Seira Anthonette's P. O. V.
Puno ng kaba at takot ang puso ko gayong nagkita na pala ang mag-ama. Ito ang una nilang pagkikita, at walang kamalay-malay ang dalawa na mayroon silang kuneksyon sa isa't isa.
"BUDDY!" nanlaki ang mga mata ko nang tumakbo si Jairus papalapit sa akin at iwanan si Wayne mag-isa sa kinatatayuan nito.
Nakatingin lang ako kay Wayne nang yakapin ako ni Jairus ng sobrang higpit. Bakas naman sa mukha ng anak ko ang pagkagulat, hindi ko alam kung ano na bang nangyare sa kanilang dalawa. May napag-usapan kaya sila?
"Seira, na-miss kita..." bulong ni Jairus sa tenga ko.
Rinig ko ang t***k ng puso naming dalawa sa lakas ng kabog nito. Yayakapin ko sana siya pabalik dahil sa totoo lang ay na-miss ko rin siya, pero nagising din ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Wayne.
"Mama!" sigaw ni Wayne.
Agad kong tinulak si Jairus. Hindi na dapat ako magpadala sa kaniya, limang taon na ang lumipas. Natuto na ako.
"Anak, I've been looking for you! I thought I'd lost you already. Hindi ba sabi ko sa 'yo, hold onto me para hindi ka mahiwalay sa akin," napaluhod ako para pantayan si Wayne.
Pinunasan ko ang gilid ng labi niya na may gatas pa ng kinakain niyang cotton candy. Problema naman sa anak ko, cotton candy ang kahinaan. Lahat tatalikuran para sa cotton candy.
"T-Teka, Seira... Anak mo siya?" hindi makapaniwalang sambit ni Jairus.
Napalunok ako ng ilang beses, parang gusto ko na lang mag-disappear ngayon din. Ayoko siya harapin, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin at natatakot ako kung anong pwedeng mangyare kapag nalaman niya ang totoo.
"Oo, anak ko siya." Tumayo ako.
"Seira, look at me---" hinila ni Jairus ang braso ko.
"Ano ba?!" irita kong sambit at muling kinuha ang mga bit-bit kong groceries.
"Seira, ang tagal mong nawala. Huwag mo naman sana ako sungitan," hinawakan niya ang braso kong muli.
Napansin ko naman ang pormal niyang suot, attire ng isang business man. Mukhang naging successful siya ngayon, marahil ay tinanggap niya na nang tuluyan ang pagiging CEO.
"Oh... Wayne, hindi ba sabi ko sa 'yo, do not talk to strangers--"
"Mama, he bought me my favorite. He's a kind person."
Napaawang ang labi ko sa sinabi ng anak ko. Kung alam niya lang talaga ang tunay na ugali ng ama niya.
"Buti nga ako nakakita sa anak mo. Hindi ko naman alam na kinasal ka na pala, ang tagal mo kasing walang paramdam..." malungkot niyang sambit.
Napayuko ako. Kung magsalita siya, parang siya ay hindi nakasal kay Vinalyn. Siya nga 'tong marriage minded agad. Tapos parang hindi pa siya masaya sa nararating ko ngayon, although hindi naman ako kasal.
"May kailangan pa kami puntahan. Mauna na kami," pag-iiba ko ng usapan at naglakad.
"Teka, saan ba kayo pupunta? Nasaan ang Papa niyan? Hindi mo sinabi sa akin kung sinong Tatay niyan---"
"Jairus, please lang. Huwag ngayon, nasa hospital si Mama at kailangan na naming pumunta doon!" sigaw ko.
Napatigil siya. Nagsalubong ang kaniyang kilay. Marahil ay nagulat din siya sa balita patungkol kay Mama, lahat naman nagulat.
"What happened? Sasama ako sa inyo, gusto ko makita si Tita Sonya--"
"Jairus, huwag ka na mangulit. Tara na, Wayne." Humawak sa kamay ko si Wayne at nagpatuloy kami sa paglalakad pero ramdam ko pa rin ang pagsunod sa amin ni Jairus.
"Mama, you know him? Since when?"
"Anak---"
"Oo, best friends kami ng Mama mo. Ang hirap kasi kausapin ng anak mo, bakit english spokening 'yan?" ani Jairus na para bang walang nangyare.
The Jairus I left 5 years ago, is still the same. The jolly, talkative, and naughty one. Sana lang hindi magmana sa kaniya ang anak namin, isinusumpa ko.
"Wow, best friend mo siya Mama? Ako din may best friend. His name is Mikee!" ani Wayne.
Kung magsalita ang anak ko ay parang si Jairus na, ang daldal kahit hindi mo tinatanong. Para bang close na sila kahit ngayon lang naman sila nag-meet. Diyos ko, ang lukso ng dugo. Hindi ito maaari.
"Leave us, Jairus. Please, hindi ngayon ang tamang oras sa mga ganyan." Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.
"I-I know, I'm sorry... Nadala lang ako, dahil limang taon kitang hindi nakita. I just missed you," aniya habang kitang-kita ko ang pangingilid ng luha niya.
How come he act like this? Hindi pa ba sapat sa kaniya si Vinalyn para kulitin pa ako ng ganito?
"Fine."
"Sasama na ako, promise sandali lang ako." Bigla niyang kinuha ang dala kong mga plastic.
Tumango ako sa kaniya. Pumasok kami sa loob ng hospital. Nakasunod pa rin si Jairus habang si Wayne ay nakikipagngitian sa ama nito na hindi ko nagugustuhan.
"Wayne, let's wipe your mouth. Where's your handkerchief?" tanong ko habang pasakay ng elevator.
Kinapa ni Wayne ang bulsa niya at tumingin sa akin, alam ko na agad.
"I think I lost it, Mama. I'm sorry," malambing niyang sabi.
"May panyo ako, Seira. Nasa bulsa ko," singit ni Jairus.
Napatingin ako sa kaniya, dahil ang dalawa niyang kamay ay may bit-bit na groceries ay tinuturo niya ang bulsa niya. Parang ayoko naman kuhanin iyon, since dapat ko nga siya layuan.
"Can I borrow it?" tanong ni Wayne kay Jairus.
"Yes, of course. Seira, kuhanin mo na," utos ni Jairus.
Tila ba naipit ako sa gitna. Wala akong choice kundi ang kuhanin ang panyo sa bulsa nito. Dahil masikip ang pants niya ay mas lumapit pa ako sa kaniya. Napatingin ako sa mukha nito, kakaunti lamang ang distansya ng aming mga labi. Muli kong naalala ang mga nakaraan namin.
Biglang tumunog ang elevator at saktong nakapa ko ang panyo, agad ko itong hinugot. Nauna pang maglakad si Wayne palabas ng elevator. Sinundan ko siya. Pakiramdam ko tumutulo na ang pawis ko. Buong akala ko hindi na ulit kami magkikita ni Jairus, sobrang laki ng mundo pero pakiramdam ko sobrang liit na.
Talagang nagtagpo ang mag-ama. Wala pa kaming isang linggo dito si Pilipinas. Bakit naman ganoon kabilis?
"Do you also know my grandmother?" tanong ni Wayne kay Jairus.
Pinunasan ko ang labi ng anak ko dahil puno ng musang sa kinain niya. Binuksan ko ang pinto kung saan naka-confine si Mama.
"Yes, I know your Lola Sonya."
Bumungad sa akin si Kuya Benjie na basa ang buhok, mukhang naligo siya dito sa hospital. Sinusuot niya ang kaniyang relo nang mapalingon sa amin.
"Ang tagal mo naman, Seira--oh! Bakit kasama mo na yung--"
Pinanlakihan ko ng mga mata si Kuya, mahirap na at baka madulas siya sa mga hindi niya dapat sabihin.
"Hello po, Kuya Benjie," bati ni Jairus.
"Hi, my uncle!" bati ni Wayne.
Pumasok ang dalawa. Ibinaba ni Jairus ang dala niya sa couch. Lumapit sa akin si Kuya at dikit ang mukha sa tenga ko.
"Mukhang may ikukwento ka sa akin mamaya," bulong niya at ngumiti nang nakalaloko.
Kinurot ko ang tagiliran niya.
"Kuya naman..." inirapan ko siya.
"Paano ba 'yan, mauna na ako at may trabaho pa ako. Mamayang gabi ako ulit magbabantay kay Mama para makapagpahinga kayo ng pamangkin ko," ani Kuya.
"Ingat po, Kuya!" ani Jairus.
"Salamat, Kuya Benjie." Kumaway ako sa kaniya bago ito tuluyang lumabas ng silid.
Lumapit naman ako kay Mama. Mahimbing pa rin ang tulog nito, sana lang ay magising na siya. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya.
"Seira..." tawag ni Jairus sa akin at lumapit.
Hinawakan nito ang beywang ko. Agad akong umiwas.
"Akala ko ba sisilip ka lang tapos aalis ka na?" ani ko.
"Ayaw mo na ba akong makita? Matapos ang limang taon, Seira. I was searching for you. No traces of you, since deactivate lahat ng accounts mo. What happened? I'm dying to know it, Seira. Anong rason ng paglaho mo?" hinawakan niya ang braso ko.
"Pumunta ako ng Amerika para magtrabaho, pero nabuntis ako doon ng kung sino. Kaya nagtago ako, okay na ba?" hinawi ko ang kamay niya.
"What? Kanino ka naman nakipag-s*x---" tinakpan ko ang bibig ni Jairus.
"Lower your voice! Naririnig ka ni Wayne!"
"Sorry, naguguluhan lang ako. I know you very well, hindi ka magpapagalaw sa iba---"
"Then you don't know me." Umatras ako. Kahit masakit para sa akin ay kailangan ko panindigan ang pagtago ko sa katotohanan.
"Seira, sinong tarantado naman 'yon? Pinakasalan ka naman ba? Pinanagutan ba si Wayne? Nasaan siya ngayon?"
Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Wala, one night stand. Naglaho din siya..." napayuko ako.
Napasapo si Jairus sa kaniyang noo na para bang ang big deal sa kaniya noon. Ano bang pakialam niya?
"Umalis ka na, alam mo na ang lahat." Tinulak ko siya.
"Teka, Seira---" napatigil siya nang tumunog ang kaniyang cellphone.
Kinuha niya ito mula sa kaniyang bulsa at agad na sinagot. Habang nakikinig siya sa cellphone ay nakatitig lamang siya sa akin.
"In a minute," ani Jairus at binaba ang cellphone.
"Sige na, umalis ka na. Nakita mo na kalagayan ni Mama," ani ko at binuksan ang pinto.
"Hindi lang naman si Tita Sonya ang pinunta ko."
"Hinahanap ka na ni Vinalyn, sige na--"
"I'll be back. Saka, huwag mo na hanapin si Vinalyn. You may not know but hindi kami kinasal. We broke up, five years ago." Sinara niya ang pinto sa pagmamadali.
Naiwan akong tulala. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang sabihin niyang hindi sila kinasal ni Vinalyn. Ibig sabihin ba noon hindi pa siya kasal. Wala na kaya siyang karelasyon mula noon?
******************