Chapter 34

1421 Words
Seira Anthonette's P. O. V. 4 years later Hawak ko ang isang basket na laruan ni Wayne. Kakauwi ko lang galing sa trabaho at hindi pa rin natatapos ang trabaho ko pagdating sa bahay dahil gagapanan ko naman ang pagiging Ina ko. Sobrang likot na ni Wayne, hindi ko na siya masaway tuwing nagkakalat siya. Palibhasa ay bata pa, tapos hindi ako kasama buong araw, dahil sa trabaho ko. Naiiwan siya kala Tita at Tito. "Seira, do you want some cotton candy?" Napalingon ako sa pinto. Nakatayo doon si Iverson habang may hawak na cotton candy sa isang stick. Napangiti ako, matanda na ako pero pakiramdam ko nagiging bata ako kapag nakakakita ako ng cotton candy. "Of course, that's my favorite," ani ko at lumapit sa kaniya. "I know, it's also Wayne's favorite. Maybe he inherited it from you," biro niya. "It runs in the blood," natatawa kong sabi at kinain ang cotton candy. "Dada, make one again. Come, Dada!" Napatigil ako sa pagkain nang sumigaw si Wayne. Napasapo ako sa noo ko. Ilang beses ko na tinuturuan si Wayne, hindi pa rin siya makatanda. "Wayne, where's your please?" Lumakad ako papalapit kay Wayne na nakaupo sa hapagkainan kung saan nakalagay ang mini-cotton candy machine. Regalo ni Iver ito kay Wayne noong nag-birthday siya. Mismong si Iver pa ang gumagawa ng cotton candy para sa kaniya. "I told you, that if you want something. Always say it with please," pangaral ko kay Wayne. "S-Sorry, Mama..." bulong niya at yumuko. "Don't nag at him, it's just me. But if he shouted other people like that, you can confront him." Hinawakan ni Iverson ang balikat ko. "Tsk, kunsintidor." Napairap ako. "W-What? Hindi ko alam yung kunsintidor. What is that tagalog word?" tanong ni Iver. "Wala." "Dada, make it color blue," tinuro ni Wayne ang kulay blue na powder. "Let's mix blue and red. Our favorite colors, do you like that?" tanong ni Iver. Bakas naman ang excitement sa mukha ni Wayne. "Yes, Dada!" Pinanood ko silang dalawa na gumawa ng cotton candy. Minsan ko nang naisip na, sana si Iverson na lang ang naging ama ni Wayne. Sobrang swerte ko na tinanggap niya si Wayne ng buong-buo, parang kaniya talaga ang anak ko. Hindi rin siya umalis sa tabi ko matapos akong manganak kay Wayne. Ginawa kong Ninong si Iverson pero dahil sa kakulitan ni Iverson, ginusto niyang tawagin siya ni Wayne na Daddy. Pilit ko namang pinapaintindi sa kaniya na hindi niya ama si Iver. Pakiramdam ko, mas maguguluhan si Wayne sa nangyayare pero mas okay na rin ito. Kahit wala ang tunay niyang ama, nariyan naman si Iver na handang tumayo bilang isang ama sa kaniya. Sobrang swerte rin ng babaeng makakatuluyan niya, hindi lang husband material si Iver kundi father material pa. Pero sa apat na taong lumipas, hindi ko pa rin kayang tanggapin si Iver bilang kabiyak ko. Gusto ko siya bilang kung ano siya, pero hindi ko siya minamahal na kagaya ng kay Jairus. Iverson deserves the best woman, and it's not me. "Seira! Seira! Seira!" Napalingon kaming tatlo nang marinig ang boses ni Dorothy, maski si Tito na nanonood ng sports sa TV ay napatigil. "What happened, Dorothy?" tanong ni Tito. "M-May emergency!" natataranta niyang sigaw. "Ano?" tanong ko. Nagsimulang lumakas ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay masamang balita ang sasabihin ni Dorothy. "Ang Kuya Benjie, nag-message sa akin. Kanina lang, hindi ka raw niya ma-message dahil deactivate lahat ng social media mo tapos..." Napakagat siya sa ibabang labi niya na parang ayaw niya pa sabihin kung ano ang sasabihin niya. "Ano ba kasi!?" inis kong sabi at hinawakan ang braso niya. "Sabi niya naaksidente si Tita Sonya at critical ang lagay niya sa hospital ngayon..." Para akong pinagtakluban ng langit at lupa sa narinig ko. Ramdam ko na lang ang kusang pagtulo ng mga luha ko. Ayokong mawala si Mama nang hindi man lang kami nagkaka-ayos. "You need to go back, Seira. Your mother needs you," hinawakan ni Iverson ang magkabilang balikat ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napasubsob sa kaniyang dibdib saka humagulgol. "I will tell that to my wife. Seira, I'll book you a flight, is it okay with you?" tanong ni Tito at lumapit sa amin. "Y-Yes, Tito... Thank you," lumuluha kong sambit. "Seira, I want to come with you. Sadly, I have a work that I can't leave behind. I'm sorry," bulong ni Iver. "Ako rin, Seira. Out of town ako bukas," ani Dorothy. "Ako na, kaya ko 'to. Isasama ko si Wayne. May passport naman na si Wayne... Hindi ko kayang maiwan siya dito." Humiwalay ako sa yakap ni Iver. "Seira, can you face all of those alone with your child?" tanong ni Tito. "Yes, Tito. I can..." ******************* Nakalipad kami patungo sa Pilipinas. Hindi maintindihan ni Wayne ang mga nangyayare, dahil hindi rin naman niya kilala si Mama. Isang maleta lang ang dala ko, wala naman akong balak na manatili ng matagal dito. Kailangan ko lang masigurado ang kaligtasan ni Mama. "Taxi!" sigaw ko. "Mama, is this the Philippines?" tanong niya. "Yes, anak. I am born here," ani ko. Sumakay kami sa taxi. Binuksan ko ang cellphone ko. Kahit labag sa loob ko ay muli akong nagbukas ng social media account ko para lang ma-message si Kuya. Nabasa ko naman ang marami niyang message, nabalitaan niya lang last 2 years na wala na ako sa Pinas. Agad kong hiningi kay Kuya Benjie ang location ng hospital. Mabuti naman at agad na sumagot si Kuya sa akin. Sinabi ko sa driver ang lugar ng aming patutunguhan. "Matutulog tayo here, Mama?" tanong ni Wayne. Ginulo ko ang buhok niya. Napaawang ang labi ko nang mapansing kamukha nito si Jairus sa kaniyang makapal na buhok. Napalunok ako ng ilang beses, pilit kong kinakalimutan si Jairus. "In my mother's house, anak. Also, tomorrow we will go to the barber, ha? He will cut your hair," ani ko. Para naman maiba ang hair style niya. Ayokong maging kamukha niya ang kaniyang ama. Nang makarating kami sa hospital ay pumasok agad kami. Nagtanong ako sa information desk kung nasaan ang kwarto ni Mama. Nang malaman ko iyon ay dali-dali kami ni Wayne na nagtungo doon. Kumatok ako sa pinto ng room 274, bumukas naman ito at nakita ko si Kuya. Malinis ang kaniyang gupit ng buhok, wala na itong bigote at balbas. Pansin ko rin ang suot niyang jeans at t-shirt na maayos. "Seira, buti dumating ka." Hinawakan ni Kuya ang braso ko saka ako hinila para yakapin. Napatingin ko kay Mama na nakahiga sa hospital bed habang may dextrose sa kaniyang kamay. Napaawang ang labi ko nang makita ang mahabang tahi sa binti nito. "A-Anong nangyare kay Mama?" naluluha kong tanong at lumapit sa kama nito. May puting tela ang ulo niya habang mahimbing siyang natutulog. Tumingin ako sa monitor kung saan makikita ang heartbeat nito. "Naaksidente yung jeep na sinasakyan niya, bumangga sa truck. Tumaob yung jeep sa lakas ng impact. Ang dahilan ng driver, nawalan ng preno pero hanggang ngayon ini-imbestigahan pa." Napahawak ako sa noo ko at pinipigilan ang luha ko. "Bless sa Tito," ani Benjie kay Wayne. "Is this mano, Mama?" tanong ni Wayne. "Yes, anak. Put it on your forehead," turo ko. "Grabe, ibang klase 'tong pamangkin ko. Laking amerika," ani Kuya habang nagmamano sa kaniya si Wayne. "Marunong naman magtagalog 'yan, tinuruan ko. Sadyang mas sanay sa english at ganoon kinakausap nina Dorothy." Napaupo ako sa couch. Tumabi sa akin si Wayne. Pinunasan ko ang pawis ng anak ko. "Problemado ako sa gastusin, Seira. May trabaho naman ako sa isang car company. Kaso yung sahod ko sakto lang sa pang-araw-araw namin. May naipon ako para sa pag-aaral ng mga anak ko, iyon na lang share ko sa bayad ng bill." Napatitig ako kay Kuya. Halata sa kaniya na nagbago na talaga ito. Mas pormal na siyang tignan ngayon kaysa noon, sana itinigil na rin niya ang bisyo. "May ipon din ako, Kuya. Iyon na lang gamitin natin. Basta gumaling si Mama." "Balita ko ayaw rin niya sa pamangkin ko. Binanggit niya sa akin noon na nabuntis ka ng kung sino, galit na galit siya, pati sa akin." Napabuntong hininga si Kuya habang ako ay napayuko sa kahihiyan. "Sorry, Kuya..." "Hindi mo kailangan mag-sorry. Walang mali doon, nakatapos ka ng kolehiyo, nagka-anak ka. Naibibigay mo naman pangangailangan ng anak mo," aniya at ngumiti. Napangiti ako, hindi ko napigilan ang maiyak. Yumakap ako sa beywang ni Kuya, ramdam ko naman ang pagtapik nito sa likod ko. ********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD