Seira Anthonette's P. O. V.
Sinuot ko ang bago kong bili na sexy dress. Backless ito na fitted, kulay itim. Halos lumuwa na rin ang dibdib ko, lahat na ng ipit sa dibdib ko ay ginawa ko na para lang magkaroon ako ng cleavage. Gumamit ako ng dinidikit na push up bra. Nagsuot ako ng kwintas at lumalawit na hikaw.
"Sana naman magandahan sa 'yo si Jairus," bulong ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.
Kinuha ko ang perfume ko at nag-spray sa aking leeg at cleavage. Baka kasi maisipan ni Jairus na samahan ko siya pag-uwi, baka ma-solo ko ulit siya. Dapat mabango ako. Alam kong si Vinalyn ang sasamahan niya mamaya sa club, wala akong magagawa doon.
Hindi hamak na mas may karapatan si Vinalyn kaysa sa akin. Pilit ko siyang nilalayuan, kahit tanong siya ng tanong sa akin tungkol kay Jairus, sana tanungin niya na lang si Jairus, kaysa sa akin pa ipapadaan. Nakakairita lang.
"Seira?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Jairus. Paglingon ko sa pinto ng kwarto ko ay nakita ko si Jairus na nakatayo roon, napatulala siya sa akin. Namangha naman ako sa kagwapuhan niya, bagay na bagay sa kaniya ang jacket na suot niya pati pants. Mukhang bago rin ang rubber shoes niyang suot.
"Ready na, ha?" ani Jairus at mapang-asar na ngumiti.
Lumapit siya sa akin. Napangiti naman ako dahil mukhang napansin niya ang kakaiba kong suot ngayon. Kinuha ko ang lipstick sa ibabaw ng vanity mirror saka naglagay sa labi.
Nang matapos ako ay kumuha ako ng sling bag na itim rin para terno sa suot kong dress. Humarap ako sa salamin, habang si Jairus ay tumayo sa likuran ko. Hindi ko inaasahang paluin niya ang pang-upo ko.
"A-Ano ba!?" ani ko at sinamaan siya ng tingin.
"Lusog, ah. Pati dibdib mo. Nagwo-work out ka na ba ng hindi ko alam?" aniya at piniga pang muli ang pang-upo ko.
"Baliw! Hormones 'yan. Natural na sexy ako," ani ko at tinaasan siya ng kilay.
"Oo nga, bagay sa 'yo yung suot mo. Ang sexy mo. Huwag ka sasama sa mga lalake sa bar mamaya, malamang popormahan ka ng mga 'yon, lagot ako kay Tita Sonya kapag napaano ka." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Oo, hindi ako lalayo sa barkada," ani ko.
"Tara na, sabi ni Vinalyn nandoon na siya at sina Sammy."
Napaawang ang labi ko, ang aga naman nila. Usapan ay 10 pm. Nakakalungkot namang isipin na makakasama namin si Vinalyn.
"Trycicle na lang ba tayo?" tanong ko.
"Sa suot mong 'yan? Hindi ka pang-trycicle. Sa kotse ko tayo."
"Teka---"
"Hindi ko bubuksan yung aircon, huwag ka mag-alala."
Napangiti ako sa sinabi niya. Pinatay ko na lahat ng ilaw sa bahay at ni-lock ang pinto. Nagsuot ako ng heels at lumabas na kami ng gate. Nakita ko kaagad ang nakaparadang sasakyan ni Jairus sa tapat ng kalsada. Sumakay kami doon.
"Tinanggal mo air refreshiner?" tanong ko dahil wala akong nakita na nakalagay sa loob ng sasakyan.
"Oo," aniya at binuksan ang makina.
Binaba niya ang bintana ng passenger seat at drivers seat. Nagsimula siyang mag-drive. Napatingin naman ako sa kaniya, buti naman at inaalala niya pa rin ako. Siya ang nag-adjust para sa akin.
"Kahapon nga pala, galing ako sa bahay nila Vinalyn. Napakilala na niya ako sa magulang niya. Hinihintay ko namang tyempuhan na hindi busy sila Dad para makilala nila si Vinalyn."
Nawala ang saya sa puso ko. Mukhang sobrang seryoso ni Jairus kay Vinalyn, to the point na ipapakilala pa niya ito sa magulang niya. Kilala din naman ako ng parents ni Jairus pero mukhang espesyal ang pagpapakilala ni Jairus sa kaniya. Nakakainggit.
"Gano'n ba? Ayos 'yan. Pero hindi pa nila alam na may girlfriend ka na?" tanong ko.
"Hindi, lagi silang busy at wala sa bahay, paano ko masasabi. I don't want to message them, hindi nila 'yon papansinin. Busy sila sa pagpapalago ng negosyo."
"Hindi naman sila ganyan dati sa 'yo. Lumalabas pa kayo tuwing sunday, supposedly family day niyo."
Tumawa siya.
"Noon 'yon, nung bata pa ako. Malaki na ako, at malaki na rin ang company kaya wala nang ganoon. They are focusing on my lolo's company. After years daw kasi, sa wakas naibalik niya ito. I knew, ako ang magmamana noon."
"Good thing, settled na agad future mo, may company ka na. Nag-iisa ka lang naman nilang anak, lahat-lahat ng pinaghirapan nila ay sa 'yo din mapupunta."
"Seira, alam mo namang gusto ko lang maging masaya sa buhay. Ayoko ng ganoon kabigat na responsibility." Nawala ang ngiti sa labi niya.
"Sabagay, pero ang mahalaga, hindi ka na maghihirap kasi madaming nakatabing kayamanan magulang mo."
"Ewan ko, sino ba naman kasing may gusto na maging CEO. Sobrang daming ginagawa noon. Nakikita ko pa lang sila Mom at Dad na magtrabaho, nababaliw na ako sa dami nilang iniisip at ginagawa."
Napatango ako, naiintindihan ko siya. Kilala ko si Jairus. Happy go lucky lang 'yan. Never nag-effort ng matindi sa isang gawain. Maski sa assignment o projects niya, gusto niya simpleng gawain lang, ako pa tumutulong magpaganda ng gawa niya at mag-effort.
Nang makarating kami sa bar ay pinark na ni Jairus ang kaniyang sasakyan. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Raiko, nakasandal sa kaniyang motor habang hawak ang cellphone.
"Si Raiko, Jairus. Ayon!" ani ko sabay turo.
"Raiko! Kup*l!" sigaw ni Jairus at tumakbo kay Raiko.
"K*pal ka rin!" sigaw ni Raiko at kumaway.
Naglakad na ako patungo sa entrance. Nilabas ko ang ID ko para ipakita sa guard. Si Raiko naman at Jairus ay magkasabay na lumakad para pumila sa likod ko.
"Nasa loob na sila. Kasama na ni Sammy yung boyfriend niya."
"Si Vinalyn?" tanong ni Jairus.
Kita ko sa mata ni Jairus ang saya nang banggitin niya ang pangalan ng kaniyang nobya.
"Babe!"
Napayuko ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Naramdaman ko ang paglakad ni Vinalyn sa harapan ko para puntahan si Jairus na nasa likuran ko.
"Babe, kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ni Jairus.
"Hi, Seira. Sexy natin tonight. Mingle time na ba?" bati sa akin ni Sammy at hinawakan ang beywang ko.
Napatingin ako sa crop-top at skirt na suot ni Sammy. Ang sexy niya tignan.
"Ikaw nga 'tong sexy. Naka-skirt ka pa."
"Para easy access mamaya," bulong ni Sammy sa aking tenga.
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Hi, 'Tol!"
"Pareng Luke!" binati nila Jairus at Raiko si Luke na boyfriend ni Sammy.
Nakipag-fist to fist ang mga ito at lumapit naman sa akin si Vinalyn. Hindi ko inaasahang ibeso-beso niya ako. Nabigla ako sa ginawa niya, para bang close na rin talaga kami.
"Ang sexy mo, ah!" ani Vinalyn.
Napangiti ako at pinilit na maging mabait sa kaniya.
"Sus! Ikaw nga 'tong sobrang sexy, maganda pa!"
Napangiti naman si Vinalyn sa sinabi kong gusto kong iluwa. Nakasuot siya ng dress, sobrang ikli nito sa kaniya na parang masisilipan na siya. Bakat na bakat naman ang dibdib nito pero hindi kita ang cleavage niya, mukhang wala siyang cleavage. Kulay silver ang suot niya na bumagay sa kutis niya.
Isang waiter ang lumapit sa amin, kumuha kami ng drinks.
"Uminom na kayo, sagot ko ang gabing 'to. Para sa celebration ng relasyon namin no Vinalyn!" ani Jairus.
Nagsipagsigawan sina Gil, Sammy, at Raiko. Mukhang suportado talaga nila si Jairus sa relasyon niya kay Vinalyn. Pinanood ko si Vinalyn na ipulupot ang kaniyang kamay sa braso ni Jairus. Napaawang ang labi ko nang makitang halikan ni Jairus ang pisngi ni Vinalyn. Halata namang kilig na kilig si Vinalyn sa ginawa nito.
Napairap ako at naglakad patungo sa reserved seat namin. Magkatabi si Sammy at Luke habang ako ay mag-isa sa dulo na upuan. Tumabi sa akin si Jairus at Vinalyn. Gusto kong umalis sa kinauupuan ko pero nasa tabi ko si Gil na umiinom.
"Hahanap ako ng sexy babes. Sasama ka ba, Gil?" tanong ni Raiko.
"Dito muna ako, pre. May ka-chat din akong chixx!" sigaw ni Gil.
Narinig ko naman ang malanding tawa ni Vinalyn. Sumimangot ako, para bang iniipit niya pa ang boses niya kapag kausap si Jairus. Tinungga ko ang bote ng alak ni Gil. Nagulat naman ito sa ginawa ko.
"Oh, mukhang problemado ka?" aniya.
"H-Hindi, ah. Nag-iinom lang."
"Balak mo ba magpakalasing?" tanong ni Gil.
"Hindi, lagot ako kay Mama."
"Kaya nga, bakit ka tumutungga?" tanong niya pa.
"Hayaan mo na 'yan, pre. Minsan lang makatikim ng alak 'yan." Biglang nagsalita si Jairus.
"Oh! It's Krystal!" sigaw ni Vinalyn at tumayo bigla.
Pinanood namin siyang lumapit sa isang babae at nakipagbeso-beso. Mukhang normal na sa kaniya ang beso-beso.
"Kuha ako ng hard drinks?" tanong ni Jairus sa akin.
"Baka malasing ako, nagpapainit lang ako ng katawan since malamig." Tinuro ko ang aircon na nakatapat sa amin.
"Nilalamig ka na ba? Himala kasi talaga nag-backless ka pa. Wait." Tinanggal ni Jairus ang kaniyang jacket.
Napangiti ako. Akmang ibibigay na niya ito sa akin pero tumabi sa kaniya si Vinalyn.
"Babe, nilalamig na ako. Ikaw ba?" ani Vinalyn.
Nakatingin siya sa jacket ni Jairus. Nagkatitigan kami ni Jairus. Tumango ako sa kaniya, hudyat para ibigay niya ang jacket kay Vinalyn.
"Nilalamig ka rin?" tanong ni Gil.
"Medyo," sagot ko.
"Teka, may jacket si pareng Raiko. Hanapin ko lang," aniya at tumayo.
"Hindi na, okay lang---"
"Parang g*go, teka hahanapin ko," aniya.
Tumango ako at umalis na siya. Umusog akong kaunti para lumayo kala Jairus. Tinungga kong muli ang alak at nakita ko namang maarteng uminom si Vinalyn sa shot glass.
Nakita kong bumalik si Jairus dala ang isang leather jacket. Hinagis ito sa akin ni Gil.
"Salamat."
"Tara kayo, may kalandian na doon si Raiko sa gitna. Nagte-twerk yung babae!" tumatawang sabi ni Gil.
Tumayo sina Sammy at Luke. Ganoon rin si Jairus at Vinalyn. Bago lumakad si Jairus ay nilingon niya ako.
"Tara, Seira!" aya nito sa akin.
"Iinom muna ako, kayo na lang!" ani ko.
Kumaway pa sa akin si Vinalyn saka sila naglakad ni Jairus palayo. Wala akong ganang napasandal sa kinauupuan ko saka tinungga ang alak na iniinom ko. Dati, tuwing mag-iinuman kami. Sa akin lang ang atensyon ni Jairus. Ngayon nasa babaeng 'yon na. Sobra din makalingkis iyong si Vinalyn, hindi ko akalain na ganoon pala siya.
Isang lalakeng may kulang ang buhok ang lumapit sa akin.
"Miss, are you alone?" tanong niya.
"I'm not."
"Yes, you are."
Akmang uupo siya sa upuan para tabihan ako pero tumayo agad ako sabay kuha ng bote ng alak.
"Sabi ngang meron, ang kulit mo," inis kong sabi at lumakad palayo.
Malakas ang tugtog sa speaker. Nagtatalunan ang mga tao sa gitna ng. Nakita ko naman sina Jairus at Vinalyn na masayang nakikitalon kasama ng iba. Lalakad sana ako palayo pero may humawak sa braso ko.
"Hoy, huwag ka nga lumayo sa amin."
Napatingin ako kay Raiko.
"Who is she?" tanong ng babaeng malaki ang dibdib at mapula ang labi.
"Kaibigan ko," sagot ni Raiko.
"Sige na, mag-enjoy na kayo!" sigaw ko.
"Baliw ka ba? Baka may mangyare sa 'yo. Doon ka kay Gil. Umiinom lang 'yon, para may kasama ka," aniya.
"Oo, sige!" ani ko.
Binitawan na niya ang braso ko. Lumakad ako papalapit kay Gil na pumapadyak-padyak pa dahil sa tugtog.
"Kamusta chixx mo?" tanong ko.
"Wala, negative. Hindi ako gusto, pera habol!" sigaw niya at uminom ng alak.
"Ngek, malas mo naman."
"Kaya nga, madami pa namang chixx dito. Ikaw ba? Hindi ka hahanap ng macho dito?" tanong niya.
"I'm not interested," maarte kong sabi.
Biglang nag-iba ang tugtog. Isang pamilyar na beat ang narinig namin. Nagsimulang kumanta ang mga tao, para bang mas malakas pa ang mga boses nila kaysa sa kumakanta mula sa speaker. Nakisabay kami ni Gil sa pagkanta at napatalon.
Nakaramdam ako ng saya kahit na hindi ko kasama ngayon si Jairus. Naroon siya sa tabi ng taong mahal niya. Kailangan ko lang sigurong masanay na wala si Jairus sa tabi ko, mukhang sasaya rin naman ako kagaya ngayon.
*****************