Jairus Gael's P. O. V.
"I can't believe this! Unang araw mo pa lang ng pagiging CEO, ipinahiya mo na ang sarili mo. Jairus, have you lost your mind!?" sigaw ni Papa.
Napayuko ako, dahan-dahan akong naupo sa swivel chair dito sa loob ng aking bagong opisina. Ramdam ko ang kirot ng ulo ko.
"Pa, alam niyo namang ayoko maging CEO--"
"But you have to!"
Biglang bumukas ang pinto, niluwa nito si Mama. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha habang papalapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko.
"Jairus, anak. Anong nangyare sa 'yo, bakit ka naman sumuka sa meeting?" tanong ni Mama.
Nilayo ko ang mukha ko, alam kong magagalit din siya kapag nalaman niya ang dahilan.
"Hon, ang magaling mong anak. Galing pala sa inuman. Gabi-gabi naglalasing ka, Jairus. You're already graduated, dapat alam mo na ang tama sa mali and be responsible!" sigaw niya.
"Anak, alam mong haharap ka sa madaming tao ngayon and it's a big day for you. Bakit mo naman nagawang maglasing? Is this because of Seira? It's been three months. You should moved on."
Sinamaan ko ng tingin ni Mama. Kung makapagsalita siya ay akala mo ganoon lamang kadali ang lahat para sa kaniya. Palibhasa wala siya sa posisyon ko. Wala silang alam kung anong sakit, pagsisisi, dalamhati ang nararamdaman ko ngayon.
"Ma, do you hear yourself? Para akong namatayan. Hindi niyo ba nararamdaman 'yon? Ma, she's my best friend for ten f*cking years--"
Namanhid ang pisngi ko nang tumama ang palad ni Mama sa akin. Napahawak ako rito sa sakit.
"Don't curse at me. Simula nang nawala si Seira naging pariwara ang buhay mo, Jairus. You're not like that. Why can't you accept that she left you, maybe she figured out something wrong about you. Hindi siya aalis nang walang dahilan. Yes, we treated her like our child too and we missed her. Pero hindi 'yon dahilan para sirain namin ang kinabukasan namin. Why can't you just do the same?" ani Mom.
"I will never forget her. Hahanapin ko siya," madiin ang pagkakasalita ko.
Mas lalong nagalit si Papa. Nagawa niya pang tabigin ang vase sa gilid ng table ko, nakagawa ito ng malakas na ingay dahil sa pagkabasag nito.
"Ikaw nga lang ang nag-iisa naming anak, Jairus. Bakit hindi ka sumunod sa amin!?" sigaw ni Papa.
"Gusto ko maging masaya, gusto ko mag-enjoy. Hindi ko kailanman pinangarap ang maging CEO!" sigaw ko at tumayo.
Hinawakan ni Dad ang kwelyo ng aking polo. Napatitig ako sa mga nanlilisik niyang mata. Kita ko ang pangingilid ng luha niya.
"Ayusin mo na ang buhay mo, ngayon pa lang, Jairus."
******************
Seira Anthonette's P. O. V.
Muli akong nakabalik sa trabaho, nalaman ng lahat na buntis ako dahilan para hindi nila ako hayaang mag-overtime.
"Where's the pregnant woman!" napasapo ako sa noo ko nang marinig ang sigaw ni Iverson.
Rinig na rinig sa buong hall ang kaniyang boses sa sobrang gulo niya. Napatingin ako sa kaniya na may hawak na dalawang paper bag. Malayo pa lang ay naamoy ko ang lasagna. Mukhang bumili siya.
"Did you buy a lasagna?" tanong ko nang ibaba niya ang paper bag sa table ko.
"Yes, I heard you talking to Dorothy earlier. You mentioned about craving a lasagna, am I right?" aniya at naupo sa upuan niyang katabi ko.
Napangiti ako. Kinuha ko ang paper bag at sinilip iyon. Kahit kakatapos lang ng lunch ay kumulo agad ang kalamnan ko nang malamang lasagna ang laman ng paper bag.
"Is this really for me?" tanong ko.
"Yup, and I have mine." Ipinakita niya ang tupperware na may lasagna.
"Thank you so much! I really appreciate your effort. Wait--I should pay for this--"
"No, it's all on me." Hinawakan niya ang kamay ko dahil akmang kukuha ako ng wallet.
Ngumiti siya at muling ibinalik ang pansin sa kaniyang desktop. Kinuha ko ang lasagna sa loob ng paper bag at inamoy muna ito bago kainin. Tila ba nagme-melt ang sauce sa dila ko. Pinagpatuloy ko ang pagkain habang nagtatrabaho.
*******************
Lumipas ang oras. Pinatay ko ang desktop ko at tumayo, napansin kong busy pa rin si Iverson at mukhang seryoso sa kaniyang ginagawa.
"It's already time, Iverson. Aren't you going home?" tanong ko at kinuha ang aking hand bag.
"I'll finish this first. I will take a leave tomorrow, because my grandma will be throwing a party for her 82nd birthday. Everyone should be there." Tumingin siya sa akin.
"Oh... Advance happy birthday to your grandmother. I'll go home now, and good luck to your work," ani ko at ngumiti.
"Thank you and take care."
Lumakad na ako papalapit sa table ni Dorothy, nang makita niya naman ako ay agad niyang nilagay sa bag ang cellphone nito saka tumayo.
"Uuwi na tayo? Ayaw mo na gumala?" tanong niya.
"Hindi na muna siguro, gusto ko na magpahinga." Napahawak ako sa tiyan ko.
"Sige, tara." Hinawakan niya ang kamay ko.
Sabay kaming sumakay ng elevator. Dahil kaming dalawa lang ni Dorothy ay siniko niya ako saka ngumiti nang nakakaloko.
"Bet mo siya?"
"H-Huh?" nagtataka kong sambit.
"Si Iverson. Kanina lang binigyan ka ng lasagna. Hindi man lang ako naisip bilhan, ikaw lang. Feeling ko bet ka rin niya," aniya at nag-cross arms.
Nanlaki naman ang mga mata ko, hindi sumagi sa isipan kong baka may gusto sa akin si Iverson dahil simula pa lang naman ay mabait na siya sa akin.
"We're just friends, co-workers? I don't know," natatawa kong sabi.
"That's it, nagsisimula lahat sa pagkakaibigan. Parang si ano---"
"Please lang, ang bunganga mo." Inirapan ko siya.
Bumukas ang elevator. Nauna akong naglakad patungo sa sakayan ng taxi. Ayoko na rin kasing naaalala pa si Jairus, nasasaktan lang ako.
"Totoo naman. Bakit hindi mo siya tanungin kung gusto ka niya? Para naman maka-move on ka na rin," aniya.
"Baliw ka ba? May anak ako. Sinong papatol sa babaeng may anak na, hindi na virgin, mahirap at hindi kagandahan." Napabuntong hininga ako.
"Si Iverson. Girl, ang negative mo kasi. Mag-move on ka na kay Jairus at i-try mong makipag-flirt, why not?" aniya.
Umiling ako at hinawakan ang tiyan ko.
"Kahit kailan hindi ako gagamit ng isang tao para lang makalimot. Hindi ako ganoon, isa pa... Mabait lang si Iver, wala siyang gusto sa akin kaya huwag kang ma-desisyon!" ani ko.
May humintong taxi sa harapan namin kaya sumakay na kami roon. Akala ko ay titigil na si Dorothy pero pinagpatuloy pa rin niya ang pangungulit sa akin patungkol kay Iverson.
"Wala akong balak magmahal ng iba, Dorothy," diretso kong sabi.
"Paano kung maghanap ng ama 'yang anak mo---"
"Sinabi ko na, kaya ko tugunan lahat."
"Still, iisa ka lang. Your baby needs a father, Seira. Kahit step father man lang," aniya.
"Kung darating sa punto na 'yon. Hahanapin ko yung lalakeng tatanggapin at mamahalin yung anak ko na parang kaniya."
****************