Chapter 38

1353 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Magkasama si Wayne at Jairus sa paglalakad papasok sa isang sikat na fast food chain. Isinakay kami ni Jairus sa kaniyang kotse. "Seira, upo na kayo. Ako nang oorder," ani Jairus at ibinigay sa akin ang kamay ni Wayne. Napatitig ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay ganoon pa rin siya, kung ano ang pakikitungo niya sa akin. Walang nagbago, pero hindi sila kinasal si Vinalyn? Buong akala ko masaya na siyang bumuo ng pamilya kasama si Vinalyn. "Let's sit there," ani ko sabay turo sa bandang dulo na four seaters. Naupo sa tabi ko si Wayne. Nilabas ko ang cellphone ko para mag-reply sa mga messages sa aming group chat ni Dorothy at Iverson. Nangangamusta ang dalawa sa lagay ni Mama. "Hintayin na lang natin ang order natin," biglang sumulpot si Jairus kaya binaba ko ang cellphone ko. "Kaya pa ba hintayin ng gutom mo, anak?" tanong ko kay Wayne at sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri ko. "Yes, Mama." "Seira." Nagulat ako nang hawakan ni Jairus ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Agad akong umiwas. "Bakit?" "Kamukha ba niya yung tatay niya? Wala ka bang picture? Gusto mong ipahanap ko 'yon sa mga empleyado ko? Pwede natin kasuhan 'yon, hindi siya nagsusustento sa anak niya." Seryoso ang mukha ni Jairus. Hindi naman niya siguro gustong makulong? "Hindi na kailangan no'n. Kayang-kaya ko buhayin si Wayne, mag-isa. Hindi ko kailangan ng suporta mula sa ama niya," ani ko. Ngumiti siya bigla. "Masaya ako, dahil nakikita kong matatag ka. You're already a successful woman, but with a child of course. Samantalang ako, napag-iiwanan niyong lahat. Wala pa rin akong pamilya, tapos hindi pa magaling sa trabaho," aniya. Lumakas ang t***k ng puso ko nang malamang wala pa nga siyang pamilya. Confirmed. "Bakit mo naman nasasabi 'yan?" Biglang dumating ang waiter, nilapag niya ang mga pagkain sa aming lamesa. "May pamilya na lahat ng kaibigan natin," aniya habang nilalapag sa harapan ko ang manok na thigh part saka kanin. Nilagay niya rin sa tabi ng plato ko ang spaghetti saka fries. Samantalang si Wayne naman ay kumpleto ang nakahain sa kaniya. "Sila Sammy?" tanong ko. "Oo, kinasal na sila ni Luis. May anak na rin, dalawang taon na. Si Rhaiko may anak na din. Ikinasal last month. Actually, nauna yung anak kesa sa kasal. Tapos si pareng Gil, kinasal din last year, after ni Sammy. Kada-taon kinakasal mga 'yon, hinihintay nga nila kung this year daw ba ako naman," kuwento niya at tumawa. Napansin ko ang manok sa kaniyang plato, spicy iyon at sa akin original lang. Alam niyang ayoko sa maanghang. "Congratulations sa kanilang lahat," ani ko at kumain. Pinaghimay ko ng manok si Wayne. Nagpatuloy naman sa pagkukwento si Jairus. "Saka, lahat ng anak nila. Ninong ako, kaya gusto ko rin maging ninong ni Wayne. Kaso matagal pa. Pero pwede na niya akong Ninong ngayon, since advance ako mag-isip." "Oo na lang," walang gana kong sabi. "Aaminin ko, sobrang nalungkot ako nung bigla kang nawala. Kaya masaya ako na nandito ka na ulit, at kapag may problema ka, o may kailangan ka, huwag ka mahihiyang lumapit sa akin, ha? I'm always here. Promise me you won't leave again," aniya at hinawakan ang kamay ko. Napatigil tuloy ako sa paghihimay ng manok sa anak ko. "I-I can't promise," nauutal kong sambit at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Why?" Nag-ring ang cellphone ko. Binitawan ko ang kutsara at tinidor saka kinuha ito sa aking kandungan. Nakita ko agad ang pangalan ni Iverson sa screen ng cellphone ko kaya sinagot ko ito agad. "Seira, how are you?" Naka-loud speaker pala ito kaya hininaan ko. Bakas naman ang gulat sa mukha ni Jairus nang marinig niya ang nagsalita. "I-I'm good---" "Dada! Hello, Dada! Look what I'm eating!" masiglang sabi ni Wayne kaya hinarap ko sa kaniya ang cellphone. "Wow, good boy. Eat well, baby!" ani Iverson kay Wayne. "Yes, it is bought by my new Ninong. My Mama's friend!" ani Wayne. "Friend?" tanong ni Iver. "Ah... Oo, Iver. I suddenly met my friend in college, and bought Wayne a dinner because he's hungry," ani ko. "Where is he?" tanong ni Iver kaya hinarap ko kay Jairus ang cellphone. Ngumuso ako sa cellphone para bumati man lang si Jairus kay Iver. "Hi, I'm a f-friend of Seira..." mahinhin na sabi ni Jairus at tipid na ngumiti. "Hello, nice meeting you, bro. It looks like it's night in there," ani Iver. "Yup, it's already evening. We're having dinner now." Ngumiti ako kay Iverson. "I'm happy that you're doing well there. I hope to see both of you again. Always take care, Seira and Wayne." Kumaway si Iverson. Ngumiti ako at tumango. "I miss you, Dada. Bye-bye!" ani Wayne bago ma-end ang video call. Nang mamatay ito ay binaba ko ang cellphone ko sa aking kandungan at muling kumain. "Bakit Dada ang tawag ni Wayne sa kaniya?" seryosong tanong ni Jairus. "Bakit, may problema ba?" "Step father ba siya ni Wayne? Is that your boyfriend?" bakas ang pagka-irita sa tono ng boses ni Jairus. "Not yet." "What do you mean by that? Is he courting you?" "Oo, malapit siya kay Wayne. Since siya ang tumulong sa akin sa pagpapalaki sa anak ko," ani ko at tumingin sa kaniya. Napayuko siya at kumuha ng iced tea. "Mama, I miss Dada but if we fly again in an airplane, I will miss my new Ninong." Napatigil ako sa pagnguya dahil sa sinabi ni Wayne. "A-Anak, don't think of that..." bulong ko. "Seira, wala ka pang boyfriend, 'di ba? Hindi ka pa kinakasal?" tanong niya at binaba ang iced tea. "Wala pa akong balak sa ngayon. Magkano nga pala lahat ng gastos mo? Babayaran ko na--" "No! Sagot ko lahat," aniya at hinawakang muli ang kamay ko. Pakiramdam ko ay iba ang hawak nito sa kamay ko. Nararamdaman ko na naman ang kabog ng puso ko, gusto ko na lang umalis dito. Baka kung ano pang mangyare. "Anak, eat faster, we have to go home." "No, Wayne. Just take your time to eat." Tinignan ko si Jairus ng masama. Ang kapal naman ng mukha niyang kontrahin ako. "K-Kumakain yung bata, Seira. Baka hindi matunawan 'yan, ikaw din," mayabang niyang sabi. "Fine." "CPA ka na?" bigla niyang tanong. "Hindi ako nag-take ng board exam. Accountant lang ako. Kailangan ko magtrabaho ng diretso since may anak ako," sagot ko at kinuha ang iced tea. "Sabi ko naman sa 'yo, bibigyan kita ng trabaho sa company namin. Bakit umalis ka pa ng Pinas? Hindi ka nagsabi, parang hindi kaibigan," pagmamaktol niya at napahalukipkip. "Dollars ang sahod doon, sa inyo, pesos lang." Tinaasan ko siya ng kilay. "Gago nito. Malaki naman kami magpasahod." "Mama, what is Gago?" Agad na nag-init ang dugo ko nang magsalita si Wayne ng bad word. "Ay! Wayne, don't say it. It's a bad word, only Ninong can say it--" "Ano ba, Jairus? I never spoke bad words in front of my child at sana ganoon ka rin. Nagiging pala-desisyon ka na, magiging bad influence ka pa?" inis kong sabi. Humarap ako kay Wayne. "Finish your food, aalis na tayo." Inilagay ko ang cellphone ko sa aking bag. Nataranta naman si Jairus at napatayo. "Look, I'm sorry. Wayne, don't say that word again, okay? I'm sorry. Hindi ko na uulitin, hindi na ako magsasalita ng mura o masamang words." Hinawakan ni Jairus ang braso ko. Tinabig ko ang kamay niya. "Kailangan na namin magpahinga," sambit ko at tumayo. "I know, ihahatid ko kayo." Nilabas niya ang susi ng kotse niya. "Magta-trycicle na lang kami---" "Mahal pamasahe, sa akin na kayo sumakay." "May pera ako." "Aircon naman sa kotse ko, saka mukhang sanay ka na sumakay sa air-conditioning na sasakyan. Wala naman nang kaso, 'di ba?" "May taxi sa labas." "Huwag na, mas mahal taxi." "Trycicle na nga lang!" "Mahamog, mahahamugan na si Wayne. Baka magkasipon pa 'yan." "E'di taxi!" pasigaw kong sambit. "Mama, let's ride on Ninong's car. My toys are there." Napatingin ako kay Wayne. Bakit nagkakampihan na silang mag-ama? May pinag-usapan ba silang hindi ko alam at magkasundo sila mula una pa lang? *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD