CHAPTER 25

1387 Words
“Salamat ahh!" aniya ni Carla habang titig sa kaibigan ni Carlos, sabi niya. But ng mapabaling ito kay Carlos. Ingos na ang mukha n'ya at saka inismiran. “Ayusin mo yung tingin moh!" singhal niyang bulalas kay Carla. Si Carlos, umakyat muli ang dugo ng makita si Carla pero napabaling siya kay Lalaine. “Hoy, bakit andito ka pa?" Sa salita niya, sa pagtatanong niya ay parang 'di sila nagkita kangina. Sakali na nagkita pa sila, natanawan pa niya si Lalaine kasama ang mga kaibigan nito habang dumaan sa kanilang harapan ng kanyang kaibigan. Nagkairingan pa nga sila ng isa pang kainin ni Lalaine. Si Mira, ang buntis na kaibigan ni Lalaine. “Pre, tama na. Lasing ka lang." pinipigilan siya ng kanyang kaibigan. Ngunit hindi siya mapigilan sa kanyang pagdaldal habang sabi pa niyang muli. “Umuwi ka na!" mariin niyang utos sabi pa niya kay Lalaine. “Ka babaeng tao, iyan ba ang turo sayo nila Mom and Dad?" “Huh? sumagot ka!" tumaas muli ang boses niya habang sinisita si Lalaine. Habang hindi rin ito sumasagot sa mga pagsigaw ni Carlos. “Carlos, nakakahiya na oh! Marami ng tao." “Eh ano? Hayaan mo silang marinig ang sasabihin ko." giit ni Carlos. Binaliwala lang ang panunuway, nang kanyang kaibigan habang hawak siya sa braso. Pinipigilan nito si Carlos na baka ano pa ang siyang magawa, lalo na at lasing siya. Kabisado pa naman nito kung paano malasing si Carlos. Kung paano ito maging aggressive sa tuwing nalalasing. Kung paano ito magwala sa tuwing lasing. “Iyang makapal na mukha na iyan. Siya lang naman ang babaeng ipinipilit sa akin ipakasal ng mga magulang ko." turo niya kay Lalaine. “Kala mo ang bait!" “Kala mo ang linis sa harapan ng mga parents ko… Pero tingnan mo…" bungisngis siya ng tawa. Turo pa rin ng daliri si Lalaine. Tawang lasing habang lango sa alak. Mukhang nabuhay ang alcohol na nainom ni Carlos sa katawan. Tawa-tawa pa si Carlos nang may sumuntok sa mukha niya. “Pu—" nang hindi rin niya na-ituloy pa ang pagmumura ng isang malakas na suntok muli ng matigas na kamao ang pumaling sa nguso niya. Napabalikwas siya ng kanyang pagkakatayo muntik na rin siya mabuwal. Si Carlos ay napabaling ng tingin upang hanapin at harapin ang sumuntok sa kanya na siyang may gawa nuon sa kanya. Nagulat talaga siya, maging ang mga kasama nila ni Lalaine. Ang kanyang kaibigan, at mga kaibigan ni Lalaine na siyang namilog ng husto ang mga mata at napauwang ang mga bibig sa sobrang pagkagulat. Hindi nga ito mga agad nakakibo o makapagsalita sa gulat nila. They are all shocked by what happened to Carlos. Naibuka na lang nila ang mga bibig nila, at walang lumabas na salita kaya hindi sila mga nakapag salita. Dahil na rin sa ang mga pagpaling ng kanilang mga mata. Kay Carlos lahat, tapos ay bumalik sa may gawa nuon kay Carlos. Sa taong sumapak sa fiance ni Lalaine. “Sino ka naman?" angil nitong bigkas, habang pinunasan ang dugo sa bibig. “Ikaw? Sino ka?" balik nitong pahayag. “Oops, ikaw nga pala… Ano kamo? Ikaw ang mapapangasawa niya?" mayabang na pahayag. “Malas niya naman." anito nitong pang aasar. Tila naman ikina-pintig ng taenga ni Carlos buhat sa mga sinabi ng lalaking hindi pa man nakikilala. Hindi rin kilala ni Lalaine ito. Hindi rin kilala ng kanyang tatlong kaibigan. Ganun din ang kasama ni Carlos ay hindi rin nakikilala ang mystery guy na biglang pumasok sa eksena. Napa tindig ng diretso si Carlos, sabi niya. “Ikaw, ang yabang mo ahh! Bakit? Girlfriend mo ba siya?" Sabi niya sa lalaki. Dinuro-duro niya. “Bakit? Kung girlfriend ko ba siya, may problema sayo?" anito na nang aasar pa rin na sagot ng lalaki. Tinitingnan nito ang reaksyon ni Carlos nang sabihin nito iyon, kay Carlos. “Wala naman siguro problema di ba? Mukhang ayaw mo naman sa magandang fiancee mo. Bakit hindi mo na lang din ipamigay sa iba? Sayang naman siya, maliban sa nakikita kong maganda siya. Mukhang mabait pa at malayo sa ugaling demonyo na tulad mo." “Daig mo pang walang pinag-aralan sa inaakto mo." “Bastos!" pahayag pa nito, dagdag niya na mas kinalamukos ng mukha ni Carlos. Lalo ng sabihan siyang bastos. “T*r*ntado, pala ito." turo niya habang napabaling ng nakatingin sa side niya, sa katabi niya. Sa kaibigan niya na may hawak sa braso niya habang pinipigilan siya habang nagpupumiglas siya upang mabitiwan siya nito. Nanginginig sa galit si Carlos dahil sa lalaki. “Oops, hindi ba dapat sayo papunta 'yung sinasabi mo? Mas mukhang mas karapat-dapat sayo. Hindi sa akin, at lalong hindi sa fiancee mo." pagpapamukhang sabi pang muli kay Carlos. Mas lalo pang ikinainis ni Carlos, ikinagalit niya ang mga salitang binitawan nito sa kanya. “Lalaine, sino ba siya?" bulong ni Trisha sa kanya, sinundan pa ng dalawa niyang kaibigan. “Hindi ko rin alam." tugon niya sa tatlong kaibigan. “Grabe, galit na galit, 'yung mapapangasawa mo ohh!" turo kay Carlos. “Nakita mo?" tuwang-tuwa na bigkas ni Carla. “Nakahanap kasi ng katapat. Ayan tuloy, namumula sa galit at tila sasabog na sa sobrang pagkapahiya niya. Baliw kasi! Ang yabang pa kala mo kung sinong makapag salita. Ang yabang! Buti nga sa kanya at nakahanap siya ng kanyang katapat." natutuwang sabi ni Carla pa rin habang nanonood sila nang tapatan ni Carlos at nang lalaking nag ala super hero at biglang pumasok sa eksena. Si Lalaine, napatitig nalang sa dalawang nag-aangilan. Iniisip niya dapat ba niya pigilan, 'yung dalawa o hayaan nalang niya. Mga mukha pa naman tuluyan na nagkaka-initan, yung dalawa. At mukhang anumang oras… Once si Carlos ay hindi na nakapagpigil pa. Paniyak na gulo na ito! “T*r*ntado!" isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Carlos, pero dumaplis iyon at naiwasan agad ng lalaki. Masyado itong alerto at mabilis umilag. Isang malakas na suntok din ang pinakawalan ng lalaki, tumama iyon sa mukha agad ni Carlos. Nangitim agad yung mata ni Carlos. Black eye! “Ano? Kaya mo pa? Mukhang lasing ka na eh! Bakit hindi ka na lang umuwi sa bahay niyo at ipahinga mo iyang alak sa ulo mo. Gewang-gewang ka pa!" bigay na opinyon ng lalaki kay Carlos. Pahayag nito, awtoridad nitong utos, turan at isang suntok naman ang siyang isinagot, ni Carlos na tumama na rin sa lalaki. Ikinangisi, ni Carlos sa tuwa nang makaisa siya nang tumama ang kamao niya sa lalaki. Napanguso pa si Carlos, poker face na tumatawa habang turo yung lalaki. “Hahaha!" sabi niya nang aasar din dahil sa nakatama na rin siya sa wakas dito at ikinatuwa niya ng husto. Ikaw ba naman ang makatama, nang mas malakas pa sa suntok ng lalaki sa kanya. Kaya ganun na lang ang tuwa ni Carlos nang nakaisa siyang suntok sa mukha nito, tumama sa may ibabang labi, at pumutok din ang ibabang labi ng lalaki. “One shot!" sigaw ni Carlos, parang nakikipag tunggaan lang ng alak sa mga kainuman. Tuwang-tuwa siya habang ikinahagikhik pa niya. “Another shot!" pabirong usal ni Carlos pero bago pa tuluyan na umangat ang kamay niya, ang kamao na nakatikom. Nauna na yung lalaki lumapat ang kamao sa mukha niya bago pa siya. Hindi na makapag salita si Carlos, yung bibig niya mas lalo lang pumutok. Maga na rin ang mukha niya sa ilang suntok. At ang magkabila nitong mata nangingitim na sa tama ng kamao ng lalaki. Sa ilang palitan ng suntok nila ng lalaki… Tila nakikipag away sa babae si Carlos nang magawang sabunutan yung lalaki ng sugurin niya. At napabagsak sila sa sementadong kalsada. Gu-mulong-gulong sila, 'yung dalawa sa sahig na dinaig pa ang babae ni Carlos ng magawa niyang sabunutan yung lalaki. Walang nakapagpigil sa kanilang dalawa. Nagpagulong-gulong sila, napasabunot na rin yung lalaki sa kanya. Nang mapaibabaw ang isa, dadali ng sapak, at suntok. At kung nakabawi na rin yung isa, at makapag palit ng mga pwesto. At yung isa naman ang nasa ibabaw. Ganun din ang gagawin nito. Nag salit-salitan lang sila habang gumugulong sa kalsada at nanunuod, ang maraming tao. Kaya nga lang mas matindi ang naging damage sa mukha ni Carlos. Maging ang mga braso at halos buo niyang katawan ay napuno ng galos, sugat at maraming gasgas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD