Chapter 8

1549 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Habang naglalaba ako dito sa likod ng aming bahay kung saan karugtong ng dirty kitchen. Pakiramdam ko ay nagmamanhid na ang kamay ko kakapiga ng mga damit na galing sa washing machine na hinahagis ko sa batya na may malinis na tubig. "Seira, anak?" tumayo ako para puntahan si Mama. "Po?" "Hindi ka pa pala nagsa-saing? Hindi naka-bukas ang kalan pero may lamang bigas 'tong kaldero!" ani Mama. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa sobrang lutang ko at sa dami ng iniisip ko, nakalimutan kong buksan ang kalan. "S-Sorry po, nakalimutan ko po," ani ko. "Oh siya, hayaan mo na. Mabilis namang maluto ito. Nasaan na yung pinrito mong longganisa?" tanong ni Mama. "Nasa lamesa na po," ani ko. "Mabuti ka pa napapakinabangan ko at nakakatulong sa akin. Samantalang ang kuya mo walang binigay kundi sakit sa ulo." Ayan na naman si Mama at nagrereklamo tungkol kay kuya. Ang akin lang, palagi pa niya binabanggit si Kuya, hindi naman maganda ang sasabihin niya. "Kapag nainin ang kanin, sumabay ka na sa akin kumain." "Opo, Ma." Bumalik ako sa labas para ipagpatuloy ang paglalaba. Ilang sandali lang ay tinawag na ako ni Mama, kaya bumalik rin ako sa kusina. Naghugas ako ng kamay at kumuha ng kutsara. Naupo ako sa tapat ni Mama. Habang nagsasandok ako ng kanin ay biglang tumunog ang gate nila Jairus. Nakita ko ang puting sasakyan, iyon ang kotse ng magulang ni Jairus. "Nandyan na pala sila Jennifer at Jeffrey. Kaganda ng sasakyan. Anak, kapag nakatapos ka, bumili ka rin ng ganiyan, ha? Nang makapasyal naman tayo," ani Mama. Napayuko ako. Heto na naman siya para diktahan ako sa magiging desisyon ko sa buhay. "Opo, Ma." "Napakaswerte nung mag-asawang 'yan, akalain mong nabuhay pa nila yung nabaon sa utang na negosyo ng magulang ni Jeffrey." "Ma, baka may makarinig sa 'yo," saway ko. "Ano naman? Nakatulong nga tayo sa kanila noong binili natin 'tong lupa. Iyon kaya ang naging puhunan nila. Mabuti na nga lang at mabait sa 'yo si Jairus, tinuturing din akong kumare ng nanay niya." "Mabait naman kasi yung pamilya nila Jairus," ani ko habang kumakain. "Oo nga, sadyang hindi lang tayo nagkikita-kita." "Opo, busy kasi sila. Nung nakaraan lang nag-business trip daw sabi ni Jairus." Kumuha ako ng tubig, naalala ko ang ginawa namin sa bahay nina Jairus noong wala ang magulang niya. "Nga pala, sembreak mo na. Tama ba?" "Opo, next week po ang balik pagkatapos ng undas." "Punta tayo sa Papa mo." "Opo." Nang matapos kaming kumain ni Mama ay iniwanan nang muli nito ang pinagkainan niya, tuwing wala akong pasok, ako talaga pinaggagawa niya ng gawain. Pero kapag siya lang mag-isa dito at may pasok ako, siya din lahat kumikilos. Pinagpatuloy ko ang paglalaba ko hanggang sa makatapos ako. Pawis na pawis ako nang matapos, mabuti naman at umabot ako sa tirik ng araw. Dahil sa naglalagkit ang katawan ko ay nagpasya akong maligo muna. Nang matapos akong maligo ay nagtungo ako sa kwarto ko para magbihis. Habang nagsusuklay na ako ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ng pinsan kong si Dorothy. "Bakit hindi ka nagre-reply?" salubong niya sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya. "G*ga, naligo lang ako. Naglaba kaya ako ng dalawang puno na laundry basket buong umaga," ani ko. "Wow, sipag mo naman girl!" "Kailangan, alam mo naman kami lang dito ni Mama," ani ko at pinagpatuloy ang pagsusuklay. "Kaya nga, basahin mo naman message ko. Tinatanong kita ano nangyare sa inyo nung nag-bar kayo kasama yung asungot na si Vinalyn. Sabi mo magba-bar kayo wala ka namang kinuwento after," aniya. "Wait, lalabas ako," ani ko dahil baka marinig ako ni Mama na nasa kabilang kwarto. Kumuha ako ng earphones at lumabas ng bahay. Naupo ako sa isang bato na parang bench sa harapan ng bahay namin sa may damuhan. "Ganito na nga, Dorothy. Lumalabas na tunay niyang kulay. Alam mo ba, sobrang ipit ng boses niya tuwing kausap si Jairus," ani ko. "Pabebe, halata naman sa posted photos niya sa social media." "Ito pa, halatang party girl. Yung suotan sobrang ikli, mas maikli sa suot ko. Tapos marunong uminom ng alak, hindi ko akalain na nag-iinom siya, ni-hindi umasim ang mukha niya kada iinom sa shot glass." "Ano namang say ng crush mo?" Napayuko ako. "Wala, mukha namang masaya si Jairus. Isa pa, bagay sila. Parehong mayaman, maganda at gwapo, kayang-kaya makipagsabayan sa lahat---" "Oh, ikaw rin naman, ah! Huwag mo nga i-down sarili mo," aniya. "Hindi sa ganoon. Sadyang ramdam ko na mahal niya talaga si Vinalyn." "Umamin ka na kasi," aniya gamit ang mapang-asar na boses. "Hindi nga pwede, ayaw kong masira yung pagkakaibigan namin. Sampung taon kaming magkasama, tapos kapag nalaman niyang mahal ko talaga siya, baka hindi na niya ako pansinin--" "Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan. Kilala mo naman 'yang si Jairus, mapagbiro 'yan, baka naman hindi 'yan seryoso kay Vinalyn." "Mukha ngang seryoso." "Ah, basta. Kung ako sa 'yo, aaminin ko na. Ilang taon na 'yan, girl!" "Alam ko, chill lang tayo." "Anong chill ka diyan---" "Seira! Tara sa amin!" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita si Jairus sa aming gate. Nakasuot siya ng pambahay, magulo ang kaniyang buhok at mukhang bagong gising pa. "Dorothy, ba-bye na." "Bakit? Ano meron---" pinatay ko kaagad ang call namin ni Dorothy at tumakbo palabas ng gate. "May uwi si Mama, pumunta ka daw doon, she'll give you something." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Talaga nga namang hindi nakakalimot si Tita Jennifer sa akin, ang bait niya talaga. "Nakakahiya, Jairus." "Parang g*go. Ngayon ka pa mahihiya." "Tarantado ka talaga," saway ko. Inakbayan niya ako bigla nang makapasok kami sa loob ng bahay nila. Tila ba nawala lahat ng lungkot ko sa ginagawa niya. "Mama, nandito na si Seira." Nakita kong may hawak na paper bag si Tita Jennifer. Agad siyang napangiti nang makita ako, sinalubong niya ako at nagmano naman ako sa kaniya. "Hello po, Tita!" "Naku, feeling ko talaga bagay sa 'yo 'to. I brought this yesterday, I thought of you agad kasi you're sexy and this will fit on you." "Hala, tita talaga. Nakakahiya po," ani ko. "Seira, para na rin kitang anak. Noon pa mang bata ka natutuwa ako sa 'yo at palagi kitang sinusuklayan, you know my story about having a girl baby. Sadly, we're not blessed to have one." Nilabas ni Tita Jennifer ang isang khaki na dress, kakaiba ang style nito at fitted sa beywang, babakat ang hugis ng katawan ko dito. "Oh, 'di ba! Sakto sa 'yo, 'yan!" ani Tita nang idikit sa akin ang dress. "Tita, sa akin talaga 'to? Sobrang ganda, mukhang mamahalin." "Iha, that's really for you, huwag ka na ma-conscious about the price. Gusto kong makita na suotin mo 'yan. Kung magkakaroon man ako ng anak na babae, I will spoil her with dresses like that, iyan ang mga gusto kong style but I can't wear it now since I'm too old," ani Tita. "Naku, Tita. Baka kapag ikaw po ang nagsuot nito magmukha kang baby," pambobola ko. "Bakit ka pa hahanap ng babaeng anak, you can be a mother in law kapag nagpasya ang dalawa na maging sila, hindi ba, Jairus?" Parang gustong tumalon ng puso ko sa tuwa nang sabihin iyon ng ama ni Jairus na nanggaling sa kusina. May hawak siyang tasa ng tea. "Naku, Tito talaga..." maarte kong sambit. "Pa, alam niyo namang mag-best friend lang kami ni Seira. Isa pa, may ipapakilala ako sa inyo, Ma Pa." "Sino naman?" tanong ni Tito. "I have a girlfriend," ani Jairus nang may ngiti sa labi. Napayuko naman ako at niyakap ang bigay ni Tita Jennifer na dress. "Really? Who is that girl? Umaasa pa naman kami na makatuluyan mo si Seira." Nagkatinginan kami ni Tita Jennifer. "H-Hindi po, Tita. M-Magkaibigan lang po talaga kami." Masakit man pero kailangan ko itong tanggapin. "Bakit ngayon mo lang binanggit 'yan?" tanong ni Tito. "Ngayon lang kayo umuwi. Papuntahin ko sana siya ngayon, kung okay sa inyo at hindi na kayo busy," ani Jairus. Napalunok ako ng sarili kong laway, bumalik ang kirot ng puso ko. Kahit pala boto sa akin ang magulang ni Jairus, si Jairus pa rin ang masusunod, puso niya pa rin. "Sure, papuntahin mo siya at nang makilala namin." "M-Mauna na po ako, Tito, Tita. Sobrang daming thank you po dito sa dress. Promise isusuot ko po ito," ani ko. "You're welcome, Seira," nakangiting sabi ni Tita. Tatalikod na sana ako pero hinawakan ni Jairus ang kamay ko. "Teka, huwag ka muna umalis. Samahan mo ako na ipakilala si Vinalyn, buddy..." ani Jairus na para bang nagmamakaawa pa. Napatitig ako sa kaniya. Hindi niya alam na nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon. Gusto ko na lang magpakain sa lupa ngayon din. "G-Ganoon ba, sige dito muna ako," pilit kong sabi. "I will order some pizza," ani Tito. "Dito ka muna Seira, sabay-sabay tayong mag-meryanda. Your friendship with my son is so solid. You really support him in everything and you're always there, thank you for being a good friend to my son," ani Tita. Napangiti ako. Kung alam niyo lang po, hindi lang kaibigan ang tingin at turing ko kay Jairus, dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Jairus. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD