Chapter 28

1208 Words
Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn. Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira. "Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya. Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa. Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami. "Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko. Sumama ako sa kaniya patungo sa malaki nitong walk in closet. Ngayon lang ako nakapasok dito, hindi ko akalain na ganito pala kalaki at kadami ang mga gamit ni Vinalyn. Iba't ibang klaseng hand bag at sling bag ang mga naka-display. Halos nasa twenty pieces ang mga heels. Namangha ako sa ganda ng mga 'yon. "Pwede naman kahit ano lang isuot mo. T-shirt nga lang ako bukas," ani ko. Ayoko kasi talaga ang namimili, parang mali lagi ang pinipili ko. Kaya sa lahat ng bagay, si Seira ang pinagdedesisyon ko. Kapag siya ang pumili, okay na okay sa akin. Pero ngayon, wala na siya at hindi ko na mahanap. "I want to look pretty. So, pick one," aniya at tinuro ang mga dress na naka-hanger pa. "Lahat maganda, Babe." "Pero pumili ka, please..." hinawakan niya ang pisngi ko. Napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko na maramdaman ang nararamdaman kong saya noon tuwing kasama ko si Vinalyn. "Babe..." bulong niya. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Nang dumampi ang labi niya sa labi ko ay kusa akong napapikit. Napahawak ako sa kaniyang beywang habang patuloy siya sa paghalik sa akin. Hinila ko siya palabas ng walk in closet. Hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Nakapikit lamang siya habang dinadama ang labi ng isa't isa. Pagdating namin sa kama ay tumigil siya, sabay napatitig sa akin. Bigla niyang tinanggal ang suot niyang croptop dahilan para makita ko ang kaniyang dibdib. Hindi ko naman inaasahan ang paghila niya sa leeg ko dahilan para mapaibabaw ako sa kaniya. Muli niya akong hinalikan sa aking labi. Ito ang unang beses na hinalikan niya ako ng matagal. Dinala sa kaniyang kama at malapit nang gawin ang milagrong kami lang ni Seira noon ang gumagawa. Napatigil ako nang muling pumasok sa isip ko si Seira. Siya ang naalala ko sa ganitong posisyon at eksena. "What's the matter, Babe?" Hinaplos niya ang pisngi ko at handa na muling halikan. Umiwas ako at naupo sa kama. Napayuko ako. Hindi ko maramdaman ang init ng aking katawan sa kaniya, walang-wala kapag si Seira na ang kaharap ko. Tila ba wala akong gana makipagtalik kay Vinalyn, samantalang siya ang nobya ko. Hindi ba dapat sa kaniya ako magpakahibang sa kama? "Jairus, bakit ba?" bakas ang pagkairita sa boses ni Vinalyn. "We must stop." Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata. "Why? Ikakasal na tayo. Okay lang naman siguro kahit mag-s*x na tayo. Since after ng kasal, gagawin din naman natin 'to." She's too confident. Hindi ko naman masabi sa kaniya ang totoo, na wala akong gana sa kaniya. Sa tagal nang wala ni Seira ay ganoon din ako katagal na hindi mapakali. "Babe, ano ba? Bakit ba wala ka na naman sa sarili mo?" inis niyang tanong at tinakpan ang katawan niya. "Magbihis ka na," ani ko. "What? Are you going to give me a cold treatment, again?" tanong niya. "Hindi sa ganoon, sadyang ayoko lang muna gawin 'to." "Yung totoo, Jairus. Are you loosing your mind? You've been so lutang these past few days." Sinuot niya ang kaniyang damit. Napabuntong hininga naman ako. Hindi naman siya nakakatulong para mahanap si Seira. "Iniisip ko lang yung kasal..." alibay ko. "Kasal o si Seira?" Napatigil ako. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking palad. "I knew it..." bulong niya. "Vinalyn--" "What!? That woman is messing my soon to be husband's mind! Hindi ba dapat akong ma-bothered?" sigaw niya. "She's my friend---" "But you're acting like she's your life. Na kapag wala siya, wala ka na rin! Since Seira's gone, all you did was to look for her. Akala mo ba hindi ko alam? I ignored everything para sa relasyon na 'to. Because I want to marry you, Jairus!" sigaw niya. Unti-unting tumulo ang luha niya. Wala akong magawa kundi ang panoorin siya, hindi ko na kaya i-defend pa ang sarili ko sa kaniya. Totoo lahat ng sinasabi niya. "I'm sorry... Vinalyn." "You're such a bullsh*t, Jairus! Napakag*go mo. Alam mo ba 'yon? Kahit na ako yung nandito, sa lahat ng oras. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko that I am not enough for you, na si Seira lang ang kukumpleto sa 'yo. All those f*cking cares for her. Wala akong maramdaman kundi selos--" "Vinalyn, akala ko ba tanggap mo ang pagkakaibigan namin?" Napatayo ako habang siya ay patuloy sa paghagulgol. "Kaibigan? It doesn't feel na kaibigan lang ang tingin mo sa kaniya. Do you f*cking love her?" Napalunok ako sa sarili kong laway. Alam ko ang isasagot ko pero natatakot ako... "F*cking answer me, Jairus! Do you f*cking love---" "OO, VINALYN!" kusang tumulo ang mga luha ko. "M-Mahal ko talaga siya..." Sinugod ako ni Vinalyn habang lumuluha siya. Nakatanggap ako ng hampas, sampal, at sipa mula sa kaniya. Hindi ko siya masisisi, tanggap kong nagkamali ako. Na ipilit ang nararamdaman ko kay Vinalyn kahit na ang tunay na laman ng puso ko ay si Seira. "Hayop ka! You f*cking used me! You never loved me--" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. "I am wrong, I'm really sorry. A-Akala ko magagawa rin kitang mahalin kagaya kay Seira. Sorry... I'm so sorry--" Muli niya akong sinampal. "Y-You're not even aware. T-That every words you said now, i-is breaking my soul... Jairus, how dare you? Minahal kita ng totoo, but you--you---" bigla siyang bumagsak sa sahig. Akmang hahawakan ko siya para itayo pero tinulak niya ako. Tinanggal niya ang sing-sing sa kaniyang daliri at hinagis ito sa akin. Tumama ito sa dibdib ko. "Leave! We're done!" sigaw niya. Pinunasan ko ang mga luha ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagsisisi. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito. "AAARRGGHH!" rinig kong sigaw ni Vinalyn habang palabas ako ng kanilang bahay. Kung kailan wala si Seira, saka ako naging sigurado sa sarili ko. Si Seira ang mahal ko... Siya ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. I will do and risk everything to be with her again. Patuloy ako sa pagluha at sumakay sa aking kotse. Napalingon ako sa passenger seat, na pwesto ni Seira. Muli kong naalala ang imahe niyang nakangiti sa tuwing kasama ko siya. I miss her so bad. "Nasaan ka na ba, Seira?" ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD