Chapter 39

1246 Words
Jairus Gael's P. O. V. Nang maihatid ko sina Wayne at Seira sa dati nitong bahay. Muli kong naalala ang mga masasaya naming nakaraan, mga alaala na binuo naming dalawa ni Seira sa bahay nila at sa dati naming bahay. "Sir, Jairus. Napadalaw ho kayo?" bati sa akin ng maid na nagbabantay at nag-aalaga sa bahay namin dito. "Dito ako matutulog, ate." Ngumiti ako sa kaniya at pinark na ang sasakyan ko. Habang nagsasara siya ng gate ay pumasok na ako ng bahay. Napangiti na lamang ako dahil walang nabago, kahit ano, ganoon pa rin at napanatili niya ang kalinisan. "Ate, bukas ng umaga gumawa ka ng almusal. American breakfast sana," ani ko at tinanggal ang aking coat. "Anong klaseng american breakfast, sir?" tanong niya sabay kuha ng coat ko. "Lahat, kung anong available diyan sa kusina. Damihan mo." Tumango siya at pumanik na ako paakyat sa aking kwarto. Patalon akong nahiga doon, tila ba naramdaman ko lahat ng pagod ko sa katawan. Nagawa kong pumirma at magbasa ng sandamakmak na papeles kanina at nag-drive pa ako ng ilang beses para kay Seira. Sana lang maabutan ko sila ng breakfast, hindi ko rin kasi alam kung anong gusto nilang kainin. Nakakapanlata lang nang malaman kong may iba siyang lalake na nakasama ng matagal habang wala ako. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang palad ko at napatihaya ng higa. "Sh*t, I hope... Lord, nakikiusap ako. Sana hindi niya sagutin yung lalakeng kano na 'yon. Bigyan niyo po ako ng chance kay Seira. Nagbabago na po ako. I'll give her everything that she needs and wants. Cause she deserves the best." ******************* Nagising ako nang marinig ang katok sa pinto ng kwarto ko. "Sir, handa na po yung pinapaluto niyong almusal. Hindi pa po ba kayo kakain?" sigaw ni Ate. Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin sa alarm clock na katabi ko sa side table. Nagising ang diwa ko nang makitang alas-otso na pala. Mabilis akong bumangon para gumayak. "Lalabas na!" sigaw ko. Nagmamadali akong maligo sa banyo. Pakiramdam ko hindi na ako nakapagbanlaw ng maayos sa pagmamadali. Natatakot akong hindi ko sila maabutan sa bahay nila Tita Sonya. Kumuha ako ng polo at pants sa aking closet saka sinuot ang mga ito. Hindi na ako nag-abalang mag-blower pa ng buhok. Naligo ako sa pabango, ang aking body spray na halos sampung taon ko na ring ginagamit. Sinuot ko ang mamahaling relo na binili ko saka ibinulsa ang susi ng kotse ko at wallet. Paglabas ko ng kwarto ay naamoy ko na ang iba't ibang putahe ng pagkain. Nakahain ang lahat ng iyon sa lamesa. "Sir, handa na po ang almusal niyo. Lahat po ba ito kakainin niyo---" "Sandali lang," ani ko at lumabas ng bahay. Tumakbo ako patungo sa bahay nila Seira. Hindi na ako kumatok pa, binuksan ko ang gate at dumiretso sa loob ng bahay nila. Naririnig ko ang agos ng tubig mula sa banyo nila. Nang sumilip ako sa kwarto ni Seira ay naabutan ko roon si Wayne na nakaupo sa kama ni Seira habang may hawak na cellphone. "Wayne," tawag ko sa kaniya. Napatingin ito sa akin. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang makita ako. "Ninong!" sigaw niya at tumakbo patungo sa akin. Yumakap siya sa beywang ko. Tila ba kakaiba ang saya na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang batang 'to. Marahil ay anak siya ni Seira at mahal ko si Seira. "Nasaan ang Mama mo? Puno ka ng pulbos sa leeg, sino ba naglagay nito?" "Mama is taking a bath now. Nauna po ako maligo at magbihis sa kaniya. She thought I will play water at the toilet, but there's no bath tub here so I won't play." Kinapa nito ang leeg niya. "Mama put many powder," aniya. "Sosyal mo naman, bath tub ang kailangan para makapaglaro. Iba talaga kapag laking amerika. Did you already eat breakfast?" tanong ko at inayos ang buhok niya. "Not yet, Mama said we will eat at the hospital." Napakunot ang noo ko, kawawa naman 'tong bata. Damay sa pagod sa hospital. Pabalik-balik sila tapos hindi man lang naiisip ni Seira na baka makakuha si Wayne ng sakit mula sa hospital. "Do you want pancakes? Egg and hotdog? Cheese bread? Garlic bread?" tanong ko. "I want pancakes. My Dada is always cooking pancakes every morning before I go to my school." Nawala ang ngiti sa labi ko. Mukha ngang kinikilala na niyang ama ang kano na 'yon, hindi pwede. Kailangan ako ang magustuhan niya. "Every day?" "Yes, because Mama is always busy and she cannot cook for me, so my Dada does." "Did your Dada lives with you, in a same house?" "No, Ninong. He just come to my Ninang Ganda's house, where we live." "Jairus!?" napatigil ako sa pagtatanong nang marinig ko ang boses ni Seira. Nang lingunin ko siya ay nakatayo ito sa harap ng pinto. Tanging twalya lamang ang nakatakip sa kaniyang katawan habang tumutulo ang tubig sa sahig na mula sa kaniyang magandang katawan. Napalunok ako ng ilang beses nang makita ang cleavage nito dahil sa pagkakaipit ng twalya niya. Tila ba dumoble ang laki nito kaysa noong huli kong nakita. Maputi pa rin siya at balangkinitan lamang ang katawan. "S-Seira..." "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa rin ba titigil sa pangungulit mo sa anak ko? Hindi ko na nga nagustuhan yung huli mong ginawa sa kaniya kagabi!" sermon niya. "I-I'm here to apologize. May peace offering ako, mayroong mga pancakes sa bahay, baka gusto niyo mag-almusal muna," ani ko at ngumiti. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi niya nagustuhan ang offer ko. "Really, Ninong? May pancakes po sa bahay niyo? Where is your house?" bakas ang excitement sa boses ni Wayne. "Wayne, no. Kakain tayo mamaya." Kitang-kita ko ang pananakot ni Seira sa bata. Napasimangot si Wayne na para bang walang magawa sa desisyon ng nanay niya. "Wayne, tara. Tayo na lang ang kakain, ayaw ata ng Mama mo," ani ko at nilahad ang kamay ko. "Jairus, ano ba!?" iritang sambit ni Seira. "Hindi mo man lang pakainin muna yung bata bago bumyahe." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Napaawang ang labi niya at tila ba walang nagawa nang kuhanin ni Wayne ang kamay ko. Iniwan namin si Seira sa bahay, masaya si Wayne na naglakad kasama ko. "I live here. Beside your Lola's house," ani ko at pumasok sa bahay namin. "That's why you and my Mama are friends? Because you two are neighbors?" tanong nito. Tumango ako. "Sir, sino ho ang batang 'yan?" tanong ni ate. "Inaanak ko, kakain kami. May fresh milk ba?" tanong ko sa maid. "Mayroon, sir." Binuhat ko si Wayne at inupo sa upuan kaharap ng lamesa. Nilagyan ko ng pancakes ang plato niya saka chocolate syrup. "Wow, are you rich, Ninong?" tanong niya bigla. "Why do you say so?" "Because you have lots of food. My Mama always nag at me about finishing my foods because she said that there's so many poor people who can't eat. That I am lucky to have foods in my table," aniya. Napangiti ako, nakakatuwa naman pala maging magulang si Seira. Lahat tinuturo niya sa anak niya, sana lang lumaking mabuti si Wayne. "That's true. Always listen to your Mama and listen to me as well," ani ko at ginulo ang buhok niya. "Thank you for these foods, Ninong!" "You're welcome, but while you're eating, can you tell me more about your Dada and his relation to your Mama?" *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD