Chapter 4

1198 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Hawak ko ng mahigpit ang cellphone ko. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Jairus posted a photo of him with Vinalyn sa mall. The caption was... "Official." Binitawan ko ang cellphone ko at bumagsak ito sa kama. Bakas ang saya sa mga mata ni Jairus. Ganoon din naman siya sa akin, pero pakiramdam ko espesyal talaga pagdating kay Vinalyn. Hindi ko siya masisisi, lahat na ng aspeto nasa babaeng 'yon. Ideal girl eka nga nila. Nagtungo ako sa kusina. Dahil magla-lunch na at sabado ngayon nasa bahay lang ako. Piprituhin ko na ang manok na minarinate ko kaninang umaga. Tulog pa si Mama at gigising 'yon ng lunch, at matutulog na naman. Mostly ang gising niya ay 3 pm para mag-ayos dito sa bahay at gumayak. Habang nagpiprito ako ng manok ay hindi ko maiwasang hindi malungkot, akala ko talaga hindi na sasagutin ni Vinalyn si Jairus. Umaasa ako na baka pwedeng kami na lang. He never had s*x with anyone, just me. Paano kapag nakipag-s*x din siya kay Vinalyn dahil sila na? Kakalimutan na ako ni Jairus. "Seira, aba! Kanina ka pa nakatulala diyan!" Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Mama. Sa taranta ko ay agad kong binaling ang manok, sakto at luto na ito pero hindi naman nasunog. "G-Gising na po pala kayo," ani ko. "Bumalik ba dito ang kuya mo?" tanong niya at kumuha ng plato. "Hindi po, Ma." "Nag-text ba sa 'yo?" "Hindi rin po." "Huwag mo na siyang pansinin." Napatitig ako kay Mama sa sinabi niya. Ganoon niya ba kadaling talikuran si Kuya? Anak niya pa rin si Kuya Benjie kahit nakagawa siya ng kasalanan. Pinatay ko ang kalan saka sinalin sa plato ang manok. "Kaya ikaw, magtapos ka ng pag-aaral," ani Mama at umupo sa upuan. Tumabi ako sa kaniya at nagsandok ng kanin. "Malapit na po ako gumraduate, Ma. Next year okay na po." "Oo, maghanap ka kaagad ng magandang trabaho para maganda kinabukasan mo. Huwag ka tumulad sa kuya mo, nagpamilya kaagad. Tignan mo siya ngayon, kung kani-kanino nangungutang wala pang magandang trabaho. Hindi pa kasi nakapag-antay, kaunti na lang makakatapos na siya. Sinayang lang lahat ng ginastos ko sa pag-aaral niya." Nasamid naman ako sa sinabi ni Mama. Kumuha ako ng tubig at uminom. "Nagkamali lang naman po si Kuya, nakikita ko naman pong mahal niya po pamilya niya--" "Mahal? Nakikita mo ba ginagawa sa mag-iina niya? Naglasing ang Kuya mo pinabayaan yung anak at asawa. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana samantalang hindi naman ganiyan ang Papa mo noong nabubuhay siya." Napayuko ako. Hindi na lang ako magsasalita dahil baka mali na naman ang masabi ko. Kumain lang ako habang si Mama ay nagsesermon. "Pangarap kasi sa inyo ng Papa niyong makapagtapos kayo. May nobyo ka na ba? Baka nagbo-boyfriend ka na pala," ani Mama. "P-Po? Wala po akong boyfriend," ani ko. "Huwag ka muna mag-aasawa. Seira, napakahirap ng buhay ngayon. Kita mo dina-daos kita sa pagca-call center agent ko. Napakalaki pa ng tuition mo, hindi naman tayo kasing yaman nila Jairus." "Matataas naman po yung grades ko. Sigurado po akong makukuha agad ako sa trabaho." "Oo, hindi naman tayo kagaya ng pamilya ni Jairus. Kung noon, kapantay lang natin sila noong nabubuhay ang Papa mo. Simple lang din ang buhay nila, tignan mo ngayon ang laki na ng bahay nila. Ganiyang bahay din ang ipagawa mo pag nakatapos ka na." Pakiramdam ko ay dinidiktahan na ni Mama ang magiging kapalaran ko. Binilisan ko na lang ang pagkain para matapos na ito. "Sa susunod na pupunta ang kuya mo, tapos wala ako. Sabihin mo huwag na siya bumalik." "Ma, hindi niyo na po ba mahal si Kuya dahil nagkamali siya?" hindi ko napigilan ang magsalita. "Anak, kung mahal ako ng kuya mo, rerespetuhin niya ako, ang paghihirap ko para pag-aralin kayo. Yung sakripisyo ko na sa lahat sa akin. Mula nang mawala ang Papa mo nakita niyo naman kung paano ako naging ilaw at haligi ng tahanan na 'to. Seira, ano bang tanong 'yan?" "S-Sorry po, Ma." Binitawan ni Mama ang hawak niyang buto ng manok. Uminom siya ng tubig at saka tumayo. "Kung kaya mong maglaba bukas, maglaba ka na, para ako na lang ang mamamlantsa," ani Mama bago bumalik sa kaniyang kwarto. "Sige po, Ma." Niligpit ko na ang mga plato at nagsimulang hugasan ito sa lababo. Naiisip ko si Kuya, naaawa ako sa kaniya. Mabait sa akin si Kuya noong bata pa lang kami kaya noong nag-asawa siya, na-miss ko siya pero napariwara talaga ang buhay niya bigla. Sana lang gumawa na si Kuya ng paraan para umayos ang buhay nilang magpa-pamilya. *********** Pagsapit ng hapon. Nagwawalis ako ng bahay nang bigla na lang pumasok si Jairus sa gate namin. Agad na lumundag ang puso ko sa tuwa nang makita ko siya. Binitawan ko ang walis na hawak ko saka tumakbo palabas ng bahay. "Jairus!" ani ko. "G*go! Kami na talaga!" sigaw ni Jairus. Tumalon siya at bigla na lang akong niyakap. Nawala ang saya na nararamdaman ko. May kirot sa puso ko ngayong nakikitang ganito kasaya si Jairus. "Hoy, hindi ka makapaniwala, 'no? Ganyan din sinabi nila Gil. Prank daw, mga ul*l!" "Wow! Congratulations!" pilit kong sambit. "Parang 'di ka masaya. Tagal ko nang hinihintay 'to, Seira." "Kaya nga, masaya ako para sa 'yo. Imagine, isang taon kang nanuyo sa kaniya tapos ngayon heto na sinagot ka na," ani ko at ngumiti. "Nakita mo na ba post ko sa social media ko? Bakit hindi ka pa naka-heart doon?" tanong niya. "H-Ha? Aling picture?" patay malisya kong sambit. "Nag-post ako. Sh*t napakaganda niya talaga. Pero maganda ka din, tapos sexy," mapang-asar niyang sabi. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking beywang saka nilabas ang cellphone niya. Napasandal ako sa matipuno niyang balikat saka tinignan ang cellphone niya. Pilit kong tinatago ang lungkot na nararamdaman ko. "Ang ganda nga niya," kumento ko. "Salamat talaga, Seira. Kung hindi dahil sa tulong mo noon at pagsuporta mo, baka sumuko ako kay Vinalyn. Alam mo naman, madami akong kaagaw, gandang babae kasi," nakangiti niyang sabi. Ngumiti rin ako sa kaniya. Lumayo siya sa akin at binulsa ang cellphone niya. Napatingin siya sa loob ng bahay. "Naglilinis ka pa ba?" "P-Patapos na, bakit?" "May nakita akong cotton candy sa kanto, bili tayo? Hindi ba paborito mo 'yon?" Tumango ako. Napatingin naman ako sa suot ko. "Dapat binilhan mo na ako, tignan mo suot ko nakapambahay lang ako. Ikaw naka-jeans. Mukha na naman akong Yaya!" reklamo ko. "Sus! Sa kanto lang naman. Naka-kotse kasi ako kanina, hinatid ko si Vinalyn sa bahay nila kaya hindi na ako nakahinto sa cotton candy." "Tsk, bili mo na lang ako." "Sumama ka na kasi! Lalakad lang naman, mabilis lang 'yon." Hinila niya ang kamay ko, wala akong nagawa kundi sumama sa kaniya. Habang nasa kalsada na kami ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Gusto kong mag-assume na baka gusto niya rin ako. Pero dahil magkaibigan kami sa loob ng sampung taon, tila ba normal na lang sa amin 'to. Kahit ang paghalik niya sa labi ko, parang wala lang para sa kaniya. Halik kaibigan lang talaga... **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD