Seira Anthonette's P. O. V.
5 months later
Hawak ko ang aking tiyan, habang inaabot ang naka-pack na asukal. Medyo mataas kasi ang cabinet kaya nahihirapan akong mag-abot ng mga bagay-bagay lalo na at malaki na ang tiyan ko.
"Seira, just sit down. You need rest, it's almost your due date," ani Uncle, ang asawa ng Ina ni Dorothy na amerikano.
Kinuha niya ang asukal at inabot sa akin.
"It's okay, uncle. Thank you for getting this. I just want to drink a mango juice," ani ko.
"Will your suitor come here again?" tanong nito.
Napakunot ang noo ko, suitor na talaga ang tawag nila kay Iverson kahit hindi naman talaga nanliligaw si Iverson. Wala nga siyang sinabi na gusto niya ako, close friends lang talaga kami.
"Uncle, he's not my suitor."
"But he acts like one. Come on, you can entertain other guys out there. I bet he accepts your baby." Ngumiti siya at kumuha ng fresh milk sa ref.
"I am just... Stuck with my life being a mother. I may reject him if he is really a suitor," tipid akong ngumiti at kumuha ng mangga.
"I respect your decision, we are just here to help and guide you. My wife talked to your mother last week, she asked when you'll give birth. I think she still cares for you."
Napangiti ako. Alam ko naman na ganoon lang talaga si Mama kapag nagagalit siya, pero hindi niya rin kami matitiis ni Kuya.
"Did she forgave me?" tanong ko.
"If yes, would you go back to your mother?" tanong niya.
"Uncle, I also thought about that. I realized, living here is a big adjustment but it is better than living with the people I don't like. I already escaped, and I don't want to go back there."
"Whom you'd escaped from?"
"My so called friend?"
"I bet it's a misunderstanding."
"A big, uncle."
"Well, that's life, Seira. I am just hoping that Dorothy will meet a good man, she's an adult now."
"She will, uncle."
**********************
Pagsapit ng hapon. Nakaupo ako sa bench, sa labas ng bahay kung saan puno ng damo at halaman ng Mama ni Dorothy. Nagpapahangin lamang ako para rin makaiwas sa stress, paghahanda sa nalalapit kong panganganak.
Bigla namang may humintong kotse sa harapan ng gate. Bumukas ang pinto nito at niluwa si Iverson. Napangiti ako nang makitang may dala siyang isang basket ng mangga.
"Seira, pregnant woman!" sigaw niya habang papasok ng gate.
"Iver, is that for me again?" tanong ko.
"As usual. I heard that you want mangoes." Naupo siya sa tabi ko.
Inusisa ko ang hinog na mga mangga, malilinis ang balat nito, mukhang masarap. Nanakam na naman ako.
"Where's Dorothy?" tanong ko.
"She was fetch by someone, a man with black hair and blue eyes. Do you know him?"
"I-I don't know him."
Nakakapagtaka, hindi man lang nagsabi sa akin si Dorothy. May nanliligaw na kaya sa kaniya?
"Maybe she's dating with him," ngumiti siya.
"What?"
"Nothing, I just missed dating..."
"Then, go on and date women out there," ani ko at tumuro pa sa labas.
"The woman I like is already beside me."
Tumawa ako, hanggang sa na-realize ko ang sinabi niya. Napatitig ako sa kaniya, mukhang seryoso ang mukha niya kaya napatigil ako sa pagtawa.
"Are you kidding me?"
"Nope, this is my confession, Seira. I like you, for many months now. I just don't know how to say it," aniya at napayuko.
Ang lahat ng ginagawa niya, mukhang ginagawa niya pala dahil gusto niya ako.
"Iverson..."
"It's okay, I already felt that you don't like me, that's why I am so hesitant to confess---"
"No, it's not like that. I like you as a friend of mine but not as lover. You know I am pregnant and---"
"Seira, I know that it's hard being a mother. I am here, willing to be the father of your child." Hinawakan niya ang kamay ko.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya, tila ba ang hirap niyang i-reject. Wala siyang ipinakita sa akin kundi kabutihan.
"Iverson, I can't do this. I am sorry, I don't want to lose a friend like you but I can't accept your love to me." Tumayo ako.
Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Why, Seira?"
"The truth is, I am still in love with my baby's father."
Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.
"W-What? I thought you we're in a one night stand and you don't know the father--"
"I lied, Iverson. I am sorry for lying, I just can't tell people that I---I..." Dahan-dahan akong napaupong muli.
May kirot sa puso ko habang inaalala ko ang ama ng anak ko, si Jairus na walang kamalay-malay na mayroon na siyang anak sa akin. Ayoko nang guluhin pa ang buhay niya ngayon.
"Seira, you can tell me..." hinawakan ni Iverson ang pisngi ko dahilan para tuluyang bumuhos ang luha ko.
"My best friend, he got me pregnant... I escaped from him and he doesn't know about this child--" napatigil ako sa pagsasalita nang hilahin ni Iverson ang braso ko.
Napasubsob ako sa kaniyang balikat. Unti-unti niyang tinapik ang likod ko.
"It must be hard, falling in love with your best friend."
"He's a jerk, honestly speaking... But I still love him."
"Seira, I will never leave you. You can reject me as a suitor but as a friend, I am just here, I will listen, I will help you."
"I am sorry... Iverson, I can't love again."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Ngumiti siya ng abot tenga na tila ba wala lang ang pag-reject ko sa kaniya.
"I understand, Seira. Time heals. If you're ready, I am still here."
Pinunasan niya ang luha ko. Ngumiti ako sa kaniya. Bigla namang bumukas ang gate, sabay pa kami ni Iverson na lumingon doon. Nakita namin si Dorothy na may dalang paper bag.
"Lovers, nandito pala kayo, pagabi na," ani Dorothy.
"What did she said?" bulong ni Iverson dahil hindi niya ito naintindihan.
"Why are we here because it's almost night."
"I got rejected." Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Iverson.
Nabitawan ni Dorothy ang hawak niyang paper bag sa gulat.
"Ni-reject mo si pareng Iver!?" sigaw ni Dorothy.
Tumayo ako para hawakan ang balikat niya at pakalmahin siya. Malamang ay rarat-rat na naman ang bunganga niya sa sermon sa akin, since ship niya ako at si Iverson.
"Pinaliwanag ko na, nandito pa rin kasi si Jairus sa puso ko kahit na ang tagal-tagal na---"
"Speaking of Jairus. Nakita ko sa magazine--" tinakpan ko ang bibig niya.
"Ano bang sabi ko? Huwag mo nang babanggitin si Jairus kahit kailan. Ayoko na makarinig ng kahit anong balita patungkol sa kaniya," ani ko.
Tumango si Dorothy.
"Fine, still. Hindi ko matanggap na rejected siya," tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya.
"Well, I am willing to wait, until she gets over with the baby's father," ani Iverson at tumayo.
"Yes, Iver! Don't give up!" pag-cheer ni Dorothy sa kaniya.
"Tsk, sino muna kasama mo, blue eyes daw sabi ni Iverson." Inirapan ko siya.
"Girl, nilibre niya ako ng kape. Nanliligaw siya at bet ko naman. Heto, may pauwi pang blueberry cake." Kinuha niya ang paper bag.
Napatango ako.
"Girls, I'll go now. Have a good night," ani Iverson.
Kumaway ako sa kaniya habang naglalakad siya palabas ng gate.
"Tsk, kailan ba mawawala si Jairus. Ang daming opportunity na nasasayang dahil sa lalakeng 'yon," iritang sabi ni Dorothy.
"Dorothy naman..."
**************
Jairus Gael's P. O. V.
Malakas ang tugtog sa loob ng bar kung nasaan ako ngayon. Kasama ko sina Sammy, Luis, Raiko at Gil. Nagsasaya ang lahat habang ako ay nakaupo lamang sa aming upuan at nag-iinom.
May dalawang babae na nakasuot ng lingerie ang lumapit sa akin. Naupo ang isa sa lamesa at itinabi ang baso ng alak ko.
"Excuse me..." bulong ko at napasandal.
"Why are you alone?" maarteng tanong nito.
"Mind your own--" hindi ko naipagpatuloy ang pagsasalita ko nang dumampi ang labi nito sa akin.
Habang ang isang babae ay hinawakan ang dibdib ko. Bigla kong naalala ang mainit na halik sa akin si Seira. Agad akong napadilat at tinulak ang babaeng humalik sa akin. Halos mahulog siya sa lamesang kinauupuan niya.
"The f*ck!" sigaw ko.
"Tsk, hottie nga, hindi naman bumibigay. Let's go," ani ng isa pang babae at hinila ang nakaupo sa lamesa.
Pinunasan ko ang labi ko. Kahit gaano ako katagal manatili sa bar na ito, kahit may ibang babae ang humalik sa akin. Makakita man ako ng naghuhubad na kababaihan, hindi pa rin ako tinatablan ng romansa.
"Ano bang mayroon sa 'yo, Seira?" bulong ko at muling kinuha ang aking baso.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gustuhin ko mang malibang at makalimot pero tanging siya lang ang laman ng puso at utak ko. Hindi ko matanggap na wala na siya. Pakiramdam ko, may pag-asa pa ako at babalik siya sa akin.
Sa kaniya ko lang gusto, walang papalit sa posisyon niya sa buhay ko.
*******************