CHAPTER 26

1201 Words
“Ayos ka lang?" nag aalala na tanong ng kanyang kaibigan ng matulungan si Carlos tumayo. Sila Lalaine naman ay tinulungan, yung lalaki sa pagbangon nito. Yung lalaking tumulong sa kanya mula sa pambabastos ni Carlos. Maga na rin ang mukha nito. Maliban sa putok nitong mga labi. Pati ang mata nito ay nagawa din tamaan ni Carlos. Puno rin ng gasgas, galos at sugat ang buong katawan nito. Maging ang pants na suot nawasak buhat sa pagpapalit-palitan nila ng pwesto ni Carlos ng nagpagulong-gulong sila sa kalsada. Hindi rin nakaligtas ang mukha nito na nabahiran ng mga kalmot at pasa. Naawa tuloy sila bigla dahil sa itsura ng lalaki. Hindi sila makapaniwala na magagawa iyon ni Carlos ang makapanakit ng tao nang dahil lang sa pagiging makitid ang utak. Sabagay ito rin naman ang siyang may kasalanan at nauna. Pero hindi rin naman nila matitiis gawa ng ipinagtanggol lang nito si Lalaine sa pambabastos ni Carlos. Pinukulan lang ni Lalaine ng bahagya na palihim ng tingin si Carlos. Hindi niya magawa na lapitan din ito kahit na naawa siya sa naging itsura ni Carlos. Mas matindi kasi ang nangyari sa mukha nito kesa sa lalaking tinulungan nila makatayo. Basag ang panga ni Carlos, habang punong-puno ng sugat din ang mukha nito at magkabila ang black eye sa mata. “Halika, tumayo ka na muna!" pahayag nila na sabi. Nakatingin lang si Lalaine habang inalalayan ng mga kaibigan niya ang lalaki. “Salamat!" pahayag na sabi nito. “Wala yon. Kami dapat magpasalamat sayo." pahayag na sabay-sabay na tugon ng tatlong kaibigan ni Lalaine. Tahimik pa rin si Lalaine ang mata niya na kay Carlos. Napatingin naman din yung lalaki kay Carlos saglit. Habang dahan-dahan siyang umaangat upang makatayo. Naisip nito na nagkamali siya ng conclusion kangina, naging pabaya ito nung una. Buong akala nito ay dahil sa lasing lang si Carlos. Kakayanin niya, kahit mag-isa. Hindi pala. Masyado malakas pa rin pala si Carlos. Naisip niya but hindi naman din nagsisisi ng magkamali na iniisip niya ang pumasok sa eksena na wala siyang kinalaman. Gusto niya lang naman ang tumulong. Naawa lang siya sa babae. Nakita niya kung paano ito basto-bastusin, nang lalaki na nagsasabi na fiance nito. Kaya sa inis at awang naramdaman niya para kay Lalaine. Agad ito lumapit at sinapak sa mukha si Carlos dahilan upang matigil sa pagpuputak. Dun na nag-start ang iringan nilang dalawa hanggang sa nagpagulong-gulong na nga sila. Natigil lang 'yon, nang mapagod sila. Wala kasi ang makapigil sa kanila. Kahit ipilit na paghihiwalay sila. Hindi nangyari bagkus ay nasasaktan lang yung mga tao na pilit sila mga pinaghihiwalay. “Okay ka lang?" tanong nila Trisha. Nakatitig yung lalaki kay Lalaine habang nasa likuran ito nang kanyang mga kaibigan. “Sorry, baliw na ata talaga yung fiance ng best friend namin. Nasaktan ka tuloy. But, thanks sa pagtulong sa kanya sa pambabastos ng g*g* na baliw na yon." aniya na pahayag ni Carla. “Oo nga! Salamat talaga, nakahanap din siya ng katapat. At least ngayon alam na niyang hindi pwede na ganun... ganunin niya lang itong si Lalaine. Kapal ng mukha eh!" pahayag ni Mira. Tila mga nagkakasundo-sundo pa ang mga kaibigan ni Lalaine para sa kasiyahan nila nang makahanap ng katapat si Carlos. Hindi na, nila napansin si Carlos. Ang atensyon nila nasa lalaki matapos na sila bahagya na mapa-sulyap kay Carlos. “Ano pala 'ang pangalan mo?" tanong ni Carla, kinikilig ang gaga at tawa-tawa niyang inusisa ang katauhan ng lalaking kaharap. Nakita na nakangiwi pa ito, habang inaayos ang sarili matapos makatayo. Kinukulit at tinatanong na nila. “Ako?" sagot nito ng makatayo siya ng maayos. Kahit pala puro sugat na ang mukha nito, kahit basag ang mga labi niya ay nakuha pa nito na ngitian si Carla, at tumawa. Nagulat din sila. Mas gwapo pala ito nang makita nila ito ngumiti. “Ay, kakaiba. Siya yung tinatanong ko. Pero hindi pala ikaw, si Mira po ang tinatanong ko." pabiro na sabi nito, turo kay Mira. “Joke lang! Wag mong pansinin ang sinabi ko. Binibiro lang kita gaya nang pagbibiro... moh!" pahayag pa rin ni Carla, habang tumatawa. “Hindi ako nagbibiro." seryoso na sagot na pahayag nito. “But, joke lang din." bawing biro. Nakita niya kasi ang itsura ni Carla nang sabihin niyang hindi siya nagbibiro. Subalit napalingon ito kay Mira muli. “Nurse ka?" tanong nito. “Buntis ka rin? Tama ba?" anito nitong tanong ulit, habang nakatingin sa matambok na tiyan ni Mira. “Yes!" tugon agad ni Mira. “Bakit? Gusto mong maging ama?" ngumiti lang ito, sabay bumaling kay Lalaine. “Ikaw!" sabi nito. “Bakit pumapayag ka na tratuhin nang ganun ng lalaking yon? Hindi tamang pumayag ka na bastusin at ipahiya sa maraming tao. Kung ako sayo, papatulan ko na rin ang mayabang at wala naman maibuga na…" nang hindi natuloy ang sasabihin ng biglang batakin si Lalaine sa braso. There's someone who took Lalaine na kinagulat nila. “Halika na!" “Bitiwan mo nga ako." sabi ni Lalaine, nagpupumiglas. “Umuwi na tayo. Mom and Dad called me and they told me to bring you home. Kaya wag ka na pumalag pa at kahit anong gawin mo uuwi na tayo. Iuuwi kita!" ma-awtoridad na pahayag ni Carlos at wala naman nagawa si Lalaine sa higpit ng pagkakahawak, sa kanya ni Carlos. “Hoy! Wala ka pa rin ba ka-dalaan?" turo sa kanya ni Carla. “Manahimik ka!" sigaw na sagot ni Carlos. Galit na naman ito, nagngingitngit sa galit nang makita niya ang mga tinginan ng lalaki kay Lalaine. Hila-hila na niya si Lalaine at hindi na pinapansin ang mga kaibigan ni Lalaine na siyang panay ang sigaw habang hawak niya sa braso si Lalaine at sinabihan niyang uuwi na sila. Kangina habang kausap ni Carlos ang kaibigan niya, napalingon siya nang magawang lapitan at tulungan ng grupo ni Lalaine ang lalaking nakaaway niya. Mas lalo lang siya nanggigigil nang makita niya na mga nagtatawanan pa ang lima. Lalo na nang si Lalaine na ang nagawa nitong tingnan. Kaya sa inis niya. Agad siyang bumitaw mula sa pagkakahawak ng kaibigan at mabilis na tinungo ang grupo ni Lalaine. Agad niyang hinawakan sa braso si Lalaine at hinila niya papunta sa kanya. “Bitawan mo ako, Carlos. Nasasaktan na ako." daing na sabi ni Lalaine, nang ayaw naman makinig ni Carlos. “Manahimik ka! Kung ayaw mong sampalin din kita." agad na pahayag na tugon ni Carlos. Galit ito at makikita ang masamang tinginan nito kay Lalaine habang sinasabi yon. Nakalakad na sila palayo sa mga kasama ni Lalaine. Nakarating na rin sila sa kotse na dala niya. “Pasok!" sabi nito, pinapasok si Lalaine sa loob ng kotse niya. “Papasok ka o itutulak kita?" pananakot ni Carlos habang itinanong kay Lalaine. Kasama na ang pambabanta nito kay Lalaine. “Pasok na sabi…" gigil nitong sigaw. Wala na nagawa pa si Lalaine kundi ang pumasok sa kotse ni Carlos. Hindi na niya nagawa ang makapag pumiglas at tutulan si Carlos lalo ng marinig niyang tinawagan na ito ng mga taong umampon sa kanya. Tahimik siyang lumingon sa likod ng sasakyan. Habang inaantay na makapasok din si Carlos sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD