Chapter 27

1240 Words
Jairus Gael P. O. V. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Isang linggo na akong nababaliw kakahanap kay Seira, dahil isang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Minsan ay nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak, hindi ko kailan man kinaya na hindi siya kausapin sa loob ng isang araw. Sampung taon, hindi ko akalain na mawawala na lang siya bigla. Narito ako ngayon sa tapat ng pinto ng bahay nila Seira, nagbabakasakali na kakausapin na ako ni Tita Sonya matapos niya akong palayasin kahapon dahil sa kakatanong ko kung nasaan si Seira. Tila ba naglayas siya, galit sa kaniya si Tita Sonya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin, kung pwede ko naman siyang ampunin na lang, dito na lang siya sa bahay. "Tita Sonya!" sigaw ko at muling kinatok ang pinto. Ilang minuto na akong nakatayo rito. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako dahil hindi ako mapakali. Kailangan ko malaman kung nasaan siya, kung may problema ba, kung napaano na ba siya, at kung anong lagay niya ngayon? "Tita Sonya, please po--" Biglang bumukas ang pinto. Napaatras ako sa sama ng tingin sa akin ni Tita Sonya. "Umalis ka na." "Tita, mag-file na tayo ng missing. Ako na pong bahala sa reward, kahit magkano---" "Wala na nga si Seira! Hindi na babalik ang batang 'yon." Tila ba wala lang sa kaniya ang sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan, na paano niya nakakayang wala sa tabi niya ang mga anak niya. Noong una mahal na mahal niya si Seira pero ngayon kagaya na lang din ni Seira ang kuya niyang si Benjie? "Tita, ako na lang po ang magfa-file ng missing--" "Tumigil ka na. Huwag mo nang guluhin pa ang anak ko. Hinahanap na niya ang sarili niya at nagpapakatino!" sigaw nito. Napakunot ang noo ko. Hindi pa ba matino ang tingin niya kay Seira? Ibang-iba si Seira sa kuya niya, tapos hahayaan lang ni Tita na umalis si Seira? "Sabihin niyo na lang po kung nasaan siya, ako na pong susundo sa kaniya--" "Wala akong alam kung nasaan siya. Bakit ba sobrang kulit mong bata ka? Hindi ka ba talaga titigil!?" sigaw nito. Niyukom ko ang kamao ko. Ayoko mawalan ng galang sa kaniya dahil siya ang nanay ng babaeng minamahal ko, pero sumosobra na siya. "Ako, kaibigan niya lang pero hindi ako tumitigil hangga't hindi ko siya nahahanap. Samantalang ikaw, Tita Sonya. Ina ka ni Seira pero parang wala lang sa 'yo ang pagkawala niya sa loob ng isang linggo, kung kay kuya Benjie ayos lang sa inyo---" Naramdaman ko ang pagtama ng palad ni Tita Sonya sa aking pisngi. Napapikit ako ng mariin sa sakit. "Wala ka bang galang!? Alam ko ang ginagawa ko bilang ina! Hindi sa lahat ng pagkakataon nandito ako para gabayan sila, kaya kailangan nilang tumayo sa sarili nilang mga paa. Malalaki na sila, alam nila ang ginagawa nila." Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis niyang sinarado ang pinto. Tuluyang bumuhos ang luha ko. Mukhang kahit anong gawin ko, ganoon talaga. Hindi ko pwede pangunahan si Tita Sonya, tama naman siya. Siya ang ina. Para akong lantang gulay na bumalik sa bahay namin. Pumunta ako sa aking kuwarto habang lumuluha. Hindi pa rin matahimik ang utak ko hangga't hindi ko nalalaman kung nasaan si Seira. "Isang text o tawag mo lang, Seira... Malaman ko lang na okay ka," bulong ko at naupo sa kama ko. Binuksan ko ang drower sa aking side table, nakita ko doon ang bracelet na binigay sa akin ni Seira. Hindi niya alam na sobrang saya ko nang ibigay niya ito sa akin. Ngunit minsan namin itong pinag-awayan ni Vinalyn dahil suot ko ang bigay niya. Wala na akong pakialam. Muli kong sinuot ang bracelet. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Mabilis akong lumabas ng aking kwarto para lumabas. Naisip kong baka si Seira na iyon. "Babe!" Nawala ang ngiti ko nang makita ko si Vinalyn. Dahan-dahan akong lumapit sa gate para pagbuksan siya. "Bakit parang ang lungkot mo?" tanong niya. "Hindi, Babe. Inisip ko lang yung sa kasal natin, lalakarin na ba natin yung papers?" tanong ko. "Of course, may problema ba?" tanong niya. "N-Nothing... It's just, hindi pa rin namin ma-contact si Seira. Kung ikakasal na tayo next month baka hindi siya umabot bilang bride's maid," ani ko. Napakunot ang noo niya. "What? Hanggang ngayon ba hinahanap mo pa rin si Seira? Bakit hindi mo na lang siya hayaan. I have my friends to be a bride's maid kung iyon ang problema mo." "But, Babe. Gusto ko sanang si Seira ang bride's maid." Bumuntong hininga siya. "Jairus, we've talked about this. Stop finding Seira. Nandito naman ako," aniya. "I know, kaya nga hinahanap ko siya kasi wala siya dito." "Pilosopo ka talaga, but this time hindi na nakakatuwa. The hell! You're still wearing that cheap bracelet? Tapos yung regalo ko sa 'yong relo, hindi mo masuot-suot!" sigaw niya. "Babe---" Tinalikuran niya ako. *********************** Seira Anthonette's P. O. V. Ito ang nakakakabang araw. Simula na ng aming pasok sa trabaho, ang unang araw. Sana lang ay maging maayos ang takbo ng lahat. Sana wala akong palpak na magawa. "Girl, yung blouse mo nakayupi," bulong sa akin ni Dorothy. Agad ko itong inayos. Tumayo ang lahat ng empleyado sa tabi ng elevator kaya sumunod kami, ito raw kasi ang routine dito. Bilang newbie kailangan namin makisama at sumunod. Bumukas ang elevator at yumuko ang lahat, sumunod kami ni Dorothy. "Good morning, Mr. Johnson!" bati naming lahat. "Good morning. Today, is the first day of our new five employees. I hope everyone get along together. My assistant will check up on everyone later on." Ngumiti ito sa amin. "Yes, Sir!" "You may go to your desks." Lahat kami ay naglakad na. Nagtungo ako sa divider kung saan nakalagay ang pangalan ko. Halos lahat ay Amerikano, nakakapanibago. Lumapit ako sa computer ko, sa tapat ko ay may babae at sa tabi ko ay may lalake. Nakita kong nakabukas na ang kanilang computer, napatitig naman ako sa computer ko. Hindi ba 'to bubukas ng automatic? Sinilip ko ang babae sa harapan ko, nagsisimula na siyang magtrabaho. Naupo ako sa swivel chair at nag-act normal. Nakakita ako ng power button ng desktop at binuksan ito ngunit hindi gumana. Hinanap ko ang wire ng computer, napaawang ang labi ko dahil nakasaksak naman ito. Ano bang kailangan kong gawin para bumukas ito? Hinanap ng mata ko si Dorothy, nasa dulo siyang divider. Ang layo niya! "Mukhang palpak ang unang araw ko," bulong ko. Kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Dorothy. Ilang minuto pa ay hindi niya pa rin ako nase-seen. Sinubukan kong pindutin ang mouse pero wala talagang lumalabas sa screen. "Excuse me, do you need help?" Napatingin ako sa lalakeng katabi ko. Ngumiti ako sa kaniya. "Y-Yes, I can't open it," nahihiya kong sabi. "Oh, you just need to click this first. This is the CPU of your computer and this is mine." Tinuro niya ang dalawang malaking CPU na magkatabi sa ilalim namin. Napatango ako, wala naman kasi kaming computer sa bahay. Laptop lang ang meron ako. Wala akong alam dito. "Right, thank you so much!" ani ko nang bumukas ang desktop. "I got you. Are you from the Philippines?" tanong nito. "Yes. I am just new here." "What's your name, my new colleague?" "Seira Anthonette." Nilahad ko ang kamay ko. "Iverson, it's nice meeting you." Tinanggap nito ang kamay ko. ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD