Chapter 29

1099 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Narito ako sa banyo ng aming office. Palihim akong umiinom ng vitamins ko para sa baby, mabuti na lang at hindi osyosa ang ibang mga tao rito. Lalo na si Dorothy, hinahayaan niya lang ako pero kapag may kailangan ako ay approachable naman siya. Tumingin ako sa salamin, pakiramdam ko ay lumalaki na ang pisngi ko dahil sa kakakain ng kung ano-ano rito sa Amerika. Iba talaga ang lasa ng pagkain dito kumpara sa Pilipinas, ang sarap ng mga putahe pero minsan naghahanap pa rin ang tyan ko ng lutong pinas. Marahil ay naninibago pa ako. "Seira, nandiyan ka pa ba?" bigla kong narinig ang boses ni Dorothy. Agad kong kinuha ang aking bag, nagkukumahog akong itago ang vitamins sa bag ko saka agad na lumabas ng banyo. Ngumiti ako kay Dorothy nang makita siya. "Dala mo pa bag mo, wala namang magnanakaw dito," aniya. "Hindi mo masasabi," umiiling kong sambit. "Let's go na, nandyan na si Ms. manager." Tumango ako. Sabay kaming naglakad patungo sa aming mga upuan, agad namang tumahimik ang lahat nang bumukas ang elevator. Nakita namin ang mga nakakataas na posisyon. "I want everyone to finish their works, especially the Team one." Nanlaki ang mga mata ko, isa ako sa team one. "We are going to send the documents tomorrow morning," ani ng Manager. Napatingin ako kay Iverson, isa siya sa team one. I wonder kung tapos na siya mag-check ng resibo. Yung sa akin kasi, kalahati pa lang ang balanced. Hindi ko pa natatapos ang lahat ng nasa email ko. "Yes, Ma'am!" ani ng mga empleyado. Napakagat ako sa dulo ng kuko ko. Pinanood naming umalis ang manager. Tila ba nagahol ang lahat sa paggawa ng kanilang trabaho, tumutok kasi lahat ng tao sa kanilang computer. Napaupo ako sa upuan ko, paano ko pa matatapos ang mga ito. Malapit nang mag-uwian. "Seira, would you please send me the documents from the supervisor?" ani Iverson sa aking gilid. "Oo--este. Yes, sure. I will send it right now," ani ko. Napabuntong hininga ako habang nagse-send sa kaniyang email. Hindi ko alam kung isang upuan ko lang ang trabaho ko, ang dami pa nito. Naloloka na ako. "Sent, Iverson." Tumingin ako sa kaniya. "Will you be able to finish all of the documents that our manager said?" tanong ko. "N-Not yet... I will just stay here for tonight, to finish all of these." Tumingin siya sa kaniyang monitor kaya napatingin din ako. Napaawang ang labi ko, halos wala pa siyang nagagawa. Wala pa sa kalahati. Paano niya matatapos 'yon? "What if you didn't finished that?" I asked. "I can," mayabang niyang sagot. "H-How?" "This is just simple, and I am just lazy to finished it earlier. Now, the due is tomorrow, I am already dedicated to finish this sh*t." Napakunot ang noo ko, ngayon ko lang siya narinig magmura. Napailing ako at muling ginawa ang trabaho ko, mukhang chill lang siya, samantalang ako ay mababaliw na. "How many years you've been working here? Why does these looks so easy to you?" tanong ko pa. "I've been here for three years, so this are just a piece of cake. You'll get along to it too, don't pressure yourself, just because you're new." Ngumiti siya sa akin. Napangiti rin ako. Tama siya, dapat chill lang din ako. Muli akong gumawa ng aking trabaho. Lumipas ang ilang oras, nag-aalisan na ang mga tao. Lumapit naman sa akin si Dorothy. Tumabi siya sa table ko. "Hindi ka pa rin tapos?" tanong niya. "G*ga! Ang dami kaya nito, ang hirap pa!" reklamo ko. "Ibili na kita ng dinner? Punta ako kay Mommy. Walking distance lang naman, i-take out na lang kita. Babalik ako rito," aniya. "Talaga ba? Hindi ba abala sa 'yo 'yon? Dapat nagpapahinga ka na lang ngayon," ani ko. "Parang others ka naman, girl! Kering-keri. I'll be back, and just do your work! Fighting!" aniya at ngumiti. "Thank you!" pinanood ko siyang umalis ng office. Napatingin ako sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko, ako na lang pala ang narito at si Iverson. "Just the two of us~" Napalingon ako sa kaniya nang kumanta ito. Bigla siyang humagalpak ng tawa. "You look so cute, don't look at me like that. Just get your job done," aniya habang tumatawa. "Fine, I will finish this. Kainis, nag-over time pa tuloy ako ngayon," singhal ko. ******************* Napakurap ako ng ilang beses. Nararamdaman ko ang pananakit ng ulo ko sa tagal kong nakatingin sa monitor. Tumingin ako sa relos ko, napaawang ang labi ko nang makitang alas-otso na pala. Ilang oras nawala si Dorothy? Kinuha ko ang aking cellphone para tawagan siya, bago ko pa man mailagay ang password ng cellphone ko ay umikot ang paningin ko. Tumayo ako para sana pumunta sa dispenser ng tubig, mukhang ramdam na ramdam na ng katawan ko ang pagod at gutom. "Seira, where are you going? Are you done?" tanong ni Iver. Hindi ko siya masagot, naka-focus ako sa paglalakad kahit nahihilo ako. Napakapit ako sa upuan dahil pakiramdam ko ay tutumba na ako. "Seira! Are you okay?!" sigaw ni Iverson. Tuluyang nanghina ang mga binti ko. Napaluhod ako sa sahig. Naramdaman ko naman ang paghawak sa akin ni Iverson. Inupo niya ako ng maayos, napasandal ako sa kaniya. "Aray..." bulong ko. "Sh*t! F*cking blood!" sigaw ni Iverson. Pinilit kong idilat ang mga mata ko para tignan ang aking skirt. Lumakas ang t***k ng puso ko nang makita ang dugong dumadaloy sa aking hita. "N-No..." bulong ko. "What happened to you!? I'm gonna call 911!" sigaw niya at kumuha ng cellphone. "No! Iverson, please send me to the hospital!" sigaw ko. "I will call an ambulance--" "I AM PREGNANT!" sigaw ko. Tuluyang bumuhos ang luha ko. Napatigil si Iverson sa kaniyang pag-click sa cellphone at napatitig sa akin. Tila ba gulat na gulat siya sa sinabi ko habang ako ay patuloy sa pagluha. Wala akong maramdaman kundi pag-aalala, kung ano na bang nangyayare sa anak ko na nasa loob ng tiyan ko. "WHAT THE HELL DID YOU SAY!?" Na-estatwa ako nang marinig ang boses ni Dorothy. Nabitawan niya ang dala niyang mga plastic habang dahan-dahang naglakad papalapit sa akin, napatakip siya sa kaniyang bibig nang makita akong nakaupo habang may dugo sa aking hita. "D-Dorothy, p-please... Kailangan ko madala sa hospital..." nanghihina kong sambit. "SH*T, IT BLEEDS A LOT!" sigaw ni Iver. Napapikit ako nang mabilis niya akong buhatin ng pa-bridal style. Pilit kong pinapakiramdaman ang sarili ko habang siya ay itinatakbo ako palabas ng building. "Faster! My gosh! Ang daming dugo!" tanging narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay. *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD