Chapter 10

1824 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Lumipas ang ilang linggo. "Ang saya kaya, feeling ko perfect na perfect na lahat," ani Jairus habang naglalakad kami sa kalsada patungo sa kanto kung saan sakayan ng trycicle. "Hhhmmm, baka feeling mo lang. Hindi ko nga alam paano nagkagusto sa 'yo si Vinalyn," natatawa kong sabi para maitago ko ang sakit na nararamdaman ko. Nagulat naman ako nang akbayan niya akong muli. Napatigil kami sa paglalakad. "Ikaw, kapag dumating yung araw na nagkaroon ka ng boyfriend. Kasama rin dapat ako. You witnessed my love life so, I should witness yours too," aniya habang nakatitig sa mga mata ko. "A-Ano ka ba!? Busy ako, wala pa akong balak mag-boyfriend," ani ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Nauna akong naglakad, pero hinabol niya ako. Ayoko nang maramdaman na may pag-asa ako sa kaniya dahil alam kong wala na talaga, ngayon pang settled si Vinalyn sa pamilya ni Jairus. "Bakit, lagi ka nga nagpapaganda kaya para kanino 'yon?" mapang-asar niyang tanong. "Para sa sarili ko, okay? Gusto ko maging maganda, maging pormal sa paningin ng lahat ng tao sa mundo. Okay na?" ani ko. "Sasakay kayo?" ani ng trycicle driver. Tumango ako at naunang sumakay, tinabihan naman ako ni Jairus. "Bakit nga pala hindi mo sinundo si Vinalyn ngayon?" tanong ko dahil himala na lang na naabutan ko siyang nakahiga sa sofa namin kanina habang gumagayak ako. "Maaga siyang pumasok, may kailangan daw siyang asikasuhin kasama ang groupmates niya. Sabi naman ni Mama, hahanap daw siya ng hired driver, pero sabi ko ayoko. Ikuha na lang nila ako ng lisensya. Twenty-three na ako, wala pa akong license." "Kawawa ka naman," tangi kong nasabi. Tumawa ito at ipinatong ang kaniyang palad sa hita ko. Napatingin naman ako sa kaniya. "Mamaya, milktea tayo." Napakunot ang noo ko, bihirang mag-aya si Jairus. Himala na aayain niya akong mag-milktea. "Libre mo?" tanong ko. "Oo, alam mo ba? 1k na bigay sa akin na baon, I really don't know the status of our company, pero feeling ko milyonaryo na sila Daddy," aniya. "Hindi ba factory ang mayroon kayo noon, tapos na-bankrupt?" "Oo, yung tinayo ng lolo ko. Lumago tapos nawala, si Papa naman hindi nakatapos ng pag-aaral, nabuo ako. Shooter si Papa," aniya at tumawa. "Baliw ka talaga..." "So, ayon na nga, ang pagkakaalam ko. Toy factory ang pinalago ni Papa ngayon. Yung nga collective toys, tapos mga pambata," aniya. "Anak ka, tapos wala kang alam sa ganoon? Hindi ka sure sa business niyo?" tanong ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Alam mo namang wala akong masyadong pakealaman do'n. Gusto ko lang mag-enjoy sa buhay, tapos maging masaya. Ayoko ng pressure, pero parang iyon na yung binibigay nila, since sabi nga inherited ko lahat. Babagsak sa akin ang mga responsibility na sa tingin ko hindi ko kaya i-handle." "Kaya mo 'yon, ikaw pa ba?" ani ko at hinawakan ang kamay niya. "Nandito na tayo," bulong niya. Tinanggal niya ang kamay ko at naglabas ng kaniyang pitaka. Napayuko naman ako, kahit ano atang gawin ko hindi niya mapapansin na gusto ko siya. Nagbayad si Jairus ng pamasahe namin. Sabay kaming naglakad papasok ng campus. Dala ko ang aking libro ng accounting, habang papunta kami sa building ay nakasalubong namin si Sammy. "Girl!" sigaw niya. "Napaano ka?" "Uutang sana ako, naiwan ko yung pera ko sa bahay. Walang extra money si Gil at Raiko. Medyo tanga lang ako, naiwan ko wallet. So, sino sa inyo may extra money?" ani Sammy. "Itabi niyo, ako na," mayabang na sabi ni Jairus at nilabas ang wallet niya. "Naks, ang yaman mo naman," ani Sammy. "Successful business nila, kaya ganiyan," ani ko. "Wow, sana all, congratulations. Three-hundred lang, lods. Salamat, ha? Balik ko 'to bukas," ani Sammy. "Walang interest 'yan, ito na rin yung para sa lunch mamaya kapag binili mo kami ni Seira," ani Jairus at naglabas pa ng pera. "Huh? Bakit pati lunch ko?" tanong ko. "Libre kita," nakangiti niyang sambit. "Hiyang-hiya naman kami, kailan mo ba kami balak ilibre, Jairus?" prangkang sabi ni Sammy. "Kakalibre ko lang nung nag-bar tayo, mga g*go na 'to, abuso!" reklamo niya. Inirapan siya ni Sammy. Kumaway ito sa akin at naglakad na palayo. Nauna naman akong maglakad paakyat ng hagdanan. *********************** Natapos ang maghapon. Excited akong mag-uwian dahil inaya ako ni Jairus na mag-milktea kami, gusto ko siyang makasama. Feeling ko tuloy mayroon kaming date. "Seira, nandyan yung buddy mo," ani Joyce. Napatigil ako sa paglalagay ng libro sa aking bag at napatingin sa pinto, nakita ko si Jairus na sakbit ang bag niya na nasa kaniyang likuran. Nakangiti ito sa akin. "Tara na!" aniya. Napangiti ako. Dali-dali kong binuhat ang bag ko at ilang hard copy ng lecture. "Dadalhin ko muna 'to sa locker," ani ko. Bigla naman niyang kinuha ang mga dala kong papel. Sabay kaming naglakad patungo sa locker area. Nang mailagay ko doon ang gamit ko ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon. Nakita ko ang message sa akin ni Kuya. Nawala ang ngiti ko nang mabasa ang message niya. {Seira, sorry talaga. Baka may naitabi ka pang pera diyan kailangan lang talaga. Pang gatas lang ni bunso, walang-wala na kasi ako ngayon} "Tsk, tsk. Akala ko ba sabi ni Tita Sonya huwag ka na kumuha ng contact sa kuya mo?" Napatingin ako kay Jairus na nakikibasa sa aking cellphone. Napabuntong hininga naman ako. Kahit na ganoon ang trato ni Mama at napariwara si Kuya, hindi pa rin mawala ang awa na nararamdaman ko sa kaniya. "Gusto ko makatulong kay Kuya," ani ko. "Saan ka naman kukuha ng pera?" "Baka pwede umutang sa 'yo? Huwag mo na ako ilibre sa milktea---" "Kapag nalaman ni Tita Sonya, baka pati sa akin magalit 'yon. Sasabihin pa niya kinukunsinti kita," aniya at sumandal sa locker. Hindi ko siya pinansin at nag-reply kay Kuya. {Kita po tayo sa kanto namin, mga 7 pm para madilim na} Napatingin ako kay Jairus na masama ang tingin sa akin. "Ibibigay ko na lang allowance ko," bulong ko. "Tsk, huwag na. Masyado ka kasing mabait, inuubos mo yung sa 'yo para ibigay sa ibang tao." Napatitig ako sa kaniya. Sana naisip niyang inuubos ko rin ang sarili ko para sa kaniya. Pinanood ko naman siyang ilabas ang kaniyang wallet. Nag-abot siya sa akin ng limang daan. "Huwag na, baka maubos allowance mo--" "Isa, ito na ibigay mo. Basta kapag pinagalitan ka, labas na ako." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Nilagay niya sa palad ko ang limang daan. Kahit papaano ay may pakialam naman siya sa akin. "Salamat, babayaran ko--" "Buddy." Inakbayan niya ako. "Magkaibigan tayo, huwag mo na isipin yung bayad-bayad. Sapat na sa akin yung maging tunay kang kaibigan, yung maaasahan." Napatitig ako sa kaniya, dumapo ang mga tingin ko sa kaniyang mapulang labi. Naalala ko naman ang mga malalaswang nagawa namin, agad akong lumayo. "Oo na, tara na. Makikipagkita pa ako kay Kuya mamaya," ani ko. Magkasabay kaming naglakad papunta sa labas ng campus at sumakay muli sa trycicle. **************** Pagdating namin sa Milktea shop ay kinikilig pa ako. Pakiramdam ko nagde-date kami. Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin at naging sweet siya. "Ano sa 'yo?" tanong niya at napatingin kami sa menu na nasa itaas ng cashier. "Yung pinakamahal," biro ko. "T*ngina nito, lagi na nga kita nililibre!" reklamo niya. Natawa ako sa reaksyon niya kaya napahampas ako sa balikat nito. "Joke lang naman, kahit ano na lang diyan," ani ko. "Oreo, masarap," aniya. "Sige 'yon. Hanap tayo table natin," ani ko at tumingin sa paligid. Madaming customers. "Doon tayo," ani Jairus sabay turo sa dulo kung saan 4 seats at katabi ay glass window. "Tara," ani ko. Akmang uupo ako pero hinila pa ni Jairus ang upuan. Minsan niya lang ito gawin, and I feel butterflies in my stomach. Nag-vibrate ang cellphone ni Jairus kaya nilabas niya ito mula sa kaniyang bag. Umaliwalas ang mukha niya nang tignan ang kaniyang cellphone. "Hello, Babe!" aniya. Napayuko ako, si Vinalyn pala 'yon kaya sumaya yung awra niya. Lumakad pa si Jairus palabas ng milktea shop, napatingin ako sa kaniya habang kausap niya si Vinalyn sa cellphone. Ilang sandali lang ay bumalik na rin ito, nakangiti siyang lumapit sa akin. "Hintayin natin si Vinalyn," aniya at naupo sa harapan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko, ang inaakala kong date namin ay magiging date pala nila. "B-Bakit? Akala ko tayo lang," ani ko. "Tapos na daw siya sa gawain niya, tinanong ko kung gusto niya sumama sa atin. Pumayag naman, she's on the way." Tumango ako, pakunwaring tinignan ko ang flyer ng milktea shop na nasa table. Kahit sa totoo lang ay nalulungkot na naman ako. "Ayan na siya!" ani Jairus. Agad na lumabas si Jairus para salubungin si Vinalyn. Hinawakan ni Vinalyn ang kamay ni Jairus habang papasok sa loob ng milktea shop. Nang makita ako ni Vinalyn ay kumaway ito sa akin. "Nag-order na ba kayo, Babe?" tanong ni Vinalyn sabay hawa sa braso ni Jairus. "Hindi pa, hinihintay ka namin." "Order na tayo." Pinanood ko silang pumunta sa cashier at nag-order. Kinuha ko ang cellphone ko para malibang ang sarili ko. Binasa ko ang messages ni Dorothy sa akin. {Huwag ka nang tanga, ayan ka na naman} {Mag-confess ka na kasi. Okay lang 'yan para ma-reject ka na. Mag-move on ka na, inday!} Napabuntong hininga ako at nag-reply sa kaniya. {Gaga, ayoko nga mawala siya. Hindi ko kaya masira yung pagkakaibigan naming dalawa} Bumalik sina Jairus dala ang order naming milktea. Binigay ni Jairus sa akin ang milktea at straw. Akmang bubuksan ko ang straw na naka-plastik pa, nang makitang pinagbuksan pa ni Jairus si Vinalyn at siya pa ang tumusok nito. Pakiramdam ko masyado niyang inaalagaan si Vinalyn, may mga bagay naman na kaya nang gawin ni Vinalyn, maarte lang talaga. "Babe, bukas nga pala dadalaw kami nila Daddy kay Lola, do you want to come with me? Para makilala mo sila," ani Vinalyn. I feel outcast. "Sige, Babe. Anong oras ba?" "Lunch." "Free ako bukas." "Seira, can you take us a photo while drinking?" tanong ni Vinalyn at nilabas ang mamahalin niyang cellphone. "S-Sige ba!" pilit kong sabi. Kinuha ko ang cellphone niya at tinapat sa kanila. Parang nadudurog ang puso ko habang tinitignan ang ngiti ng dalawa sa camera. Ilang pindot ang ginawa ko, pakiramdam ko gusto ko na lang maiyak. Perpekto, bagay na bagay sila. "Thank you!" ani Vinalyn at kinuha sa akin ang cellphone niya. "And, Babe. I need to sleep early, look oh. Nagkakaroon ako ng acne," maarteng sabi niya. "Wala nang late night calls?" ani Jairus. "Wala muna, I need beauty rest, magkakasama naman tayo tomorrow." Ininom ko ang milktea na binili ni Jairus. Nagmukha lang naman akong third wheel. Gusto ko na lang umuwi, hindi ko na sila kayang makasama. Durog na durog na ako, pero wala akong magawa kundi ang ngumiti. Pakikisama sa kanila, dahil kaibigan ko si Jairus, at mahal ko siya. *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD