Chapter 22

1580 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Itinago ko ang pregnancy test at ultrasound sa isang kahon ng luma kong sapatos. Inilagay ko ito sa ilalim ng vanity mirror ko, nagdarasal na huwag iyon galawin ni Mama. Hindi ko pa alam paano ko sasabihin sa kaniya, hindi niya pwedeng malaman 'to lalo na't hindi pa ako guma-graduate ng kolehiyo. Ano na lang ang iisipin niya? Na kagaya lang ako ni Kuya Benjie, nagpabaya sa pag-aaral at nabuntis. Saka ko na sasabihin kay Mama ito. Kailangan ko lang maging settled financially. Kailangan ko ng pera para sa ultrasound at vitamins na kailangan ko i-take ngayong buntis ako. Ayoko ito ipalaglag, hindi ko papatayin ang sarili kong anak. Kinuha ko ang cellphone ko at napahiga sa kama ko. Tinawagan ko si Dorothy, nakakadalawang missed call na ako, ayaw niya sumagot. Kailangan ko ng pera... "Dorothy!" hiyaw ko nang sagutin niya ang tawag. "Ano na? Kamusta pagpapakatanga mo. Ang dami mo pa lang missed call, naliligo ako, beh!" aniya. Napangiti ako, siya lang ang malalapitan ko sa ganitong problema. Malaki ang tiwala ko sa kaniya, hindi lang dahil pinsan ko siya kundi dahil matagal na kaming magkaibigan. "Dorothy, baka naman pwedeng ilakad mo 'ko sa sinasabi mong trabaho pagkatapos gumraduate." "Huh? May sakit ka ba?" aniya. Napakunot ang noo ko. "B-Bakit?" "Nakakapanibago lang. You used to refuse but now you are asking me to help you? What changed your mind?" Buntis ako... "Wala, kailangan ko lang ng pera. Baka kasi hindi na ako mag-board exam. Didiretso na ako diyan sa inyo pagkatapos kong gumraduate." Napakagat ako sa dulo ng aking kuko sa kaba. "Seryoso ka talaga? I wonder what did you eat, it feels like desidido ka na talaga. Did your mother forced you? Ano bang nalaman ni Tita Sonya? Kinausap na naman ba siya ni Mom?" sunod-sunod na tanong nito. Napabuntong hininga naman ako. Ito lang ang paraan para ma-survive ko ang batang 'to nang hindi nalalaman ni Jairus na buntis ako. Kailangan ko siya ilayo sa ama niyang may minamahal na iba. Naisip kong kakayanin ko namang palakihin ang batang 'to mag-isa. "Wala, hindi ako pinilit ni Mama," sagot ko. "Oh, bakit aalis ka ng Pilipinas? Hindi mo na ba gusto makasama si Jairus?" tanong niya. Tila ba may kirot sa aking puso nang banggitin niya ang pangalan ni Jairus. Hindi ko pa rin matanggap na nabuntis niya ako pero heto na ito, kailangan ko kumilos, hindi ako pwedeng tumanga at pabayaan ang dinadala ko. "A-Ano... Si Jairus kasi, magpo-propose na siya kay Vinalyn." Napakagat ako sa ibabang labi ko, pinipigilan ko ang luha ko. Hangga't kaya ko, ayoko umiyak. Sinabi ng Doktor na masama ang stress sa pagbubuntis ko. Mabuti na lang at healthy ang baby ko. "The f*ck, are you serious? How did you know that he's going to propose?" gulat niyang tanong mula sa kabilang linya. "S-Sinabi niya sa akin. Pinapili niya ako ng sing-sing, tapos para kay Vinalyn pala---" "D*mn it! The f*ck if wrong with that guy? Ikaw pa pinapili ng sing-sing na ibibigay niya sa babaeng 'yon?" Bakas ang frustration sa boses niya. "You know what? It's a great decision na you're coming here with me. Ang daming boys dito and they are good men, I know you'll find someone better." Kusang tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Hindi ko kailanman naisip na humanap at magmahal ng ibang lalake, tanging si Jairus lang ang minamahal ko. "Mahal ko si Jairus pero... This time, parang talo na talaga ako," bulong ko. "Gosh! Obviously talo ka na nga, he's gonna get married soon. Sabi ko sa 'yo noon pa lang mag-move on ka na. But here you are realizing it on your own." "Pero hindi ibig sabihin no'n, hindi ko na siya mahal--" "Kailan ba ma-e-expired ang pagiging tanga mo, Seira?" Napabuntong hininga ako. "Hindi ganoon kadali mag-move on, Dorothy, ten years 'yon." "Whatever. I'll tell Mom and Dad that you're gonna stay here. When nga pala ang graduation mo?" "This month, final exam namin bukas. Tapos practice para sa graduation, maybe the next two weeks," sagot ko. "Got it." "Dorothy, pwede ba ako makahingi ng favor?" "Ano na naman, tanga?" "Baka pwede umutang sa 'yo, kahit isang libo sana." "Aanhin mo, girl?" "Alam mo na, pa-make up sa graduation." Alibay ko. "Hindi ba sagot ni Tita Sonya 'yon?" "A-Ayoko na siya gumastos." "Sige, I'll send you money right now sa account mo. Ikaw na mag-withdraw, ikaw na rin sa charges." "Sige, salamat talaga. Pasensya ka na, ikaw lang malalapitan ko." "No problem, we're sisters." Binaba niya ang call, ilang sandali pa ay nag-notify sa akin ang money transfer account ko. It says that I received 200 dollars from Dorothy. "H-Hala, ang laking pera!" gulat kong sambit. Then I read her message. {Advance happy birthday, I'm happy na malapit na tayo magsama, ingat ka palagi!} Tumayo ako at nag-ayos para umalis. Kailangan ko na ng pera kaya iwi-withdraw ko na ito. Akmang kukuha ako ng perfume sa vanity mirror. Nakita ko ang kwintas na binigay sa akin ni Jairus napabuntong hininga ako, kinuha ko ito saka tinago sa maliit na box kasama ng ilang accessories ko. **************************** Ngayon ang last day ng aming exam, also my birthday. Nang matapos ang pagsusulit ay panay ang bati sa akin ng mga kaklase ko. Nakatanggap ako ng ilang simpleng regalo mula sa ilang kaibigan ko rito sa classroom. Dahil uwian na, lumabas ako ng classroom. Sinalubong ako kaagad nina Sammy na nasa hagdanan. Niyakap niya ako at may inabot na isang paper bag. "Happy birthday, girl!" aniya. Nasa likod nito sina Gil at Raiko. "Regalo naming tatlo 'yan, sana magustuhan mo. Happy birthday." Nakangiting bati ni Gil. "Nag-ambagan kami diyan, ipapakulong kita kapag hindi mo nagustuhan 'yan!" sigaw ni Raiko. "Bwisit, may pagbabanta talaga!" ani ko. Napatingin ako sa paligid, hindi ko nakikita si Jairus. Umaasa pa naman akong may maibibigay din siyang regalo sa akin, wala man lang paramdam. Kinuha ko ang laman ng paper bag, isang kahon ng mamahaling relo ang narito. Branded ito at sobrang ganda. Manghang-mangha naman ako. "Grabe... Gumastos kayo ng ganito?" "Para sa 'yo," ani Sammy. "Maraming salamat!" ani ko at niyakap silang tatlo. "Hindi ba tayo lalabas?" tanong ni Gil. "Uuwi rin kasi ako, si Mama may pasok mamayang gabi kaya ngayong hapon kami aalis para bumili ng laptop ko." Napangiti ako. "Naks, magkakaroon na siya ng sariling laptop!" bati ni Raiko. Sinamahan nila ako palabas ng gate. Hinatid pa ako ni Raiko sa kaniyang motor para mabilis daw akong makauwi, hindi ko na binanggit si Jairus sa kanila tutal mukhang wala siyang plano na batiin man lang ako. ******************* Pagsapit ng gabi, inaayos ko ang mga regalo na natanggap ko. Nakabukas rin ang bago kong laptop at tinitignan ko kung anong mga functions nito. Na-excite akong gamitin ito. "Seira? Hello! Tao po!" napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Jairus. Hindi ko alam kung lalabas ako. Wala na si Mama at nasa trabaho na nito. "Seira? Tulog ka na ba?" sigaw nitong muli. Ni-lock ko kasi ang pinto kaya hindi siya makapasok. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang pinto, nakangiti siyang sinalubong ako. May dala siyang cake at bouquet, hindi bulaklak kundi mga nakaplastik na cotton candy pero nakakurba ng flowers. Napangiti naman ako sa ganda ng idea na ginawa niya dahil paborito ko ang cotton candy. "Happy birthday!" Kinuha mo ang cotton candy na bouquet. Tila ba natakam ako, gusto ko na itong kainin agad. "Wow, target locked. Hindi pinansin yung cake. Mayroon pa akong regalo sa 'yo, dress oh, para kapag nag-bar tayo." Pumasok siya sa bahay kahit hindi ko sinabi. Nilagay niya sa lamesa ang cake at maliit na paper bag. Lumapit ako sa kaniya, ipinatong ko sa lamesa ang mga cotton candy. Kumuha ako ng isang nakaplastik saka binuksan ito, kinain ko ang hugis sunflower. "Seira, hindi ba tayo iinom? Birthday mo," aniya. "Hindi, ayoko na mag-inom," ani ko. "Bakit? Dahil ba sa nangyareng gulo nung huling inom natin?" Dahil buntis ako. "Basta... Ayoko lang, bagong buhay na ako. Maraming salamat, ha? Nagustuhan ko 'tong mga regalo mo," ani ko. "Buti naman, ipapakita ko sana sa 'yo 'to. Binili ko kanina lang. Iyong pinili mo 'to." Naglabas siya ng pulang kahon mula sa bulsa niya. May kirot sa aking puso habang nakikita ang hawak niyang sing-sing, ipinakita niya iyon sa akin, sobrang ganda at halatang mamahalin sa kinang nito. Bagay na bagay kay Vinalyn at hindi sa akin. "Ang ganda, goodluck sa proposal mo," ani ko at pilit na ngumiti. "Alam mo na, buddy. Tulungan mo 'ko sa set up. Ikaw magaling sa ganito, para maganda yung surprise ko." Sa mga oras na 'to, gusto ko na siyang palayasin. Ako na naman ang gagamitin niya sa pag-surprise kay Vinalyn samantalang hindi niya alam na dinadala ko ang anak niya. "Seira..." hinawakan niya ang pisngi ko. Napatitig ako sa mga mata niya, pinunasan niya ang gilid ng labi ko. Akmang lalapit na ang kaniyang mukha pero umiwas ako. "Jairus... Ikakasal ka na, sa tingin ko dapat na nating itigil 'to," ani ko. "Oh... Right, I am sorry. Nadala lang ako," aniya at binitawan ako. Sa ugaling ipinapakita niya sa akin ngayon pa lang, hindi na dapat niyang malaman na mayroon siyang anak. Sana lang, hindi lumaking kagaya niya ang anak namin. Balak na niyang magpakasal pero heto siya at gusto pa akong mahalikan. Sa tingin ko, hindi na tama 'yon. **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD