Chapter 35

1329 Words
Seira Anthonette's P. O. V. Pagdating namin sa bahay ni Mama. Ang dati kong tirahan. Tulog na tulog si Wayne sa balikat ko. Alas-nuebe na ng gabi at sinabi ni Kuya na siya na ang magbabantay kay Mama. Babalik na lang kami bukas doon para kami naman ang magbantay kay Mama. "Seventy na po ang pamasahe ngayon ng trycicle," ani ng driver nang mag-abot ako sa kaniya ng singkwenta. "Ang mahal naman, Kuya. Dati fifty lang," reklamo ko at kumuha ng bente sa wallet. "Pamahal ng pamahal ang lahat ngayon, Miss. Pati gasulina." Ibinaba ng driver ang maleta kong dala. "Salamat, Kuya." Binuhat ko si Wayne na mahimbing ang tulog. Kinuha ko ang aking wallet para hanapin ang dati kong duplicate na susi ng bahay. Sana lang hindi napalitan ang doorknob nito, kundi kawawa kami. Napatingin naman ako sa kabilang bahay kung saan nakatira sina Jairus. Bukas ang ilaw sa sala nila. Sana hindi na kami magkita pa. Sinipa ko ang maleta papasok ng gate. Bigat na bigat na ako kay Wayne kaya inuna kong buksan ang pinto, sa awa ng Diyos ay bumukas ito. Dumiretso ako sa aking lumang kwarto ko. Nang buksan ko ang ilaw ay napahinto ako. Nakita ko kung gaano kaayos at kalinis ang iniwan kong kwarto, five years ago. "Si Mama... Nililinis pa rin niya," naluluha kong sabi. Inihiga ko si Wayne sa kama ko at lumabas ng bahay para kuhanin ang maleta na naroon. Napatigil naman ako nang may isang babaeng naka-uniporme ng pang-maid ang lumapit sa gate ng bahay. "Miss, nariyan na ba si Sonya?" Napatigil ako, sino kaya siya at bakit niya hinahanap si Mama? "Sino po sila?" tanong ko at ngumiti. "Ah! Ako yung katulong dito sa kabilang bahay." Tinuro niya ang bahay nina Jairus. "Ibibigay ko sana yung parcel na nakapangalan sa kaniya, ako kasi nag-recieve kanina. Kaano-ano mo ba si Sonya, iha?" Napatango ako. "Anak niya po ako, pwede pong ako na lang nag-recieve ng parcel ni Mama?" tanong ko. "Ay, sandali heto." Tumakbo siya papunta sa bahay nina Jairus. Wala pang ilang minuto ay bumalik siya dala ang isang box. "Kay ganda mo namang bata, manang-mana ka kay Sonya." Nakangiti siya habang inaabot ang box. "Salamat po. Matanong ko po sana, nandyan po ba yung may-ari ng bahay? Sila Jairus po?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong. "Naku, iha. Wala sila diyan, halos isang beses lang sa isang buwan kung umuwi. Rest house na lang nila 'yan, may penthouse kasi sila sa building nila. Diyos ko, ang daldal ko," aniya at tumawa. Napatango ako, kung ganoon. Safe naman pala na hindi kami magkikita ni Jairus. "Bakit, kilala mo po ba ang mga nakatira dito?" Agad akong napailing. Mahina akong tumawa. "Naku, hindi po. Sa pangalan lang kilala." "Oo nga, ngayon lang kita nakita." "Galing ako sa Amerika, ngayon lang nauwi." "Galing naman pala ng anak ni Sonya. Hindi niya nabanggit sa akin 'yan," aniya. "Ah... Ganoon po ba..." "Oh siya, papasok na ako sa loob." Kumaway siya sa akin. "Sige po." Nagtungo ako sa loob ng bahay. Ibinaba ko ang box sa lamesa saka dumiretso sa kusina. Maayos at malinis ang lahat. Ngunit nang buksan ko ang refrigerator ay isa pa itong malinis. Napaawang ang labi, wala kasi itong laman kundi tubig. Napaisip tuloy ako kung kumakain ba ng maayos dito si Mama gayong siya lang mag-isa. Bigla tuloy akong na-guilty, kung noon ay ako ang nagluluto para sa amin. Ngayon, kumakain pa ba siya ng maayos? Tumatanda na si Mama. Pakiramdam ko kailangan na niya ng kasama. ********************** Kinabukasan, naghanda ako ng almusal. Bumili lang ako ng itlog at nagsaing ng bigas. "Mama, why this house is empty?" Napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong ng anak kong nakaupo sa tabi ko. "What do you mean empty? It's full of things, there's a tv, sofa, table--" "Oh, it feels empty, Mama. I miss Dada and Ninang ganda." Bakas ang lungkot sa mukha niya. Hindi pa kami nakakatagal dito, mukhang mag-aaya na agad siyang bumalik ng amerika. Tinatawag naman niyang Ninang ganda si Dorothy, since bwisit ang babaeng 'yon, siya ang nagturo sa anak kong tawagin siyang ganda. "Anak, we will go to a mall after you eat. Okay?" Hinawakan ko ang buhok niya. "Really? May mall din dito, Mama?" "Yes, anak. There are huge malls here. We will buy groceries. Then, we'll visit your Lola and check her." "I hope my Lola get well soon," aniya. "I hope too, anak. Finish your food. Then, let's take a bath." Ngumiti siya sabay tango. Muli niyang kinuha ang kutsara saka kumain. Kahit ba tumatapon pa ang ilang kanin, hinahayaan ko lang siya para matuto. Hindi pa naman kasi siya stable humawak ng kutsara. Nang matapos kaming kumain ay sabay kaming naligo, kahit sa Amerika tuwing wala akong pasok ay sabay talaga kami naliligo. Itong batang 'to kasi, maglalaro pa ng tubig at sabon 'yan kapag hindi binantayan. *************** Nagbabayad kami sa kahera ng supermarket, nang makatanggap ako ng message mula kay Kuya. Nakikiusap siyang ako naman ang magbantay kay Mama. Sinabi ko naman na nandito lang kami sa katabing Mall ng hospital at pwede namin lakarin lang iyon. "Mama, thank you for this!" sigaw ni Wayne at tumalon-talon pa. Ngumiti ako, hawak niya ang malaking gummies na candy. Hindi ko naman siya pinagbabawalan sa candies as long as magto-toothbrush siya araw-araw na naging deal namin. "You're welcome, anak. Let's put it here," ani ko at kinuha ang plastik na mabigat dahil puno ng canned goods at frozen foods. "I will eat it later. Ipapakita ko kay Lola. Kailan po siya mag-wake up?" aniya. "I also don't know, anak. Let's wait. Come, hold on Mama's arms. I can't hold you. Ang dami kong dala," ani ko. Hinawakan niya ang braso ko. Nagmamadali na kami dahil buong gabi ring nagbantay si Kuya, baka mamaya kailangan na niya pa lang umalis o may gawin. Paglabas ng mall ay sobrang daming tao. Tanda ko pa rin ang lugar dahil parang wala namang nagbago sa makalipas na limang taon kong namalagi sa Amerika. "Wayne, hold onto me. There's a lot of people." Tumingin ako sa kaniya. Ngumiti siya at tumango sa akin. Ramdam ko ang hawak niya sa kamay ko habang naglalakad kami. Ramdam ko ang init ng araw, malapit na lang naman. Sana matiis pa niya ang init, magtatanghali na kasi. Ilang sandali pa ay napansin kong bumibilis ang paglalakad ko. "Wayne--sh*t!" napamura ako nang mapansing wala na pala si Wayne sa tabi ko. Nagsimulang dumagundong sa kaba ang puso ko. Tumingin ako sa paligid at sobrang daming tao na nakatayo sa isang gilid at nag-aabang ng bus at jeep. Wala akong makitang bata sa paligid. "Wayne!" sigaw ko at muling naglakad pabalik. "Ano ba!" Napayuko ako nang may mabunggo akong lalake. "Sorry po!" paumanhin ko. Muli akong naglakad pabalik habang palinga-linga sa aking paligid. Hinahanap ng mga mata ko si Wayne. Pakiramdam ko maiiyak na ako, gusto ko na lang umiyak. Nasaan ang anak ko? "Miss, may nakita kang bata ganito kalaki 4 years old pa lang. Blue na t-shirt ang suot--" "Wala, Miss." Nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba. Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. "Diyos ko... Nasaan ang anak ko?" bulong ko habang nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Bigla kong nakita si Wayne sa gilid ng kalsada. Nakatayo siya habang may hawak na cotton candy. May lalakeng humawak sa kaniyang balikat. Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako. Hindi kaya modus siya na nangunguha ng bata? Bibigyan ng cotton candy para sumama sa kaniya ang anak ko!? "WAYNE!" sigaw ko. Napaangat ng tingin sa akin si Wayne. Napangiti ako dahil nakita ko na siya ulit, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Tumigil ang mundo ko nang unti-unting humarap ang lalakeng may hawak sa kaniya. Napatigil din ako sa pagtakbo nang makita ko ang lalakeng naging dahilan ng mga maling desisyon ko sa buhay. "Seira..." bigkas ng kaniyang labi. ***********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD