Seira Anthonette's P. O. V.
Kasama ko ang mga kaklase ko dito sa library, sabay-sabay kaming nagsauli ng libro na ginamit namin. Lahat kami ay pagod na pagod sa pag-aaral pero worth it naman dahil maganda ang grado na nakuha namin kanina lang.
"Kailan ba Christmas break natin?" tanong ni Sandra.
Lumabas kami ng library.
"Mag-eexam pa tayo, bago mag-break," sabat ni Jayve.
"P*ta, kailan ba matatapos 'to?" inis na sambit ni Emman.
Sabay-sabay kaming napabuntong hininga habang naglalakad patungo sa aming building.
"Last year na 'to, malapit na tayo gumraduate," ani Shiela.
"Ang tanong ga-graduate ba?" ani Lyn.
"Huwag kayo maging negative. Kayang-kaya natin 'to, walang maiiwan," ani ko.
"Tama, manalig tayo kay Seira," pabirong sabi ni Ezreal.
Natawa naman kami at nang tuluyan kaming makarating sa building namin ay nakasalubong namin si Jairus na nagmamadali pababa ng hagdanan.
"Seira!" sigaw ni Jairus.
Halos mapalingon ang lahat ng estudyante sa lakas ng boses ni Jairus.
"Yung boyfriend mo, hanap ka na," pang-aasar ni Shiela.
"Ano ka ba? Kaibigan ko lang nga si Jairus, ang kukulit niyo!" ani ko.
Lumapit si Jairus at hinawakan ang braso ko.
"Mga k*pal, inaasar niyo na naman buddy ko," pagtatanggol ni Jairus sa akin.
Inirapan ko sila Shiela at tuluyan na akong hinila ni Jairus patungo sa gilid ng hagdanan habang ang mga kaklase ko ay nauna nang pumatik sa building namin.
"Ano problema?" tanong ko.
"Tulungan mo 'ko, mamaya."
"Saan?"
"Isip ka na ngayon pa lang, ano pwede i-regalo kay Vinalyn. Yung mga tipo niyong babae---"
"Girlfriend mo 'yon, ba't hindi mo alam gusto niya?" bulong ko at nag-iwas ng tingin.
Pati ba naman sa ganoon, sa akin niya pa iaasa. Ano pa bang gusto niyang sakit na maramdaman ko?
"Buddy naman, syempre babae ka. Girls are girls."
"Para saan ba kasi?" irita kong tanong.
"Sa isang araw kasi, monthsary na namin. Plano ko kasi siyang i-surprise, kaya tulungan mo 'ko, ha?" nakangiti niyang sambit.
"Oo na, ano pa nga ba?"
"Syempre hindi mo 'ko matatanggihan, 'di ba, buddy?" Inakbayan niya ako at tinaas-baba ang kilay niya.
Napairap ako sa kaniya at siniko ito. Masyado na siyang nagiging close sa katawan ko, baka kung ano pang maramdaman ko.
"Papasok na ako, balitaan na lang kita kapag may naisip akong iregalo." Lumayo ako sa kaniya.
"Salamat, buddy," aniya at sumunod sa akin nang maglakad ako paakyat ng hagdan.
"You're welcome."
*****************
Pagsapit ng uwian. Nakita ko si Jairus sa pinto ng classroom namin. Inayos ko ang aking bag.
"Yung boyfriend mo, sinusundo ka na," ani Shiela.
"Kanina ka pa, namumuro ka na. Gaga ka." Akmang babatuhin ko siya ng hawak kong notebook.
"Talaga namang bagay kayo, kaso may girlfriend na si Jairus," ani Yumi.
"Mga g*gong 'to, huwag niyo na nga asarin si Seira. Parang magkadugo na kami niyan. Mga bugok," pagtatanggol sa akin ni Jairus.
Lumapit siya sa upuan ko at inagaw sa akin ang bag ko. Napatulala ako nang isakbit niya ang bag ko sa kaniyang balikat, hindi niya ito madalas gawin.
"Sana all may tagabitbit ng bag," kinikilig na sabi ni Shiela.
"Isa pang asar, sasapakin na kita," pagbabanta ko.
Hinila na ni Jairus ang braso ko. Nagulat ako nang maramdaman ang kamay niya sa aking beywang habang naglalakad kami patungo ng hagdanan. Parang ayoko nang umalis sa ganitong posisyon, para bang pinoprotektahan niya ako.
"Baka makita tayo nila Vinalyn, kung ano pang isipin," ani ko.
Kahit labag sa loob ko ay tinanggal ko ang kaniyang kamay sa aking beywang. Tinignan niya ako na para bang nagtataka ito.
"Alam naman niya na magkaibigan tayo. Kita mo nung nag-milktea tayo, komportable siya."
Tumango na lang ako. Hindi man lang niya napansin na ako ang hindi komportable. Mas kilala niya ba si Vinalyn na isang taon mahigit niya pa lang nakakasama, kaysa sa akin na sampung taon niyang kasama? Bakit pakiramdam ko mas pinagtutuunan niya ng pansin si Vinalyn, kailan ko ba mararamdaman na interesado siya sa akin?
"Exam na ba next week?" tanong niya nang makarating kami sa labas ng campus.
"Oo, tapos Christmas break na," sagot ko.
"Bibili na din pala ako ng Christmas gift, ano na ba naisip mong iregalo ko?"
"Napansin ko sa kaniya, mahilig siya sa accessories. Nagsusuot din siya ng iba't ibang dresses. Isa pa, magagamit niya yung pampaganda like make up," ani ko.
"Perfect, ang galing mo talaga---"
"Seira!"
Napatigil kami nang may boses ng lalake na tumawag sa akin. Sabay kaming napalingon ni Jairus. Nakita ko ang isang college student din. Lumapit ito sa amin.
"Ano 'yon, pre? Kilala mo ba 'to, Seira?"
Umiling ako.
"Ah, engineering department kami. Sabi ni Raiko, single ka raw. Baka pwede mahingi yung number mo? Is there a chance that we can get to know each other?" tanong ng lalake.
Ang yabang ng pagkakasalita niya, hindi ko na agad siya tipo. May itsura nga siya pero parang ang sama ng ugali niya, unang impression ko pa lang.
"Bawal ligawan 'to."
Napakunot ang noo ko kay Jairus. Bakit naman kapag ako bawal may manligaw pero kapag siya sinusuportahan ko naman?
"Ano ka ba? Tinatakot mo yung tao," ani ko kay Jairus.
"Huh? Trip mo ba siya?" tanong ni Jairus.
Tinignan ko ang lalake na hawak ang kaniyang cellphone mukhang umaasa siyang ibibigay ko ang number ko.
"Actually, okay ka naman pero hindi ko kasi bet magkaroon ng boyfriend ngayon," ani ko.
"Bakit?" tanong niya pa.
"Ayaw nga raw, pare. Umalis ka na lang," ani Jairus sabay hila sa akin papunta sa likod niya. "Huwag mo na siya guguluhin ulit."
"Oo, pare. Madali akong kausap," ani ng lalake at binulsa ang kaniyang cellphone.
Kinurot ko naman si Jairus sa kaniyang braso, masyado niyang inaangasan ang lalakeng 'yon. Mukhang natakot pa kay Jairus.
"Mga siraulo, bakit ka naman nila nireto sa g*gong 'yon?" bulong ni Jairus.
"Concern lang sila Raiko, wala kasi akong boyfriend," ani ko.
Tumingin sa akin si Jairus.
"Bakit, gusto mo ba mag-boyfriend?"
"Oh, bakit muna ayaw mo pumayag na ligawan nila ako?"
Nag-iwas siya ng tingin. Gusto kong malaman ang tunay na nararamdaman niya, umaasa ako na baka sakali ay mayroong katiting na pagmamahal siya para sa akin.
"Mahirap humanap ng matinong lalake, baka saktan ka lang nila."
Napayuko ako, tila ba ayaw niya ako masaktan pero wala siyang kaalam-alam na siya mismo ang nananakit sa akin.
"Tara na, bumili na tayo sa Mall. Mag-trycicle na lang tayo--"
"Hindi ba magagalit si Vinalyn, ako lang kasama mo?" tanong ko.
"Hindi, ang sabi ko sa kaniya pupunta ako sa court at magbabasketball. Pumayag naman siya, kaya tara na."
*******************
Dumating ang araw ng monthsary nila Jairus at Vinalyn, pakiramdam ko ay gusto ko na lang maglaho. Nasasaktan akong makita si Jairus na mabaliw kay Vinalyn, habang ako ay narito at nagluluksa.
Hawak ni Jairus ang dalawang ticket para sa sinehan, makikipag-date daw siya kay Vinalyn mamaya. Tinulungan ko siyang i-set up ang garden nila na mayroong banner na happy first monthsary. Ako pa ang inutusan ni Jairus na bumili ng bulaklak, hindi naman ako nakakatanggi.
Sana pagkatapos ng surprise na ito ay hindi sila dumiretso sa kwarto. Natatakot akong baka gawin din nila ang ginagawa namin ni Jairus. Imposibleng hindi sila magtalik tutal official na silang mag-boyfriend at girlfriend. Baka bumigay si Vinalyn, baka makipag-s*x siya at hindi panindigan ang sinabi niya noon na gusto niya munang ikasal sila.
"Huy, Seira. Kanina ka pa nakatulala diyan, hindi ba maganda yung set-up?" ani Jairus.
"Ha? Ano ka ba! Ang ganda-ganda nga. Na-imagine ko lang magiging reaksyon ni Vinalyn," pagsisinungaling ko at ngumiti sa kaniya.
"Matutuwa kaya siya?"
Tumango ako. Pinulot ko ang mga gupit-gupit na papel, plastik at iba pang kalat para itapon.
"Ayos na ba yung suot ko? Mukha bang pang-date?" tanong niya.
"Oo, bagay sa 'yo. Ang gwapo mo," ani ko.
"Salamat, Seira. Balitaan na lang kita, ha? Susunduin ko na si Vinalyn."
Ngumiti ako. Kahit pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko.
"Sige, mag-iingat ka, ha? Uuwi na rin ako sa amin," ani ko.
Naglakad na ako. Habang siya ay pasakay sa kanilang kotse. Lumapit ako sa gate.
"Ako nang magsasarado ng gate, dumiretso ka na kala Vinalyn. Ingat ka!" ani ko at kumaway.
"The best ka talaga, Seira!" sigaw niya mula sa kotse.
Pinanood ko siyang magmaneho palabas. Sana lang ay ligtas siya palagi, wala pa namang lisensya ang bugok na 'yon. On process pa lang daw.
Nang maisarado ko ang gate nila ay napabuntong hininga ako. Wala akong gana na bumalik ng bahay namin, habang si Mama ay tulog. Nahiga ako sa aking kama saka kinuha ang cellphone ko.
Nang i-check ko ang cellphone ko ay mayroon pala akong missed calls kay Dorothy. Tinawagan ko siya.
"Hoy, nasaan ka na naman ba at hindi ka sumasagot?" salubong niya sa akin mula sa kabilang linya.
"Tinulungan ko si Jairus."
"Sa monthsary nila? Ngayon ba 'yon?"
"Oo."
"Ayan ka na naman, kahit kailan hindi ka nakinig sa akin. Huwag ka iinda na iiyak ka na naman dahil kay Jairus dahil ilang beses na kita sinabihan."
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Dorothy.
"Dorothy, hindi mo naiintindihan, wala ka kasi sa posisyon ko. Hindi madali bitawan 'to. Malalim na yung nararamdaman ko sa kaniya---"
"To the point na lunod na lunod ka na. Hindi ka na makaahon? Don't you think it's enough? You gave your all. You forgot to love yourself, Seira."
Napatahimik ako sa sinabi niya. Pumikit ako ng mariin, ayokong umiyak. Hindi na, ginusto ko 'to kaya papanindigan ko.
"I'm always here, Seira. Pero sana naisip mong nag-aalala din ako sa 'yo."
"Salamat, Dorothy. Pero hindi ko matatanggap yung advice mo."
"Alam ko naman, tanga ka kasi."
Totoo naman ang sinabi niya.
"Tanga na kung tanga, I know this is love. Umaasa akong maipapanalo ko 'to." Hinila ko ang unan sa tabi ko at niyakap ito.
"Hanggang kailan ka aasa, Seira?"
"Hanggang mamatay ako."
"Baliw ka na," natatawa niyang sabi.
Bigla namang sumakit ang puson ko kaya napaupo ako. Tumingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa aking pader.
"Sh*t, mens day ko pala ngayon," bulong ko.
"Ha? Anong sabi mo?" ani Dorothy.
"Bye muna, magbabanyo lang ako," ani ko.
"Sige, goodbye tanga."
Agad niyang pinatay ang call. Napangiwi naman ako sa tinawag niya sa akin, totoo naman pero medyo masakit talaga pakinggan.
************
Maghapon akong nakahiga sa kama, paiba-iba ako ng posisyon dahil hindi ako mapakali sa sakit ng puson ko.
"Seira, aalis na ako. May hot compress sa kusina kuhanin mo na lang inihanda ko na," ani Mama.
Napatingin ako sa pinto, nakatayo roon si Mama at nakasuot na ng uniporme niya. Handa na siyang umalis.
"Salamat po, Ma. Ingat po," ani ko.
Tumango siya at sinarado ang pinto ng kwarto ko. Pumikit ako at piniga ang aking puson. Hindi ako mapakali sa sobrang sakit, ito ang pinaka-ayoko sa lahat.
Akmang tatayo na ako pero bumukas ang pinto, hindi ko inaasahang makita si Jairus. Nakangiti niya akong sinalubong. Pero unti-unti ring naglaho ang ngiti niya nang makita niya akong nakadapa sa kama.
"Oh, anong nangyare sa 'yo?" tanong niya.
"Masakit puson ko, kuhanin mo nga yung hot compress sa kusina," utos ko.
Agad siyang sumunod. Mukhang galing siya sa date dahil nakasuot pa siya ng damit na suot niya bago siya umalis kaninang umaga. Pagbalik niya sa kwarto ko dala na niya ang hot compress. Umupo ako sa kama ko at sumandal sa pader. Nilagay ni Jairus ang hot compress sa puson ko.
"May gusto ka ba? Are you craving for something?"
"Wala."
Napatitig ako sa kaniya. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, kakagaling niya lang kay Vinalyn. Why does I feel na he really cares for me, but kaibigan lang talaga 'yon para sa kaniya?
"Okay na ako, salamat. Kamusta naman yung date niyo?" tanong ko.
"Successful, salamat sa mga suggestions mo!"
Nagulat ako nang yakapin niya ang ulo ko. Naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Humiwalay siya at tumayo. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay.
"She said she feels lucky to have me! G*go, para akong tanga kanina kinikilig ako. Sabi ko nga din, I feel so luck to be your boyfriend! Sh*t, napaka-sweet."
Ngumiti ako ng pilit. Napansin niya atang hindi ako makangiti ng maayos sa sakit ng puson ko.
"Gusto mo na bang magpahinga? Pwede ko namang bukas na ikuwento, mukhang hirap na hirap ka sa puson mo," aniya.
"Oo, bukas na lang. Gabi na rin, magpahinga ka na."
"Sige! Salamat talaga, ikaw talaga ang the best buddy ko." Itinaas niya ang kaniyang pinky finger.
Nilapit ko ang pinky finger ko sa kaniya at pinalupot iyon sa kaniyang daliri. Kita ko naman ang ngiti sa kaniyang labi.
Saan ba siya masaya, sa pagiging the best ko? O dahil naging successful lahat ng sinabi ko?
******************