Chapter 9

1329 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Tumulong ako sa paglalagay ng pizza sa lamesa. Naglabas ako ng soft drinks saka naglagay sa pitsel since wala silang maid dito, ako ang tumutulong kala Jairus. "Wait! Nandito na raw si Vinalyn. Sunduin ko lang sa labas," ani Jairus at kumaripas ng takbo. Nabitawan niya pa ang mga basong ilalabas niya. Kinuha ko ang mga iyon mula sa lababo at nilagay sa lamesa. "Kilala mo ba yung girlfriend ni Jairus?" tanong ni Tita at naupo sa hapag. "O-Opo, pero hindi ko siya kaklase, hindi rin po kaklase ni Jairus dahil magkaiba sila ng room, pero pareho po silang entrepreneurship ang course," ani ko. "Ikaw, Accountancy ka, 'no?" ani Tito. "Opo." Bigla namang bumukas ang main door. Nakita ko si Jairus na nakaakbay pa kay Vinalyn habang papasok sila dito sa loob ng bahay. Napaiwas ako ng tingin, ngayon hindi lang ako ang inaakbayan ni Jairus kundi ang girlfriend na niya. "Good afternoon po, Tita, Tito!" masiglang bati ni Vinalyn. Nanatili akong nakatayo sa dulo ng hapag habang pinapanood ko si Vinalyn na makipag-beso kala Tita Jennifer at Tito Jeffrey. Napakaganda niya, mayroon siyang kulay blue na headband, kumikinang ang kwintas at hikaw niya. Kitang-kita naman ang kurba ng katawan niya sa light blue niyang dress. "What a gorgeous lady, your name, iha?" ani Tita Jennifer. "Vinalyn po." "Vinalyn, take a seat. Mag-meryanda tayo habang nagkukwentohan," ani Tito. Naupo si Vinalyn. Napansin niya naman ako at ngumiti pa siya sa akin. Naupo ako sa dulo ng hapag, tumabi sa akin si Jairus habang katabi niya naman si Vinalyn sa kabilang gilid niya. Sa tapat namin nakaupo ang mag-asawa. Mukhang pati loob ng magulang ni Jairus ay agad na nakuha ni Vinalyn, paano naman ako? "What's your surname, Vinalyn?" "Vinalyn Mae Gutierrez." "What's your parents works?" "Seaman po si Dad, mayroon namang beauty salon si Mommy," aniya. Kinuha ko ang pizza at kinagat ito. Dito ko na lang binaling ang atensyon ko, hindi ko na kaya makita at marinig si Vinalyn, mas lalo ang nanliliit dahil sa mga sinasabi niya. "Seaman, Honey. Hindi ba iyon yung first dream mo?" ani Tita. "Oo nga, pinangarap ko mag-seaman. But I am happy to be a business man now." "Ako rin magiging business man, soon," mayabang na sabi ni Jairus. "Mabuti 'yan, Jairus. Mag-aral ka ng mabuti. Palagi ka magpapatulong kay Seira." Napatingin ako kay Tita. "Actually, Ma. Si Seira din yung tumulong sa akin at nag-encourage na ligawan ko si Vinalyn." Ngumiti sa akin si Jairus, iyon ang pinagsisisihan ko. Sana hindi ko na lang siya sinuportahan, sa takot kong baka mawalan ako ng pakinabang sa kaniya at isipin niyang hindi ako tunay na kaibigan. "Ito talagang si Seira, nakakatuwa ka naman talaga," ani Tita. Ngumiti ako. "I am really thankful nga po kay Seira, she's a really sweet friend of Jairus. I know po na they are childhood friends," tumingin sa akin si Vinalyn. "O-Oo," awkward kong sabi. "Syempre naman, best friend ko talaga 'to," ani Jairus at nagawa pang kurutin ang pisngi ko sa harapan nila. "Honestly, I really like Jairus at first. When he started courting me. Sadyang hindi pa lang goods sa parents ko noon ang boyfriend, I thought he will give up na po pero hindi tumigil si Jairus. He's so consistent that's why I love him," ani Vinalyn. Nakita kong hinawakan ni Vinalyn ang kamay ni Jairus. "Napaka-sweet niyo namang love birds. Naaalala ko tuloy, ganiyan din tayo noong kabataan natin. Your father is also consistent, that made me fall in love with him." Hinawakan pa ni Tita ang braso ni Tito. "Anak, alam mo na kung kanino ka nagmana!" ani Tito. "Syempre, walang iba kundi sa 'yo!" Natawa kami sa mag-ama. Nagpatuloy sila sa pagkain. Hanggang sa mag-open up na naman ng ibang kwento si Vinalyn, tungkol naman sa kaniyang pag-aaral. "I also won in regional po, I really love public speaking..." kwento ni Vinalyn. Sinagi ko ang braso ni Jairus para makuha ko ang atensyon niya, ayoko na dito at gusto ko nang makaalis. "Oh?" tanong nito. "Nababanyo kasi ako, pwede bang umuwi muna ako?" tanong ko. "Bakit, natatae ka?" Napahampas ako sa braso ni Jairus nang mapalakas ang boses niya. Napahinto si Vinalyn sa pagkukwento at napatingin sa akin sina Tito at Tita. Ano ba namang kahihiyan ito? "Baliw ka ba?" bulong ko kay Jairus at kinurot ang tagiliran niya. "Aray!" "Seira, kung nababanyo ka, pwede mo naman gamitin yung banyo diyaan sa kabilang kusina," ani Tita. "Naku, nakakahiya po---" "Sige na, iha. Kami-kami lang naman 'to. Bumalik ka agad, marami pang kwento itong si Vinalyn," ani Tito. Wala akong nagawa. Gusto ko na makaalis sa hapagkainan na ito. Tumayo ako at yumuko, sabay lakad patungo sa likuran kung saan ang dirty kitchen na mayroong banyo. Ni-lock ko ang pinto ng CR at naupo sa nakasaradong bowl. Napabuntong hininga ako. Narinig ko naman ang malakas na tawa nilang lahat mula sa hapag. Rinig na rinig dito sa banyo sa sobrang lakas. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang palad ko. Gusto ko na lang maiyak sa lungkot, pakiramdam ko kinuha ni Vinalyn lahat sa akin, kahit alam kong wala naman talaga akong matatawag na sa akin. "Gusto ko na umuwi..." bulong ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Baka marinig pa nila ang hikbi ko kaya binuksan ko ang gripo para marinig ang pagbuhos ng tubig. Napatakip ako sa aking mukha at nilabas lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Makalipas ang ilang minuto, naghilamos ako ng mukha at nagpunas saka lumabas ng banyo. Napansin kong tahimik na sila, nakita kong wala na sina Jairus sa hapagkainan pero nagliligpit na si Tita ng Pizza. "Seira, mag-uwi ka ng pizza. Madami pa ito, it will be trash sooner, sayang naman. Uwian mo si Kumareng Sonya," ani Tita. Nilabas niya ang isang malaking box ng pizza. Puno pa ito at hindi nagalaw. "Naku, madami po 'yan..." "Marami pa dito, wala nang kakain niyan. I-uwi mo na," aniya. "Salamat po, Tita!" ani ko. Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa pag-aayos. Lumakad ako patungo sa sala kung nasaan ang main door. Nakita ko si Jairus at Vinalyn na magkatabi sa sofa at nagtatawanan. Nang mapansin nila ako ay napatingin sila sa akin. "Jairus, mauna na ako, dadalhin ko pa 'to sa bahay," ani ko at pinakita ang pizza. "Sige, buddy baka makalimutan mo gift ni Mama," kinuha niya ang paper bag sa lamesa at inabot sa akin, dumikit ang kamay niya sa palad ko "Ingat ka." aniya at tumitig sa mga mata ko. "Bye, Seira!" bati ni Vinalyn. Ngumiti ako at kumaway sa kanila saka bumalik sa bahay. Wala akong ganang pumasok ng aming bahay, binaba ko sa lamesa ang box ng pizza. Sinarado ko ang lahat ng bintana at saka ni-lock ang pinto. Bigla namang lumabas ng banyo si Mama, kakatapos lang niya maligo at nakatapis pa ng twalya. "Oh, bakit nakabusangot ka?" puna niya. "Sumakit lang po tyan ko sa busog, nagpa-uwi pa si Tita Jennifer ng pizza para sa inyo," ani ko. "Aba! Ang bait talaga ng kumare ko," ani Mama at lumapit sa pizza. Bumalik na ako sa kwarto ko, hinagis ko sa kama ang paper bag. Magdidilim na kaya papasok na naman si Mama sa trabaho niya. Kinuha ko ang cellphone ko saka nahiga sa kama ko. Sumalubong sa akin ang madaming messages ni Dorothy. {Bababaan din kita ng call sa susunod} {May emergency ba?} {Siguro nandyan na naman si Jairus. Marupok kang babae ka!} Napabuntong hininga ako bago siya reply-an. {Pinapunta ako ni Jairus sa kanila, may bigay si Tita Jennifer na dress sakin pero dumating si Vinalyn. Kaharap ko pang nagkwento sa relasyon nila, sobrang sakit marinig na naging boto magulang ni Jairus sa Vinalyn na 'yon} Hindi na na-seen ni Dorothy ang message ko. Mukhang busy na ulit siya. Pinatay ko ang cellphone ko at nagtalukbong sa kumot. Gusto ko na lang matulog para makalimot ng sakit na nararamdaman ko ngayon. *********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD