Seira Anthonette's P. O. V.
Napatitig ako sa kisame. Naninibago ako sa sarili, noong una ay akala ko normal lang pero paulit-ulit kong tinatago kay Mama ang pagsuka ko tuwing umaga. Wala naman akong sakit, wala akong lagnat. Wala akong ibang nararamdaman.
Napatingin ako sa kalendaryo. Nabitawan ko ang bag ko sa kama nang mapagtanto kong late ang menstruation ko, which is hindi naman dapat dahil regular ako nagme-mens, monthly.
"N-No..." napailing ako.
"Seira!" Napatalon ako sa gulat nang makita si Mama sa pinto ng kwarto ko. "Oh, para kang nakakita ng multo. Pumasok ka na, anong oras na."
"O-Opo, Ma..." napayuko ako at kinuha ang aking bag.
"Bakit hindi kayo magkasabay ni Jairus?" tanong ni Mama.
"A-Ano po, sinundo niya yung girlfriend niya."
"Nagbibinata na si Jairus, ha?"
Ngumiti ako ng tipid saka lumabas sa aking kwarto. Hindi mawala sa isip ko ang pakikiramdam sa sarili ko, kung bakit wala pa rin akong menstruation. Imposibleng buntis ako, hindi ako buntis.
*************
Lumulutang ang isip ko buong araw, pakiramdam ko walang pumapasok na lessons sa utak ko, malapit pa naman ang finals. Kailangan ko mag-aral pero hindi ako makapag-focus. Hindi mawala sa isip ko ang pagka-delay ng regla ko. Hindi nga kaya buntis ako ngayon?
"Seira, pwede ba ako makiusap?"
Napatigil ako sa pag-iisip nang lumapit sa aking ang kaklase kong si Veronique. Minsan lang siya pumasok dahil single mother siya.
"Ano 'yon?"
"Baka naman pwedeng ikaw na mag-pass nito kay Mr. Alejandro, ayaw ako pansinin nila Shiela... Kailangan ko na kasi umalis."
"Bakit ka aalis? A-absent ka na naman?"
"Seira, kasi bakuna ng anak ko. Hindi 'yon mapapatahan nila Mama. Kailangan daw ako, baka pwede makiusap. Strikto kasi si Mr. Alejandro, alam mo naman nambabagsak 'yon."
Napabuntong hininga ako, kinuha ko pa rin ang papel na hawak niya. Ngumiti siya sa akin.
"Maraming salamat, Seira!"
Akmang aalis na siya pero hinila ko ang blouse niya. Napatingin siya sa akin.
"Paano mo nalaman na buntis ka noon?" hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kaniya.
"B-Bakit?"
"Gusto ko lang malaman."
"Nag-pregnancy test ako last year. Una na ako, Seira."
Nabitawan ko ang blouse niya, tuluyan siyang umalis. Napayuko ako. Iniisip ko kung dapat rin ba akong gumamit noon, gusto ko maniwala na hindi ako buntis, naging maingat si Jairus, alam ko 'yon.
"Bell na, hindi ka pa ba tatayo diyan?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jairus sa harapan ko.
"Sinusundo mo na naman yung girlfriend mo," pang-aasar ni Shiela kay Jairus.
"Bugok ka ba?!" ani Jairus.
"Sshh! Ayan ka na naman, hilig mo makipag-away," irita kong sambit at tumayo.
Napa-cross arms ako at lumabas ng classroom. Iniwan ko siya. Bahala na siya, dahil sa kaniya kung ano-ano na naman naiisip ko.
******************
Pagsapit ng uwian, hindi na ako nagpaalam kala Jairus na uuwi na ako. Dumiretso ako sa botika. Nagdadalawang-isip ako kung bibili ba ako ng pregnancy test, dahil hindi matahimik ang utak ko. Gusto ko na makasigurado.
"Miss, nakapila ka ba?" ani ng babae na nasa likod ko.
Umatras ako sa takot, parang hindi ko kaya malaman kung ano ang totoo.
"B-Bili na po kayo," ani ko at pinauna ang babae sa pila.
Napasandal ako sa poste na nasa likuran ko. Gusto kong maiyak, hindi ako handa sa kung anong magiging resulta ng pregnancy test kung gagamit ako noon.
Ilang sandali pa ay naubos na ang mga bumibili, lumakad ako patungo sa pharmacist. Nakangiti ang babae sa akin na nagbebenta.
"Ano pong sa inyo, Ma'am?"
"M-May ano po..." napayuko ako sa sobrang hiya.
"Ano po 'yon, Ma'am?"
"Y-Yung sa ano po--pang-ano... P-Pregnancy--"
"Pregnancy test po? Mayroon po, may specific brand po ba kayong hanap?"
"W-Wala po."
"Ito po fourty-pesos, Ma'am."
"Dalawa po."
Mabilis akong kumuha ng wallet at nagbayad. Nang i-abot niya sa akin ang dalawang naka-box na PT ay agad ko itong ibinulsa. Hindi ako makatingin ng tuwid sa babaeng pharmacist sa kahihiyan.
"Sukli niyo po, Ma'am."
"Salamat."
Agad akong tumalikod. Mabilis akong naglakad patungo sa sakayan ng trycicle. Sumakay ako roon at nagtungo pauwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay, wala pa man ay malakas na ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung gagamitin ko ba ito, ayoko malaman ang resulta. Dapat kampante ako na negative ang resulta, pero parang dama ko sa puso ko na buntis ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
There's a gut, saying I am pregnant. All I'm doing is denying it, now I am doing this for assurance na hindi ako buntis.
"Seira, nandito ka na pala. May barbeque, bumili ako kanina. Kumain ka na, ha?"
Sinalubong ako ni Mama. Nakasuot na siya ng uniporme at dala ang bag niya. Handa na siyang pumasok sa kaniyang trabaho.
"O-Opo, Ma. I-Ingat ka po."
Lumapit siya sa akin, magkasalubong ang kaniyang kilay. Bigla niyang hinawakan ang noo ko.
"Bakit parang namumutla ka. Magpahinga ka na nga doon sa loob."
Napayuko ako, ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ko sa sobrang kaba ay parang hihimatayin na ako.
"O-Opo, Ma."
Lumakad na ako at nilayuan siya. Pagpasok ko sa bahay ay sumilip ako sa bintana, nang makita ko siyang lumabas ng aming gate ay para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
Pero hindi rito natatapos ang kaba ko. Pumunta ako sa aking kwarto, nagpalit ako ng damit, simpleng t-shirt at shorts lamang. Kinuha ko ang dalawang pregnancy test at dali-daling pumasok sa banyo.
Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ko ang box ng pregnancy test.
"Hindi ako buntis," pagkumbinse ko sa aking sarili.
Naupo ako sa bowl at napabuntong hininga. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko habang sinusunod ko ang nakalagay sa instructions na tamang paggamit ng pregnancy test. Ginamit ko na ang dalawa, kailangan ko maging sigurado.
Ipinatong ko sa stante ang pregnancy test habang naghuhugas ako ng kamay. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapanood na magkaroon ng guhit na pula ang PT. Tuluyang bumuhos ang luha ko nang makita ang dalawang pulang guhit.
"H-Hindi.... S-Sira ata 'to..." bulong ko habang pinupunasan ang luha ko.
Kinuha ko ang dalawang pregnancy test. Nanghihina akong lumabas ng banyo, pakiramdam ko ay babagsak ako. Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Lumapit ako sa ref. para kumuha ng tubig, naitapon ko pa ang kaunting tubig dahil sa panginginig ng kamay ko.
"H-Hindi 'to pwede..." Napaupo ako sa gilid ng lababo habang lumuluha.
Punong-puno ng takot at pagsisisi ang puso ko. Ano na lang ang gagawin ko nito? Ang mga bilin sa akin ni Mama, wala na akong natupad na pangarap niya para sa mga anak niya. Nakakapanlumo, ang ama ng batang ito, ikakasal na sa iba. Para akong dinudurog, gusto ko na lang mamatay sa oras na ito.
Napahawak ako sa tiyan ko, kailangan ko makasigurado kung ano ang lagay ng batang ito. Nagtungo ako sa aking kwarto para kuhanin ang wallet ko, may natitira pa akong pera para sa pang-ultrasound.
"Paano na 'to..." bulong ko habang palabas ng bahay.
*************
Para akong lantang gulay na pumasok sa isang OB-Gyne. Nanghihina ang buong katawan ko pero kailangan ko kumilos, kailangan ko malaman ang katotohanan. Ito ang reyalidad, wala na akong magagawa kundi tanggapin ito at gumawa ng paraan para maayos ko ang lahat.
"May appointment po?" bungad sa akin ng nurse sa information desk.
"Walk in..." nanghihina kong sambit.
"O-Okay lang po kayo, Ma'am. Need niyo po ba ng assistant? Namumutla po kayo--"
"Kailangan ko magpa-ultrasound, Miss."
"Nurse Anne, paki-assist si Ma'am kay Doktora Selene."
Isang nurse ang humawak sa aking braso. Hindi ako makaintindi ng maayos, nahihirapan na ako. Para akong mababaliw. Nanghihina ako. Dinala niya ako sa isang ultrasound room.
"Good evening, Ma'am. You're Mrs?"
"Miss po..."
"Are you okay, Miss?"
"Yes, Dok."
"Let's start, I'll introduce myself first, I am Doc. Selene. May I ask if this is your first baby?"
"Y-Yes, Doc."
Tinulungan niya akong makahiga sa hospital bed. Kusang tumutulo ang luha ko habang nilalagyan niya ng gel ang aking tiyan. Napapikit ako nang dumikit sa tiyan ko ang transducer.
"Kayo lang po ba mag-isa, Miss?"
"O-Opo." Napadilat ako.
Napaawang ang labi ko nang makita ko ang maliit na bilog sa monitor.
"This is your baby, and you're four weeks pregnant. Congratulations, Miss---"
Nawala ang ngiti ni Doktora nang makita niya akong lumuluha. Wala akong ibang maramdaman kundi takot, wala na akong mukhang maihaharap kay Mama. Hindi ko akalain na mangyayare ito.
Naging maingat kami ni Jairus sa lahat ng ginagawa namin, palagi siyang ginagamit ng condom--pwera lang noong Valentine's Day... Hindi akalain, isang beses lang siya hindi nagsuot ng condom, kung alam ko lang na mabubuntis ako, hindi sana ako pumayag.
"M-Miss..."
"T-Tama na po..." nanghihina kong sambit.
Tinanggal niya ang transducer at pinunasan ang aking tiyan. Patuloy ako sa pagluha. Binigyan niya ako ng isang papel, napapikit takip ako sa mukha ko nang makitang iyon ang litrato ng aking ultrasound.
*************************