pumunta ako sa kanila ng bagong taon at marami daw silang bibilhin na fountain na paputok." Napatango ako at pilit na ngumiti sa kaniya. "Ayos 'yan, enjoy ka doon." "Salamat, ah! Sa susunod na lang tayo mag-luces." "Oo, madami pa namang next time." Nang tuluyan kong maisuot ang bra ko ay napatingin ako sa wall clock. Malapit na pala mag-lunch, kailangan ko na magluto ng ulam namin ni Mama. "Jairus, magluluto muna ako. Baka magising na si Mama," ani ko. Akmang lalabas na ako ng kwarto pero hinila ni Jairus ang kamay ko. Paglingon ko sa kaniya ay mabilis na dumampi ang kaniyang labi sa akin. "J-Jairus..." Ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ko, hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. "Na-miss lang kita. Mauna na ako, ha? May laro kami nila Raiko, tatalunin ko lang sila sa Mobile Legends," aniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko bago ako pakawalan. Napatulala ako sa kaniya. Pinanood ko siyang lumabas ng aming bahay. May mga oras na pakiramdam ko may pag-asa ako dahil sa kinikilos niya, na baka mahal niya rin ako. Pero minsan isinasampal niya rin sa akin na kaibigan niya lang ako. "He's always giving me mixed signals..." ****************** Sumapit ang bagong taon, lahat ng mga kapitbahay namin ay busy sa pagpapaputok. Hinihintay ko nga na dumating ang baranggay officials para sitahin ang ilang kapitbahay namin na nagpapaputok ng ilegal na fireworks. Nagkakagulo naman ang mga bata at nagpapa-ingay gamit ang torotot. Nakaupo lang ako sa sala at hawak ang cellphone ko, tumitingin lang ako sa social media accounts ko. Wala akong gana mag-celebrate ng bagong taon. Hindi ko naman kasama si Jairus. "Seira, hindi ka ba maglu-luces? Ang dami kong binili, oh! Gamitin na ninyo ni Jairus." Nakita ko ang hawak ni Mama, isang plastik at kumpol-kumpol na luces. Sobrang dami, tapos ako lang ang uubos? "Ma, wala po si Jairus. Nasa girlfriend niya, hindi ko kaya ubusin lahat ng luces na 'yan," ani ko. "Ganoon ba, makikisindi na lang din ako. Tara na sa labas, limang minuto na lang bagong taon na. Hawakan mo 'tong garapon na puno ng barya tapos ikalog mo, ha?" Lumapit sa akin si Mama at inabot ang garapon. Binitawan ko na ang cellphone ko. Sabay kaming lumabas ni Mama ng bahay, inalog ko ng ilang beses ang garapon hanggang sa biglang sumigaw ang mga kapitbahay namin ng happy new year. Pilit akong ngumiti, habang si Mama ay manghang-mangha sa mga fireworks sa langit. Kumuha ako ng isang luces at sinindihan ito. Tinaas ko ito, gusto ko maging masaya pero nalulungkot ako dahil wala na ang maingay na si Jairus. Noon ay sumisigaw pa siya at nilalapit sa akin ang luces, ganoon siya kakulit. Ngayon ay si Vinalyn at ang pamilya na niya ang pinapasaya ni Jairus. Maibabalik pa kaya namin ang dati naming relasyong magkaibigan, o hindi na talaga kung magkatuluyan sila ni Vinalyn? Ang hirap, hindi ko siya maagaw. Kahit ibigay ko ang sarili ko, parang wala lang sa kaniya. "Anak, ngumiti ka naman. Bagong taon na bagong taon nakasimangot ka," puna sa akin ni Mama. "Hindi po, naiisip ko lang pagsabay-sabayin yung mga luces," alibay ko. "Sige, ako rin pasindi. Ubusin natin 'to. Tignan mo ang ganda ng fountain fireworks nila kumareng Jennifer," ani Mama. Nagagawa na ring iwanan ni Jairus ang pamilya niya para mag-celebrate kasama si Vinalyn. Sa loob ng sampung bagong taon na kami ang magkasama, kailan man hindi ko naisip na magkakaroon ito ng hangganan. Hindi ko matanggap at masakit sa akin na ganoon lang ay wala na si Jairus sa tabi ko. ***********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD