Chapter 23

1198 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Hawak ko ang aking tiyan, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ngayong alam ko na talaga na buntis ako, parang sobrang arte ng pag-iingat ko sa sarili ko. Ngayon kasi ay nagpa-practice kami ng graduation ceremony, paulit-ulit kaming lumalakad sa stage at nagba-bow. Kinakabahan naman ako na baka matagtag ang katawan ko at mapasama ang baby ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong may laman ang tiyan mo, nabubuhay na kailangan mong ingatan. Nagiging praning na ako. "Seira, gusto mo ng tubig?" Napatingin ako kay Jairus, nakatayo ito sa gilid ko at may hawak na bottle of water. "Salamat," ani ko at tinanggap ito. Pinunasan ko ang aking pawis saka uminom ng tubig na ibinigay niya. Umupo siya sa tabi ko, napakunot naman ang noo ko, baka mamaya makita na naman kami ni Vinalyn at bumunganga na naman siya. "Seira, mamaya alam mo na." Napabuntong hininga ako, heto na naman siya para ipaalala ang proposal na magaganap mamaya. "Oo, na-set up naman na." "Buti na nga lang pumayag yung parents niya kaso hindi sila makakasama dahil may trabaho, hahabol naman daw sila Mama na mapanood yung proposal ko, pero mamaya ikaw mag-video, gamitin mo cellphone ko." Pabulong lamang siya magsalita dahil baka marinig ng ibang tao. "Oo na, sige na. Umalis ka na, baka makita ka pa nila Sir." Pagtataboy ko sa kaniya. Tumango naman siya at agad na umalis. Napabuntong hininga naman ako, muling naglakad ang mga teachers paakyat ng stage. Hudyat para magsimula na naman ang aming practice. ******************** Nang matapos ang mahaba naming araw, kasama ko si Jairus sa parking lot. Dahil kailangan ay maihatid niya raw ako kaagad sa bahay nila since ako ang maghahanda roon. Masakit man sa akin pero ito na ang huli kong pagtulong sa kaniya. "Seira, mamaya nga pala pakibuksan yung ilaw sa pool," utos niya. "Sige, ako nang bahala." "Tapos yung flowers paki-spray ulit, habang sinusundo ko si Vinalyn ikaw na muna sa bahay." "Oo." "Baka dumating sila Mama, sabihin mo huwag muna sila lumabas sa garden. Hayaan muna nila na sumagot si Vinalyn sa tanong ko bago sila lumabas. Ayoko naman ma-pressure si Vinalyn sa pagsagot dahil makikita niyang nandoon si Mama." "Oo." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, huminto ang sasakyan dahil narito na kami sa bahay. Napatitig ako sa mukha niya, tila ba kakaiba ang mga tingin niya sa akin. "Salamat, Seira. Alam ko madami ka nang sakit ng ulo dahil sa akin, sana huwag ka mapagod na tulungan ako at mag-stay ka lang sa tabi ko." Napalunok ako sa sarili kong laway, hindi niya alam na malapit na akong mawala sa tabi niya. Unti-unti ko na ring tinatanggap na sa kompetisyong ito sa puso ni Jairus, panalo si Vinalyn. "Handa akong tumulong," tangi kong nasabi. "Best buddies tayo, forever." Itinaas niya ang kaniyang pinky finger. Ayoko nang mangako, naaawa na ako sa sarili ko. "Sige na, sunduin mo na---" napatigil ako nang hilahin niya ang kamay ko. Siya na mismo ang nagpulupot ng maliit kong daliri sa kaniyang daliri. "Best buddies, forever." Napatitig ako sa mga mata niya, tila ba hindi siya masaya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman niya, kahit kailan talaga ang hirap niyang basahin. "Good luck," ngumiti ako ng pilit. Tuluyan na akong lumabas ng kaniyang kotse. Ngumiti siya sa akin bago isarado ang bintana ng sasakyan. Malungkot akong pumasok ng bahay niya. "Ilalayo na kita sa stress, baby ko. Konting tiis na lang," bulong ko at pumasok ng bahay nina Jairus. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko habang nakikita ang malaking hugis puso na gawa sa mga iba't ibang klaseng bulaklak. Kapag hinila ko ang tali sa likod nito ay babagsak ang will you marry me na banner. Ang sakit isipin na tinutulungan ko yung taong mahal ko na maikasal sa babaeng minamahal niya. Sobrang tanga ko talaga, pero dahil sa anak ko, ipinapangako kong huli na ito. Hindi na ako dapat mag-focus kay Jairus. Mukhang pinagkaloob talaga sa akin ang batang ito para mai-alis ko ang atensyon ko kay Jairus. Ito na ang magiging buhay ko, ang ibigay lahat ng pagmamahal sa anak namin, hindi sa kaniyang ama. Lumakad ako para kuhanin ang spray, dahan-dahan kong nilagyan ang mga bulaklak para maging fresh ito. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, napakasakit--sobrang sakit. ***************** Nakatayo ako sa gilid ng pool, madilim na ang paligid at narinig ko na ang sasakyan ni Jairus, narito na ang magulang niya. Inabangan ko sina Jairus na tuluyang makapasok ng bahay. "Wow! Babe, bakit may heart na ganito? It's so pretty!" maarteng sabi ni Vinalyn. Napayuko ako, nagandahan siya sa idea ko. Ang galing... Kairita. "Seira? You're also here?" gulat na tanong ni Vinalyn. "Oo, Babe. Gusto ko kasi masaksihan niya ito, dahil best friend ko siya," ani Jairus habang hinihila nito si Vinalyn patungo sa harapan ng malaking puso. "What do you mean, Babe?" tanong ni Vinalyn. Tumayo na ako sa likod ng malaking hugis puso. Kinuha ko ang tali. Inabot ni Jairus sa akin ang kaniyang cellphone, masama naman ang tingin ni Vinalyn sa akin. Hindi niya alam na para sa kaniya 'to, panalo na nga siya magseselos pa. Nilagay ko sa camera ang cellphone niya. Nagsimula ako sa pagvivideo. Tumango si Jairus hudyat para hilahin ko ang tali. Lumabas ang malaking banner. Nanlaki naman ang mga mata ni Vinalyn nang makita niya iyon. "My gosh... Babe, is this real?" aniya. Hinawakan ko ng madiin ang cellphone ni Jairus saka tinapat sa kanila. Dahan-dahang lumuhod si Jairus sa harapan ni Vinalyn. Kay Vinalyn niya pala tutuparin ang mga pangarap ko, akala ko sa akin siya babagsak dahil binigay ko sa kaniya lahat. Hindi pala sapat ang katawan ko, pagmamahal ko, pag-aalaga ko, pagtulong ko. "Vinalyn Mae Gutierrez, will you marry me?" Nilabas ni Jairus ang sing-sing na nasa box. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Vinalyn habang ako ay nangingilid na ang mga luha ko, pakiramdam ko tutulo na ito ano mang oras. "Yes! I will marry you!" (A/n: insert song "Pano naman ako~" HAHAHAHA SAKIT BA?) Pinapanood ko ngayon ang ama ng batang dinadala ko na lumuhod sa harapan ng babaeng napupusuan niya para magpakasal. Lingid sa kaalaman niyang mayroon kaming nabuo, gayon pa man... Gusto ko na lang siyang maging masaya kasama si Vinalyn, habang ako ay magiging masaya kasama ng anak namin. Dahan-dahan akong napangiti habang sinusuot ni Jairus ang sing-sing kay Vinalyn. Natupad na ang pangarap niya, ang makuha si Vinalyn. Pinatay ko ang video, pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa mga mata ko. Biglang lumabas sina Tita Jennifer mula sa bahay para salubungin ang dalawa, nagyakapan sila habang ako ay nakatayo lamang at pinapanood sila. "Seira, thank you sa tulong mo. Successful talaga!" masayang sabi ni Jairus. Inabot ko sa kaniya ang kaniyang cellphone. "Congratulations sa inyong dalawa." Ngumiti si Jairus sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Bride's maid," aniya. "Oo na! Enjoy kayo!" natatawa kong sabi. Pinipilit kong tumawa kahit na ramdam ko ang kirot sa aking puso. Pilit kong tinatago ang sakit na nararamdaman ko, tinatawa ko na lang... Lumakad ako palabas ng bahay nina Jairus, masaya na sila. Hindi na nila ako kailangan. **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD