“Okay, okay!" sabi nito kay Carlos.
Nasa malapit na sila na place kung saan ay makikita na at natatanawan nila ang mga nagsisilabasan at pumapasok na mga tao sa bar.
“Tawagan mo na sila." utos ni Carlos kay Drew.
”Okay, wait lang I'll get my phone in my pocket."
“Okay!" anito na tugon ni Carlos.
Tinawagan nga ni Drew ang ilan pa sa kanilang mga kaibigan. Pagkakuha pa lang niya sa phone niya sa kanyang pocket. Idinial niya agad ang number ng isa sa mga kaibigan nila sa loob at mabilis din naman ito sumagot.
Nakipag-usap siya dito at sinabi na nasa labas na sila ng bar at pinalalabas na rin niya ang mga ito upang sana ay sabay-sabay na rin sila makaalis at makauwi. At syempre dahil sa pagmamaneho pa niya si Carlos upang ihatid sa bahay nito. Binanggit na rin niya sa kaibigan niya na ipagmaneho muna, ang kanyang sasakyan while ipinag-mamaneho niya, si Carlos.
Pumayag naman ang kausap niya at sinabi na palabas na rin sila at kakagising pa lang ng isa nilang kasama na nakatulog sa sobrang kalasingan.
“Ano sabi?" tanong ni Carlos ng ma-pabalik lingon na din si Drew sa kanya matapos nito tumalikod upang tumawag sa mga kaibigan.
“Palabas na raw." nang kinamulat ng mata nito.
“Bakit?" nagtataka na tanong ni Carlos. Napalingon din siya sa may likod niya kung saan nakatingin itong si Drew.
Nagulat din si Carlos ng makita ang tinitingnan ni Drew. Hindi siya makapaniwalang nandito pa rin pala si Lalaine sa bar na nakita pa ng kanyang kaibigan. Napalunok si Carlos at muli na umarangkada ang galit sa kanya. Nang makita si Lalaine at ang mga kaibigan nito na kangina ay nakaharap niya pa.
Tumikhim si Carlos na kinalingon ng mga kaibigan ni Lalaine ng mapadako na rin ang mga ito sa kanilang harapan ni Drew.
Nang napalingon ang mga kaibigan ni Lalaine kasama siya. Laking gulat din ng mga ito ng makita ang sira ulo na kaaway nila kangina. Maging si Lalaine nagulat.
“Uy, nandito pa pala ang mga daga. Kala ko naman mga nagtatago na sa kani-kanilang lungga. Hindi pa pala. At nakuha pang rumampa sa loob ng bar… Bakit? Naghahanap din ba kayo ng gaya ng nahanap nang mahusay niyong kaibigan?" panunudyo niya at pagpaparinig ni Carlos.
“At bakit naman ang isang halimaw nandito pa pala sa bar?" aniya na tugon ni Carla.
“Ayos talaga 'tong babae na 'to." anito na inis na pahayag ni Carlos at akmang hahablutin si Carla. Buti nalang nakaiwas si Carla ng hilahin din siya ni Mira.
“Halika na, wag mo nang pansinin ang mga ignorante na tao na tulad niya. Mga dapat hindi na ipinapanganak sa mundo ang mga gaya niyang halimaw. Ewan ko ba kay Bro, kung bakit hinahayaan niyang kumakalat at pakalat-kalat ang mga tulad niya sa mundo. Nakakasira lang at panera." pahayag na mahaba ni Mira habang naglalakad.
Pinaparinggan nila si Carlos na nagngingitngit na sa galit na naman dahil sa ilan pang sinabi ng mga barkada ni Lalaine. Naglalakad na rin sila palayo at buti na lang nakalayo na rin sila habang pinipigilan at hawak sa braso ni Drew si Carlos na akmang susugod sana sa grupo ng mga kaibigan ni Lalaine.
“Alam mo, iyang mapapangasawa mo may salta-demonyo talaga. Kita mo ang itsura?" nang mapalingon kila Carlos at Drew.
“Mga ganyang tao. Dapat talaga nabura na din sa mundo ng hindi na kumalat pa." sunod na sabi ni Mira.
“Oo, tama ka don." nang magkalingunan sila kay Trisha. Kinalingon naman din nila ng sabay-sabay ng mahablot ang bag ni Mira.
“Sh*t ang bag ko." sigaw ni Mira na kinagulat nila.
Tumakbo si Carla at hinabol ang magnanakaw na pumagawi kila Carlos. Malayo pa lang at sa may kalayuan sila Lalaine natatanaw nila ang dalawang nagpipigilan dahil sa dapat na pagsugod ni Carlos kay Carla kangina at sa isa pang kaibigan nitong si Mira.
Dali-dali na tumakbo si Carla upang mahabol niya ang snatcher na siyang tumangay sa bag ni Mira.
Mas binilisan niya ang pagtakbo upang maabutan ito. Malapit na rin ang snatcher sa gawi ni Carlos at Drew na napalingon nang mapansin nila ang pagsigaw ni Carla.
“Magnanakaw!" sigaw ni Carla habang tumatakbo.
“Magnanakaw hayop ka ma-abutan lang kita." she yelled habang konting-konti na lang ay maabot na rin niya ito sa may likuran.
Ang tinatarget niyang maabot ang damit ng magnanakaw. Pero lagi nalang sa tuwing susubukan niya'y mabilis itong nakakailag, at na-iiwasan din siya.
“Hayop ka! Akin na iyong bag." she yelled pa rin hinihingal na siya.
“Saglit lang, pre." paalam ni Drew ng akmang susugod at tutulungan si Carla.
“Wait! Wag mong gawin. Hayaan mo ang maldita na yan." pinigilan ni Carlos si Drew na mangialam.
“P-pero, pre…"
“Hayaan mo siya." Carlos smirked habang nakikitang nahihirapan si Carla sa kanyang pagtakbo.
“Hayaan mo siyang humuli ng mag-isa sa hinahabol niya." natutuwa siyang napangiti habang nakikita na napapagod, nahihirapan at hinihingal si Carla sa kanyang paghabol sa magnanakaw.
“Kung tutulungan mo siya, parang kinain mo na rin ang pride mo."
“What do you mean by that?" tanong nito na ikinalingon sa mukha ni Carlos na nakangiti mukhang aso. Na siyang ikinatawa naman ni Drew.
“Bakit tumatawa ka?" Puna, singhal ni Carlos sa kanya.
“Hindi ka naman kasi ganyan. Actually napansin ko lang nuong start ng dumating yuong ampon niyo. Saka ka lang nagbago ng todo. Although medyo may pagka pasaway ka nga. But not sure na talagang nagbago ka na nga." Drew said to Carlos.
“But I think I smell something in you, but not right now, perhaps sooner later. You have to realize kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganyan ka sa kanya. Kung bakit naiinis o nagagalit ka sa tuwing nakikita mo siya o sa pagdating niya sa buhay mo, sa buhay ng pamilya mo." anito ni Drew kay Carlos na kinalingon niya ulit sa magnanakaw na konting distance nalang dadaan na sa kanilang harapan.
“But sorry, pre. Hindi ko kayang manood lang. I need to help them." sabi ni Drew at ikinahakbang na ng kanyang mga paa upang salubungin ang magnanakaw na papadaan sa kanilang harapan.
“Don't…" Hindi na natuloy ni Carlos ang sasabihin ng tadyakan agad ni Drew sa sikmura ang magnanakaw na dala ang bag na kinuha nito sa kaibigan ni Lalaine.
Siyang ikina-bagsak naman nitong magnanakaw ang sakit buhat sa pagkaka-tadyak sa kanya ni Drew. Napaluhod ito habang hawak ang sikmura. Napangiwi ito sa sakit buhat sa pagkaka-tadyak sa kanya.
“G*go ka!" aniya ni Carla at pinag-sasabunutan ang lalaking magnanakaw.
“Ang lakas ng loob mong tangayin itong bag ng kaibigan ko. Siraulo ka hayop ka." mas hinigitan niya pa lalo ang pagkaka-sabunot sa magnanakaw. Habang kanyang sinersermunan at kinagagalitan ito.
Agad din na mga tumakbo papalapit kay Carla sila Lalaine, Mira at Trisha upang pigilan na si Carla sa ginagawa nitong pananakit sa magnanakaw.
“Tuturuan kita ng leksyon ngayon. G*go ka!" gigil na sabi muli niya habang nagulat siya at kinalaki ng mata ng may pumigil sa kanya.
May humawak sa kanyang isang kamay na papahampas sana muli sa magnanakaw. “Don't tama na, kawawa na sayo iyan." malamig ang boses ni Drew na kinalingon ni Carla. She sighed nang makita ang gwapong mukha ni Drew.
Hindi niya ito napansin kangina nang dahil kay Carlos siya kanina nakatuon habang nakikipag-parinigan siya. Natigilan si Carla na parang lumutang ang mundo niya at tumibok ang puso niya. She breathes heavily habang titig na titig sa mukha ni Drew. Hindi rin nakurap ang kanyang mata habang hawak siya ni Drew sa kanyang braso.