Seira Anthonette's P. O. V.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Amoy ko ang bango ng alcohol sa paligid, noon ko napagtanto na nasa loob ako ng hospital. Nakita ko si Dorothy na nasa tabi ko at nakayuko.
"D-Dorothy..." bulong ko.
Napaangat siya ng tingin sa akin, bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang braso niya.
"How come that you're pregnant?" tanong niya kaagad.
"K-Kamusta ba ang baby ko?"
Napaiwas siya ng tingin.
"Okay naman, you bleed due to stress. The Doctor said, you must rest atleast a week." Tumayo siya.
Pinanood ko siyang kumuha ng isang paper bag na puno ng pagkain.
"Binili ni Iverson bago siya umalis," cold niyang sabi sabay abot sa akin ng paper bag.
Sinilip ko ito, una kong kinuha ang vegetables salad. Akmang kakainin ko na ito pero pansin ko pa rin ang galit sa mukha ni Dorothy.
"Dorothy... Sorry, hindi ko lang alam kung paano ko aaminin 'to."
"Seira, kumain ka na. Kailangan 'yan ng baby mo. Magkwento ka lang, makikinig ako sa 'yo." Sumandal siya sa kinauupuan niya.
Gusto kong maiyak. Wala man lang akong naririnig na masasakit na salita sa kaniya ngayon, napakaseryoso ng kaniyang mukha.
"D-Dorothy, hindi ko akalain na aabot ako sa ganito. Masyado akong tanga, inaamin ko 'yon..."
"What do you mean? Who's the father?" tanong niya.
"Si Jairus..." bulong ko at tuluyan nang napaluha.
"Sabi na, siya lang naman ang pwedeng makabuntis sa 'yo because you love him for many years. I just can't accept that, kinaya niyang galawin ka. I want to understand you, Seira. You love him so much, but giving yourself to him. It's not worth it." Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
"A-Alam ko, n-nagsisisi na ako. S-Sobra na akong nagsisisi sa lahat nang nangyare sa amin ni Jairus. K-Kaya ako pumunta rito para magsimula muli. Dorothy, please tulungan mo 'ko..." hinawakan ko ang kamay niya.
Kita ko ang nangingilid niyang luha sa mga mata niya. Ngumiti siya nang pilit.
"Nandito lang ako palagi. Sadyang hindi nagsi-sink in sa akin. Seira, buntis ka ngayon tapos---"
"Dorothy, sana matanggap mo 'tong batang 'to." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.
"Ano pa nga ba? Kailangan din malaman nila Mommy ang pagbubuntis mo. Alam ba 'to ni Tita Sonya? Gaano na ba 'to katagal, Seira?" sunod-sunod niyang sambit.
"Dalawang buwan na akong buntis... Nakita ni Mama yung ultrasound ko bago ako umalis. Sobrang galit na galit siya to the point na pinalayas na lang din niya ako. Wala na akong magagawa. Alam kong mali ako. Pero nandito naman ako para tumayong muli, handa akong gawin lahat maging maayos lang ang buhay ng anak ko." Napahagulgol ako.
"Alam ba 'to ni Jairus?" Tumitig siya sa mga mata ko.
Napaluha lang ako habang umiiling.
"Wala ka bang balak sabihin sa kaniya? Kahit ba ikakasal na siya sa Vinalyn na 'yon---"
"Dorothy, huwag na natin sila guluhin... Masaya na si Jairus. Tinanggal ko nang lahat ang kuneksyon ko sa kanila. Hinding-hindi na ako magpapakita sa kanila. Mas mabuti nang wala silang alam, kaysa naman magkagulo pa dahil sa akin. Ayoko maging kabit, Dorothy."
"Itatago mo ba 'tong batang 'yan habang buhay? Paano kapag naghanap ng ama 'yan? Lalaki at lalaki rin siya, Seira."
"Pupunan ko ang lahat ng kailangan niya. Pagmamahal ng isang ina at isang ama."
Tumango siya. Kinuha niya ang pagkain at isinubo sa akin.
"Kumain ka, uuwi na tayo."
*****************
Pag-uwi namin ay agad na tinawag ni Dorothy ang magulang niya, kung hindi man nila ako matanggap, handa naman akong umalis. Magkaroon ng sariling matutuluyan.
"Mom, Dad... We're here tonight because, Seira will announce something."
Nakaupo kami sa hapag habang si Dorothy ay katabi ang magulang niya.
"Auntie, uncle. I am very sorry for not telling you this earlier. I'm too scared, I'm still figuring out what I should do. Because I am pregnant..."
"W-What!? Did Sonya already knew about that?" tanong ni Tita.
"O-Opo, Tita. My mother is mad about this so, I left. I want to start a new life here, If you will allow me to stay or not it's okay--"
"You can stay. You're just pregnant, it's not a big deal." Napatigil kami nang magsalita si Tito.
Nagkatinginan kami ni Dorothy, gusto ko sumigaw sa tuwa.
"Who's the father?" tanong niya pa.
"I-I don't know. It's just someone from a club that I slept with. I am sorry for disappointing the both of you, I will promise that I'll be better, I'll do everything for my child."
Napabuntong hininga si Tita. Kumuha siya ng tubig at uminom.
"Stay here, kung nagawa kang palayasin ng kapatid ko. Alam kong galit lang siya, hindi ka matitiis no'n. We will help you in raising that child. My husband will help you in your visa."
"Auntie, Uncle. Thank you so much. I will work hard and do better."
**************
Nag-aayos ako ng gamit. Papasok na ako sa aking trabaho nang buksan ko ang isang lalagyanan ng accessories. Nagmamadali na ako pero napatigil pa ako nang makita ang kwintas na ibinigay ni Jairus sa akin.
Ramdam ko ang kirot sa puso ko habang inaalala ko ang mga pinagsamahan naming dalawa, pakiramdam ko ay ako ang sumira ng lahat, dahil sa pagpilit ko ng sarili ko sa kaniya. Nabuntis ako, ngayon tuluyan na akong mawawala. Dahil sa pagmamahal ko, naglaho ang sampung taon naming pagsasama.
"Seira, let's go--"
Nilingon ko si Dorothy, bakas ang gulat sa kaniyang mga mata nang makita akong umiiyak.
"Bigay 'to ni Jairus," bulong ko.
"Tama na, kailangan mo magpakatatag. Para sa 'yo at sa anak mo." Hinawakan niya yung kamay ko.
*****************
Jairus Gael's P. O. V.
"Kung kailan ikakasal ka na, saka mo sasabihin na mahal mo si Seira?"
Kinuha ko ang bote ng whiskey at ininom ito mula sa bote. Wala na akong pakialam sa sasabihin nila Sammy.
"Pre, you lost them both just because you didn't choose the right person," ani Gil.
Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad ko. Tumingin ako sa kaniya. Narito kami sa loob ng bar kung saan kami madalas tumambay.
"How would I know who's the right person, Gil? Nagkamali na nga ako. Tinatanggap ko na. Please lang, tawagan niyo na lang si Seira," ani ko sabay inom ng alak.
"Isang buwan na, hindi pa rin sumasagot sa akin si Seira. I think she really left for good." Ipinakita ni Sammy ang kaniyang cellphone.
Muling tumulo ang luha ko. Gusto ko na lang mamatay, pagod na pagod na akong kakaiyak dahil hindi ko pa rin matagpuan si Seira.
"Ano sa tingin niyo rason, bakit umalis si Seira?" tanong ni Raiko.
"Mukha siyang okay. Palagi siyang masaya tuwing kasama niya tayo. Sa ipinapakita niya ngayon, mukhang hindi na siya babalik. Kasi kung mahalaga tayo sa kaniya, magpapaalam 'yon." Uminom si Sammy ng alak, nakipagtitigan ako sa kaniya.
"Babalik 'yon, hintayin niyo lang.."
"Jairus, ayusin mo na lang yung buhay mo. Magiging CEO ka na next month kahit hindi ka naging husband, mag-focus ka na lang sa trabaho mo kaysa kay Seira."
"Hindi niyo 'ko naiintindihan." Ibinaba ko ang hawak kong alak.
"Hindi rin magiging masaya si Seira kung makikita ka niyang ganyan," ani Gil.
Hinila niya ang polo ko at inayos. Napabuntong hininga naman ako. Bubusugin ko na lang sa alak ang sarili ko habang naghihintay sa pagbalik ni Seira.
"Hihintayin natin si Seira," bulong ko.
"Lasing ka na ata."
"Babalikan niya ako, kaibigan ko 'yon..."
****************