Chapter 33

1129 Words
Seira Anthonette's P. O. V. "Mapayapa, ibig sabihin sa english ay?" "Peace!" sagot ni Iverson. Napangiti ako, gumagaling na siya sa mga tagalog words. Kahit magtagalog kami ni Dorothy ay minsan naiintindihan na niya. Kung noon, clueless siya, ngayon umaalam na. "What about hambog, I saw it on the internet." "It's arrogant in english." Kinuha ko ang ballpen saka isinulat ang spelling ng hambog. Nakaupo ako sa sofa habang ang dalawa kong paa ay nakapatong sa lamesa. Sobrang laki na kasi ng tiyan ko kaya mas nahihirapan ako kumilos. Parang buong araw gusto ko na lang mahiga, pero dahil kabuwanan ko na ay sinabi ng doktor na maglakad-lakad ako. "Mahalaga na ikaw ay pahinga." Nanlaki ang mga mata ko sa binuong sentence ni Iverson. Mahina akong natawa dahil hindi ito perfect grammar pero naiintindihan naman. "Root word yung pahinga, there's other term for it, like magpahinga, for future tense, nagpapahinga for present tense and nagpahinga for past tense. Did you get it?" Tumango siya at ngumiti. "It's basic, matuto rin ako niyan!" mayabang niyang sabi. "Matututo, present---agh!" napahawak ako sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng sakit. Unti-unting lumamig ang binti ko, noon ko napagtanto na pumutok na ang aking panubigan. Oras na, ang panganganak ko! "Seira!" Hinawakan ni Iverson ang likod ko para maiupo ako ng tuwid. "My water---I'm giving birth!" sigaw ko. Agad niyang kinuha ang malaking bag sa tabi ng TV. Iyon ang gamit ng baby. "I will take you to the hospital!" Hindi siya nagdalawang isip na buhatin ako. Nahiya naman ako sa suot kong bestida at sa itsura ko, dahil hindi pa ako naliligo. Wala man lang akong ayos sa pagpunta ng hospital. Wala naman akong choice dahil pakiramdam ko lalabas na ang anak ko. Dinala ako ni Iver sa kaniyang kotse. Inupo ako nito sa passenger seat habang nakasapo ako sa tiyan ko. Nilagyan niya ako ng seatbelt at agad na pinaharurot ang sasakyan. "The pain I'm feeling right now, gosh! It's like I'm being killed!" sigaw ko at napapikit ng mariin sa sobrang sakit. "Hold on! I'll call Dorothy, she must be at work right now or having a date with some random guy." Pinapanood ko si Iverson na kuhanin ang kaniyang cellphone at i-dial ang number ni Dorothy. "Ako na nga! Baka mabangga pa tayo!" sigaw ko at inagaw sa kaniya ang cellphone nito. "What, I didn't understand--" "Later!" Agad na nag-ring ang call. Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang sagutin ni Dorothy ang call. "Manganganak na ako!" bungad ko sa kaniya. Rinig ko ang pagkabasag ng kung ano mula sa kabilang linya. "What?! Ngayon na ba!?" sigaw niya na parang may laman ang bibig niya. "Oo, sobrang sakit. Please, pumunta ka na sa hospital kung saan ako naka-appoint, on the way na rin kami ni Iver--" biglang na-end ang call. Napakunot ang noo ko, hindi ko naman siguro napindot ang end call. "She will come. Just relax." Inirapan ko siya, sana alam niya kung anong nararamdaman ko ngayon. Tignan ko lang kung magawa niya pang mag-relax. Nang makarating kami sa hospital ay agad naming hinanap si Doktora. Binigyan naman ako ng wheelchair at doon ini-upo. Nakapikit lang ako at pinapakiramdaman ang tiyan ko kung lalabas na ba ang anak ko. Habang rinig ko ang boses ni Iverson, hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya dahil sa tiyan ko ako naka-focus. "Let's go!" sigaw ni Iver. Napadilat ako nang maramdaman ko ang pag-usad ng wheel chair. Ipinasok ako sa loob ng delivery room. May dalawang babaeng nurse ang naglagay ng net sa aking ulo at sinuotan ako ng hospital clothes. Hinanap ko naman si Iverson at nakita kong may suot na siyang hospital gears. Inihiga na ako sa hospital bed, habang abala ang doktor sa paglalagay ng gears ay nilabas na nila ang mga tools na gagamitin sa panganganak ko. Isang green na malaking kumot ang itinakip sa bandang ibaba ko. "Pulse, oxygen, blood pressure, check." Itinusok sa kamay ko ang dextrose. Napapikit ako nang maramdaman ang sakit sa p********e ko. "Miss Seira, do as I said push. We will begin." Biglang kinapa ni Doktora ang p********e ko. "You're already in 8 cm, we can start pushing. Alright, Ms. Seira. Push!" Isang kamay ang humawak sa braso ko. Napatingin ako kay Iverson na tumayo sa gilid ko. Nakaramdam ako ng lakas ng loob dahilan para isabay ko ang pag-iri ng malakas. "Another one, Ms. Seira! The head is coming out!" ani Doktora. "AAARGGHHH!" sigaw ko. "Go, Seira. You can do this," rinig ko ang bulong ni Iver. Umiri pa ako ng malakas, kasabay ng pagkawala ng aking mga sigaw. Tumutulo ang pawis ko mula sa sentido. Pakiramdam ko rin ay naglalagkit na ng pawis ang katawan ko. Patuloy lamang ako sa pag-iri hanggang sa naramdaman ko ang malakas na iyak ng isang sanggol. Tila ba nakaramdam ako ng ginhawa. Dahan-dahan akong napapikit para magpahinga. Tumulo ang luha ko dahil sa saya, naririnig ko na ang iyak ng aking anak. "He's here, Wayne Yves." Ramdam ko ang haplos ni Iver sa aking pisngi. Habang si Doktora ay tinanggal na ang placenta sa loob ko. Hingal akong napadilat upang tignan ang anak ko. Nakita ko siyang karga ng mga nurse at nililinisan ang katawan. Nang maibalot nila ang anak ko sa kaniyang twalya, dahan-dahang lumapit sila sa akin para ihiga sa dibdib ko ang sanggol. "Congratulations, Ms. Nerona." "Thank you." Pansin ko ang dahan-dahang pagtahimik ni Wayne nang makahiga ito sa dibdib ko. Inalalayan ko ito. Biglang bumukas ang pinto ng delivery room, nakita ko si Dorothy na nakasuot ng complete hospital gears. Hawak niya ang kaniyang cellphone. "Girl, tatawagan ko si Tita Sonya," aniya. "Ipakita mo sa kaniya yung gwapo niyang apo," ani ko at hinawakan ang pisngi ng anak ko. "Tita Sonya? Her mother?" tanong ni Iver. "Yup, sorry late ako. May date ako kanina, nakabasag pa ako sa gulat. Nakakaloka kasi yung balita mo," aniya habang pumipindot sa kaniyang cellphone. "Ayos lang, hindi ka pa naman super late Ninang Dorothy," ani ko. "Bwisit, heto na at nag-seen na si Tita Sonya. Sagutin niya kaya tawag ko--ay... Girl, nag-reply siya." Iniharap ni Dorothy ang kaniyang cellphone sa akin. "Ayokong makita ang dalawang 'yan. Bahala na siya sa buhay niya kung anong gusto niyang gawin." May kirot sa puso ko na para bang wala man lang pakialam si Mama sa kaniyang apo. "What did she said?" tanong ni Iver. "She didn't want to see her grandchild," bulong ni Dorothy kay Iver. Napayuko ako. Ramdam ko na ngayon ang pagtataboy ni Mama kay Kuya Benjie. Hindi ko maintindihan, kung paano niya kinakaya ito, iwasan kami. "The birth certificate will be processed, kindly write the name of the baby." Inabot ng isang nurse ang record book. "Ikaw na, Dorothy," ani ko. "Wayne Yves Nerona." **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD