Jairus Gael's P. O. V.
Maligaya akong pumasok sa aking opisina. Sinalubong ako ng mga empleyado na kasalukuyang naghihintay sa akin para sa ipapasa nilang report. Nakatayo silang lahat sa harapan ko nang maupo ako sa swivel chair.
"Sir Jairus, all of the sales, profit and demands are finished for the month of December. We are team 1 of accounting department--"
"Alam ko, akin na lahat 'yan. Ibigay niyo na sa akin lahat ng trabaho na kailangan ko gawin," ani ko at ngumiti.
Kinuha ni Philip ang mga hawak nilang folders at inilagay sa desk ko.
"Sir, ang dami niyo pong pending na trabaho, lahat ba talaga gagawin niyo?" bulong ni Philip.
Tinignan ko siya ng masama. Wala ba siyang bilib sa akin? Although wala naman akong deadline, ako ang CEO.
"Oo, i-open mo yung laptop ko. Gagawin ko lahat. Pipirmahan ko lahat. Ilagay mo lang sa desk ko." Tumingin ako sa mga empleyadong nakatayo pa rin sa harap ko. "Oh? Back to work na, alis na kayo," pagtataboy ko sa kanila.
Sabay-sabay silang yumuko at lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Philip na binubuksan ang aking laptop.
"Sir, bakit naisipan niyong gawin lahat ng trabaho niyo?" tanong nito.
"Nakahanap kasi ako ng inspirasyon," nakangiti kong sabi.
Napakunot naman ang noo ni Philip, tila ba duda siya sa mga sinasabi ko. Grabe, kahit sarili kong secretary hindi naniniwala sa akin. Boss pa ba ako rito?
"Sir, nag-lunch na po ba kayo?" tanong niya.
"Hindi pa, ibili mo nga ako." Nilabas ko ang wallet ko.
"Kagaya ng dati?"
"Oo. Go! Ako na bahala sa lahat ng 'to," ani ko.
Tumango siya at lumabas na. Isa-isa ko namang binuksan ang mga folders at pinirmahan iyon isa-isa. Napabuntong hininga ako at napatigil.
"Si Seira lang pala ang makakapagpakilos sa akin," bulong ko.
Pakiramdam ko ay nagkaroon ulit ng buhay ang kaloob-looban ko nang muli ko siyang makita. Noong una ay nalungkot ako, sa pag-aakalang nagpakasal na siya dahil may anak na siya. Iyon pala, may problema siyang hinarap mag-isa.
I wonder sinong siraulo ang bumuntis sa kaniya. Sobrang gwapo ng anak niya, maputi, makinis, matangos ang ilong. Mukhang nakuha ang dugong amerikano sa Ama niya. May kirot sa puso ko, nang malamang nagkapamilya na siya. Sa tagal ko siyang hinintay at tagal kong umasa na magkikita pa kami, hindi anak niya ang dahilan para sumuko ako.
Nagsisisi na ako sa pagiging torpe ko noon, at pagpili ko kay Vinalyn. I won't do the same mistakes I made before. Gagawin ko ang lahat para makuha ulit ang loob niya, sa kahit anong paraan pa, gagawin ko. Ngunit ang una, makuha ko muna ang loob ng anak niya. Magaan naman ang loob ko sa batang 'yon. Mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal ko kay Seira.
Dahil makalipas ang limang taon niyang hindi pagpaparamdam. Nadadama ko pa rin ang tinatago kong pagmamahal sa kaniya na kailanman ay hindi nabawasan, bagkus mas nadagdagan pa. Lalo na ngayong nagkita kami ulit. May pag-asa.
"Sir, nandito na po ang lunch niyo," ani Philip at lumapit sa akin.
"Kumuha ka ng laruan sa factory ngayon. Mga transformers, kuhanin mo lahat ng high-tech." Napataas ang kilay ni Philip.
"May problema po ba sa mga laruan, Sir?"
Umiling ako.
"Balutin mo lahat ng gift wrapper."
"Kanino niyo po ibibigay?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Baka sa 'yo ko ibigay. Malamang sa bata, sige na."
**********************
Seira Anthonette's P. O. V.
Habang umiihi ako ay bigla na lang may kumatok sa pinto, rinig ko iyon sa sobrang lakas. Naisip ko agad na baka ang nurse 'yon na dadalaw at iche-check si Mama.
"Anak, Wayne. Open the door please!" sigaw ko at nagmamadaling maghugas.
"SURPRISE!"
Napatigil ako sa pagpindot ng flush dahil narinig ko ang boses ni Jairus. Sa sobrang kaba ko ay lumabas agad ako ng banyo.
"Jairus!?"
"Mama, look! He gave me gifts." Ipinakita ni Wayne ang malaking eco bag na puno ng mga boxes na naka-gift wrapper.
"Ano ba 'yan, Jairus?" tanong ko.
"Regalo ko sa anak mo. Sayang hindi mo 'ko naging Ninong. Mama mo kasi, hindi sinabi sa akin. Pwede naman kitang inaanak sa kumpil. Nakumpilan na ba 'to?" ani Jairus at hinawakan ang buhok ni Wayne.
Napatingin ako kay Wayne na abot langit ang ngiti habang isa-isang binubuksan ang mga kahon.
"Hindi pa, nursery pa lang siya. Age 7 ata ang kumpil," sagot ko.
"Ninong na lang tawag mo sa akin, ha? Ako lang Ninong mo sa kumpil, okay?" ani Jairus.
"Yes, Ninong!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laruan sa loob ng kahon. Isang transformer na lumalakad.
"Mama, look at this. Optimus prime is walking!" masiglang sabi ni Wayne at lumuhod pa sa sahig habang naglalaro.
"Madami pang toys dito, Wayne. Open mo na 'to," ani Jairus at naglabas pa ng isang regalo.
"Thank you, Ninong! You're the best!" ani Wayne.
Bakit parang nagkakasundo na sila? Hindi 'to pwede!
Hinila ko ang braso ni Jairus patungo sa isang sulok ng silid. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay nakangiti lang sa akin na parang bata.
"Jairus, I don't want to spoil my child. Pwede ba? Huwag mo basta-basta bigyan ng kung ano-ano 'yan? Hindi mo man lang ipaalam muna sa akin. Paano kapag natuto 'yan na tumanggap ng kung ano-ano mula sa 'yo? Ayoko siya maging materialistic." Napa-cross arms ako.
"Hindi naman, regalo ko sa kaniya 'yan. Since wala ako ng limang pasko, birthday, binyag, at iba pang occasion. Lahat 'yan regalo ko sa kaniya para sa mga 'yon," aniya dahilan para mapanganga na lamang ako.
Nalusutan na naman ako ng tarantadong 'to.
"Last na 'yan, Jairus!" dinuro ko siya.
"Anong last? Meron pa, sa valentine's. Next month," aniya at ngumiti.
"Hindi ka nakakatulong," inirapan ko siya.
"Wayne, get one toy only. Return that to your so called Ninong. I told you not to have many toys, makuntento ka sa isa, anak." Huwag ka tutulad sa tatay mo.
"B-But, Mama... I love all of this," nakangusong sabi ni Wayne.
"Hayaaan mo na yung bata, minsan lang 'yan. Pagtanda niya ayaw na niya sa laruan. Enjoy the moment, is your Ninong right?" ani Jairus at tumabi kay Wayne.
"Yes, Ninong!" masiglang sagot ni Wayne.
Napasapo ako sa noo ko. Pakiramdam ko ay kawawa ako sa kanila. Hindi sila dapat magsama.
Habang nagbubukas ng laruan si Wayne ay may kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon at nakita ko si Kuya Benjie na may dalang bag.
"Seira, ako naman bantay kay Mama," aniya.
"Hindi pa dumadating yung nurse," ani ko.
"Sige, ako nang bahala. Nag-dinner na ba kayo?" tanong ni Kuya at binaba ang bag niya sa couch.
Nagmano si Wayne sa kaniya. Nginitian naman nito si Jairus.
"Hindi pa, Kuya. Hinihintay ka namin," ani ko.
"Ang dami namang laruan ng bunso namin. Mukhang magaganda 'yan, ah? Saan galing 'yan?" tanong ni Kuya kay Wayne.
"From my new Ninong." Tinuro ni Wayne si Jairus.
Napatingin sa akin si Kuya. Alam ko na ang iniisip niya, maski ako ay nagugulantang sa mga nangyayare. Nakakatakot, baka isang maling galaw ko lang malaman niyang anak niya si Wayne.
"Kuya... Saka ko na sasabihin," bulong ko.
"Ingat ka, Seira." Tinapik niya ang balikat ko.
"Mama, I'm hungry na. My tummy is aching so bad," daing ni Wayne at humawak sa tiyan niya.
"Tara, we will eat foods. What do you want to eat? Spaghetti? Chicken? Burger? Fries? Ice cream?" ani Jairus kay Wayne.
"All of it Ninong!" nakangiting sagot ni Wayne.
"Let's go, kakain tayo." Tumayo si Jairus.
Humawak si Wayne sa kamay ni Jairus na tila ba nakalimutan niyang may nanay siya dito sa loob ng silid.
"Patay..." bulong ko.
*****************