Chapter 5

1302 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Nakahanda na akong pumasok sa school. Napansin ko namang wala pa rin si Jairus. Kadalasan ay siya ang naghihintay sa akin dahil mabagal ako gumayak, gusto ko maging maganda sa paningin niya palagi. Nag-aayos ako, naghihilod ng todo at nagpapabango. Kinuha ko ang bag ko saka lumabas ng kwarto ko. Nang isarado ko ang pinto ay nakita kong nagtitimpla ng kape si Mama. "Oh, Seira! Akala ko umalis na kayo?" ani Mama. "P-Po? Umalis na po ba si Jairus?" tanong ko. Tumingin si Mama sa bintana at tila ba may sinilip. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa loob ng bag ko, mula pagkagising ko ay hindi ko ito na-check dahil busy ako sa pag-aayos. Nag-braid pa naman ako ng buhok. Nakita ko ang message ni Jairus kaya binuksan ko ang conversation namin. "Narinig ko kasi yung kotse nilang bago, lumabas 'yon kanina pa. Hindi ba't kay Jairus 'yon? Akala ko kasama ka niya, himala kako at sumakay ka sa kotse. Palagi ka pa namang nagsusuka. Malay ko bang nandyan ka pa pala." Hindi ko pinansin si Mama. Napalunok ako sa sarili kong laway nang mabasa ang messages ni Jairus. {Uy, buddy.} {Ayaw mo ba ako i-seen} {Gago, mauna na ako ngayon ah? Susunduin ko si Vinalyn. Pinayagan niya ako sunduin siya, gagamitin ko yung kotse ni Papa, wish me luck sa pagda-drive ko sana hindi ko to mabangga} {Laughing emoticons} Bumuntong hininga ako. Umalis na pala siya, kanina pa. Ang tanga ko para hindi i-check ang phone ko. Nasanay ako na palagi siyang nandito sa tabi ko, hindi ko akalain na darating ang araw na magbabago na nga ang lahat. "Mauna na po ako, Ma. Male-late na ako," ani ko. Wala akong ganang nagsuot ng sapatos. "Sige, mag-ingat ka. Wala kang kasabay, mag-isa ka lang. Nag-away ba kayo ni Jairus, bakit hindi kayo sabay pumasok--" "Hindi kami magkaaway, Ma. Ba-bye na po!" sigaw ko at binuksan ang gate. Ngumiti ako kay Mama nang isarado kong muli ang gate. Napatingin ako sa bahay nila Jairus, kita ko ang lock ng pinto nila. Napabuntong hininga na lamang ako at dumiretso sa kanto para sumakay ng trycicle. Pagdating ko sa school ay dumiretso kaagad ako sa building namin. Habang nasa hallway ako ay nakasalubong ko si Vinalyn. Napakaganda niya, parang effortless yung kagandahan niya, hindi kagaya ko na kailangan pang ilublob sarili ko sa banyo ng ilang oras para bumango at pumuti. "Seira! Kanina pa kita inaabangan," masigla niyang sabi sabay hawak sa braso ko. "B-Bakit?" nauutal kong sambit at tila ba nahiya sa ginawa niya. Nakakapagtaka naman, feeling close na rin ba siya sa akin porket nakuha na niya si Jairus? "Kwentuhan mo naman ako tungkol kay Jairus, hindi ba best friend mo siya since birth?" Tumango ako. Hinila niya ang braso ko. "Hindi kasi siya nagkukwento ng personal matters sa akin. Like about his family, ang alam ko lang may company sila na unti-unting lumalago, but any background informations ay wala. He's funny, but it make sense na hindi siya mahilig makipag-usap sa seryosong usapan." Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Tumango ako sa kaniya at yumuko. "Yung personal matters kasi niya, ayaw niya pag-usapan. Ayaw niya kasi maging malungkot." "Bakit, ano ba 'yon? Pwede mo ba ikwento---" Napatigil siya nang mag-ring ang bell. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas, matatapos rin ang pag-uusap naming dalawa. "Mauna na ako, sa susunod na lang." "Sige, Seira--" Hindi ko siya pinansin at agad na tumalikod. Napairap ako habang naglalakad patungo sa aming classroom. Pagpasok ay sinalubong ako ni Jane, ang aming secretary. "Seira, sa sembreak ba natin gagawim yung portfolio?" tanong niya. Napakamot ako sa ulo ko. "Oo nga pala, sige sa sembreak na lang bago mag-undas," ani ko. "Tapusin na natin kaagad. May lakad kami ng family ko out of town, baka hindi kita matulungan kung hindi matapos." Ngumiti ako at tumango. Pumasok ang professor namin at ako naman ay naupo sa upuan ko. Sa hindi kalayuan ay nakarinig ako ng chismisan. "Si Jairus at Vinalyn na, official daw sabi sa post..." "Bagay nga sila, gwapo at maganda. Kapag nagkatuluyan 'yon--" "Huy, hindi ba sila ni Seira?" "Magkaibigan nga lang sila!" "Girls at the back, kung ayaw niyong makinig sa lecture ko at may sarili kayong discussion. Out!" Natahimik ang mga nasa likuran nang sumigaw ang aming professor. Naupo ako ng maayos, napalunok ako sa sarili kong laway. Hindi mawala sa isip ko si Jairus. Pakiramdam ko ay hindi ako makakapag-focus sa pag-aaral nito. ************** Pagsapit ng lunch. Pababa ako ng hagdanan, nakita ko ang pamilyar na likod ng isang lalake, hindi ako pwedeng magkamali dahil si Jairus iyon. Tandang-tanda ko ang tindig ng katawan niya. Nakatalikod ito at nakaharap sa students na pababa ng hagdanan. Hindi ko tuloy alam kung bababa na ba ako. Nalulungkot ako sa ginawa niya kanina. "Seira!" Huli na ang lahat, bago ako makaatras ay tinawag ni Jairus ang pangalan ko. Ngumiti ako at tinaas ang kamay ko. "Uy! Nandyan ka pala!" ani ko at lumapit sa kaniya. Hinila niya ang kamay ko, napasandal ako sa tagiliran niya at naramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko. Heto na naman siya at aakbay sa akin, ako na naman ang magbibigay ng malisya. "Hindi mo ba nabasa message ko?" tanong niya habang pababa kami ng hagdanan. "Nabasa." "Oh, bakit hindi ka nag-reply. T*ngina nito, ignore ba naman ako. Famous ka na ba ngayon?" aniya. "Hindi lang nag-reply, famous na agad? Hindi ba pwedeng busy lang ako?" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko, ayoko na makita pa ito ni Vinalyn. "Saan ka sumakay?" "Trycicle." "Sa susunod isasabay na kita sa kotse, basta agahan mo gayak. Ang bagal mo kasi--" "Huwag ka na magreklamo!" ani ko. Pagpasok namin ng cafeteria ay puno ng estudyante, mahaba ang pila. Hinanap ko sina Sammy. Hindi ko sila makita pero nakita ko agad ang grupo ng kaibigan ni Vinalyn na bumibili na ng pagkain. "Ganda ng babe ko, tignan mo." Tinuro ni Jairus si Vinalyn. Pakiramdam ko naman ay nanliliit na ako sa sarili ko. Ni-hindi niya man lang nabati ang pagtitirintas ko ng buhok. Wala lang ako sa kaniya. "Seira, Jairus. Tara na kayo dito!" narinig ko ang boses ni Gil. Sabay kaming lumakad ni Jairus patungo sa kinauupuan nila. Mayroon na silang hawak na pagkain, muli ay nagbigay ako ng forty pesos kay Sammy. "Bakit ang bilis niyo makabili, hindi ba mahaba pila kanina?" tanong ko. "G*ga! Maaga nga lunch namin, 11:30 pa lang vacant na namin. Hanggang 1 pm na 'yon." "Parang gusto ko na mag-shift sa engineering," biro ko. "Mahirap 'yon, makuntento ka na sa Accountancy, para ka talaga doon," ani Jairus sa tabi ko. I gasped and smile. Nagagawa niyang sabihin iyon pero hindi niya mai-apply sa kaniyang sarili. "Nga pala, Jairus. Invite mo na si Vinalyn sa party-party natin," ani Raiko. Gusto kong tumutol sa sinabi niya. Madadgadagan na naman ang bisita sa barkada. Hindi na ako natutuwa. Makakasama namin ang Vinalyn na 'yon? "My boyfriend will come too," maarteng sabi ni Sammy. "Kailan ba 'yan? Sasabihan ko si Vinalyn." Kita ko ang saya sa mga mata ni Jairus tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Vinalyn. "Sa sabado, pare. This week, game ka ba?" tanong ni Raiko. "Oo naman, ikaw ba, Seira?" Nagulat ako nang tumingin sa akin si Jairus. Natuwa naman ako na naalala niya ako ngayon. "O-Oo, pupunta ako kapag pupunta kayo." Ngumiti ako sa kanila, madali akong nakakatakas tuwing gabi dahil wala si Mama at mag-isa lang ako sa bahay. "Game sa Sabado. Celebrate din natin relasyon ng utol natin kay Vinalyn." Bakas ang excitement sa mukha nila. Mukhang ako lang ang hindi masaya na makakasama namin siya sa aming grupo, pero sino ba naman ako para humindi, wala akong magagawa. Kaibigan niya lang ako. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD